Spur of the Moment

8 0 0
                                    

Buwan ng Mayo, sa ikatlong linggo nito, habang bumubuhos ng hindi kalakasang ulan. Naghuhugas ako ng mga pinagkaininan at inis na inis sa mga palabas sa telebisyon.

“Ganyan nalang ba talaga ang mga palabas? Pustahan tayo, Ma. Sakto ‘yan, bago pa mabuksan ni Zsa Zsa ang pinto ay dadating na si Gerald.” At ganoon nga ang nangyari. Tiningnan lang ako ng aking nanay na para bang sinasabing, ‘oo nga, ang galing mo naman’.

               At ang sumunod namang eksena, hindi naniniwala si Andy sa palusot ni Gerald kaya’t kumaripas ito paakyat sa kwarto ng lalaki, dudang mayroong itinatago doon. Nandoon si Dyesebel, (ang tanging karakter na kilala ko sa palabas na ginaganapan ni  Anne Curtis) pero siyempre bago pa man mabuksan ni Andy ang pinto ay hubo at naglaho na ang kanyang buntot. Ngunit ang eksenang iyong ay prediksyon ko lamang at hindi ko pa alam kung tama nga ulit ako dahil nasa abangan pa iyon at bukas pa ipapakita.

               Isa pang kinaiinisan kong eksena ay ang pinapanood kanina ng Mama ko, ang Mirabella. Isang lumang eksena sa mga palabas, inilagay ni Iris ang answer sheet sa bag ni Mira kaya siya ang napagbintangan na kumuha nito sa Faculty Room upang makapasa sa exam.

Habang iniisip ko ito ay biglang may kumatok sa aming pintuan, tinignan ko kung sino ‘yon. Ang pinsan ko na kapatid ng may kaarawan, sila ang mga maiingay na nagkakantahan sa harapang bahay namin. (kumakanta nga ba sila o tumutula ng pasigaw?) Mukhang pagod na pagod ang pinsan kong si Boy-boy.

               “Ate.. pinapatawag ka ng nanay ko.” Bakit parang may mali?

               “Sino ‘yan Paul?” tanong ng nanay ko na nasa harapan ng telebisyon, nanonood pa rin siya ng mga palabas doon.

               “Si Boy-boy po. Sandali lang, pinapatawag daw po ako ni Tita Geli.” Sagot ko sa Mama ko at saka na sumunod kay Boy-boy, hindi na hinintay ang kanyang sagot dahil siguradong nagbalik na ang atensyon nito sa kanyang pinapanood.

Papasaok na ako sa pinto sa gilid ng kanilang bahay na tumutumbok sa kanilang kusina ngunit pinigilan niya ako at umiling.

               “Sa harapan. Nandoon sila sa harapan.” Doon ko lamang napansin na parang may komosyon doon at ingay.

               Nagtataka man ay sumunod na ako sa kanya. At pagdating ko doon ay tila napatigil silang lahat, lahat ng taong naroon, ang mga umiinom na kaibigan ng pinsan kong may kaarawan na si Bert. Napatingin silang lahat sa akin ng ilang sandali at lumipat ang kanilang tingin sa isang lalaking nakaupo na hawak-hawak ang isang bote ng alak. May dalawang lalaking tila pinipigilan na siyang uminom dahil hawak ang magkabila nitong braso at innabot ng isa pa ang basong kanyang hawak.

               Naramdaman ata ng lalaking iyon ang biglang pagbabago sa kanyang kapaligiran, mula sa ingay ng sigawan at kantahan kanina, tanging natira ang melodiya ng karaoke na hindi na sinasabayan ng kumakanta kanikanina lang. Iniangat niya ang kanyang ulo, dahan-dahan na mala eksena lamang din sa telebisyon. Noong una ay hindi ko maaninag ang kanyang mukha, hindi ko siya makilala. Siguro’y dala ng kawalang ng sapat na liwanag o dahil sa labo na rin ng aking mga mata.

               “Nei, ayan na si Paul.” May biglang nagsalita, doon ko nasigurado kung sino nga ba ang lalaking nakaupong iyon na malamang ay dahilan ng komosyong ito. Si Ranier, ang binatang nakatira sa bahay sa likod namin. Kilala ko siya, naging kalaro nung mga bata pa kami, pero ngayong ay hindi na kami gaoon kalapit.

               “Paul? Pauline, ikaw ba ‘yan? Ikaw ba talaga ‘yan?” unti-unti siyang tumayo sa kinatatayuan niya, hindi pinigilan ng dalawang umaawat kanina sa kanya. Tumaas ang kilay ko, nagtataka kung anong nangyayari. Papalapit siya sa akin. Awtomatiko ang paghakbang ko palayo. Kumunot ang noo ko ng lumuhod siya sa harap ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnconventionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon