Ang Pinakamalupet na Prologue

18 1 0
                                    



Tamang bilang ng bawang.

Hindi Masyadong mamantika.

Hindi gaanong malaki ang hiwa ng sibuyas.

May konting toyo, pero pwede ding wala.

Walang bestin, walang magic sarap, o aji ginisa.

Pwede ding may konting twalya ng itlog at budbod ng karne.

Parang Chowfan, pero mura at pinoy ang lasa.

Ito lang naman ang mga krayterya ko para sa pinaka-malupet na fried rice.

At sa munting karinderyang ito ko nakita ang hinahanap ko.

Gagawin ko lahat para lang palaging makakain sa karinderya na'to.

Siguro para sa iba, masyado kong bini-big deal ang karinderya-hunting na'to.

But nobody understands.

This little connection to reality that is this karinderya,

is the only thing that makes me sane.

Ang Pinaka Malupet na Fried RiceWhere stories live. Discover now