Hindi ako naka-pagbreakfast.
Sanay akong nag-uumagahan sa Jollibee bago pumasok sa school. Minsan Chowking.
Habol ko yung mga malulupet nilang fried rice.
Medyo mamantika at simple ang sa Jollibee, pero tama lang ang alat at dami ng toasted garlic.
Mas mamantika naman ang Chowking Chowfan, pero sobrang malasa at maraming sahog.
Pero hindi ako naka-pagbreakfast ngayon.
Anong problema?
Una: Walang fast-food Chain sa daan patungong UCV.
Pangalawa: Singkwenta lang baon ko.
Bago mag-intro ang mga fast-food commercial dyan, let me tell you na hindi talaga sapat ang 50 pesos.
Sabi sa Commercial, 50 Php, pero tatanungin ka ng kahera kung lalagyan ba ng drinks at ulam at kanin, at kaboom, 70 Php - 100 Php pala ang ipapabayad sa'yo. Pag-nagtanong ka, sasabihin sa'yo, "Pero nagpa-add-on po kayo." What the heck?! Alangan namang plato lang rentahan ko.
Exagge na 'yon.
At least totoong chicken ala-king ang nasa Mcdo. 60 nga lang. With drinks pa. Ah, pati burger steak ng Jollibee. But I never ordered that kase gusto ko 'yung spicy chicken joy. May pera ako eh, bakit ako magtitipid? Pati nga pala Chowking Chowfan 60 Php lang, pero walang ulam. Syempre yung may ulam i-o-order ko, with matching halo-halo.
But what the fak?
50 pesos lang baon ko. Sabihin nating may fast-food chain, makakakain ba ako? Tang Ina, tataas pa ata ang Value Added Tax next year.
Walang kwenta ang singkwenta noon para sa'kin. Aanhin ko ang barya? Binibigay ko lang 'yan sa mga pulubi noon.
Walang kwenta ang singkwenta ngayon para sa'kin. Halos walang mabili. Halos walang silbi.
Tinignan ko ang singkwenta ko.
Anong mabibili ko sa singkwenta ko?
Sagutin mo ako, Sergio Osmenia! Anong magagawa ko sa'yo!
Ay wait, may barya-barya pa ako sa bulsa. Pampamasaheng bigay ni Kuya.
Isang sampum-pisong plata.
Apat na Jose Rizal.
Dalawang Emilio Aguinaldo.
Wait! Bakit dalawa ang mukha sa Sampum-piso? At bakit ngayon ko lang 'to napansin?
Sino Ito?
Nilapit ko ang mga mata sa pera at nalamang ang mga ito ay si Andres Bonifacio at Apolinario Mabini.
Bakit sila magkasama?
Hindi ba magseselos si Aguinaldo kase sekretarya n'ya si Pole? (nickname ni Mabini, if u don't know because u suk at pilipin histori punyeta ka)
Pero bakit sila magkasama sa iisang pera? I know magka-henerasyon sila, pero bukod sa minsan silang nagkita, anong espesyal na relasyon ang meron sila para magsama sa sampum-pisong-plata?
Wala ba akong alam sa pilipin histori? Humayghad.
Napa-isip ako.
Palalim ng palalim.
Maraming mga bagay...
"Dai"
.... sa mundo ang hindi ko napapansin...
"Dai... huy...."
... dahil sa kasaganahan na meron ako noon...
"Dai."
at eto ako ngayon, nililitis ang Bangko Sentral sa aking isipan.
"Dai."
"Wat!" Pairita kong sabi na nanggugulo sa'kin.
"Dai, okey ra ka? Nganu nag-ngadyi man ka sa imong dyis?"
"Wat?"
Wat?
****
![](https://img.wattpad.com/cover/132937044-288-k155968.jpg)
YOU ARE READING
Ang Pinaka Malupet na Fried Rice
HumorTungkol sa isang kolehiyalang biglang nalipat mula sa isang prestihiyosong unibersidad papunta sa tapunang state university sa ibang isla na may ibang diyalekto. Galit sa mundo at sa lahat aspeto ng kanyang buhay, pa'no makaka-adjust ang babeng nasa...