Nga pala. Nasa Visayas pala ako. So nag-bi-bisaya ang mga tao.
Eh galing ako sa Southern tagalog.
Tagala ako.
Hindi ako marunong mag-bisaya.
Tangina ayoko nang mabuhay.
Nasa tapat na ako ng school nung tanungin ako ng isang estudyante na may green na palda. High School ata.
"What did you say?"
"Ah, haha, ahahaha." Tsaka s'ya unti-unting lumayo.
Nagtaka naman ako. Akala ko college campus 'to, pero bakit may naka-unipormeng hayskul student?
Pero habang tumatagal ako sa school, tsaka ako napatanong sa sarili ko.
"Bakit halos lahat ng estudyante dito naka-uniporme? Mali ba ako ng campus?"
Pagpasok ko sa Student Services, tsaka ako binugbog ng malupet na balita.
May Uniporme
Ang
Mga
College Student
Sa
Cebu.
Ghad I'm hating Island.
Hindi lang iyon ang malupet na balita, minamatahan ata ako ng mga tao sa registrar
kase tagala ako.
Ayaw nilang tumanggap ng mga galing Luzon. Hindi ko alam bakit may karapatan silang maginarte sa enrolles eh ampangit-pangit ng school nila.
Excuse me?
Walang aircon ang mga classroom nila.
Walang aircon ang mga banyo
walang salamin ang mga banyo.
Puro vandalism ang mga pinto. May mga kumpletong pangalan pa ng mga tao.
"Stace Hernandez gwapo kang way sulod ang utuk" [Gwapo kang walang laman ang utak]
I don't fucking know who Stace Hernandez is, but I'm pretty sure hindi maganda ang sinabi sa kanya.
Tangina. Walang delikadesa ang mga babae dito. Kung makasulat, kitang-kita ang mga mapapangit na ugali.
"Do you know BTS?" Gusto ko sanang sulatan ng oo, pero ayokong mag-vandal. Dahil sa kada-pinto ng banyo, may malaking nakasulat na "No Vandalism: Maximum Penalty Expulsion". Pero mukang walang may pake sa rules dito.
O my gosh.
"What is Beauty without Brains?"
Aba, may nagsulat ng wholesome na content, however, may mga toxic na reply.
"Suya lang na s'ya oi, kay dili s'ya gwapa." [Ingit lang s'ya kase hindi s'ya maganda]
Hindi ako marunong magbisaya, pero I can roughly translate that.
At bobo ang nagsulat ng reply na 'yan. Bobo.
Meron pang isa.
"Booking s'ya mao nagsulti ana." [Booking s'ya kaya nagsabi n'yan.]
At putang ina, gurl. Mag-aral ka nga kase wala ka talagang kautak-utak. Hindi alam kung kelan gagamit ng infinitive at adverb.
Hay nakaka-stress.
Hindi ako sanay maka-interact ng mga low quality na babae. Sa pinanggalingan ko, girl power ang student council, girl power ang engineering council, at magkakaibigan lahat. Siguro yun ang advantage na lumaki sa mataas na pamumuhay.
Exposed ka lang sa high quality life at people.
Hindi ka exposed sa mga pathetic na tao.
Pero ito na ang katotohanan.
Habang pumipila ako sa labas ng office ng Student Affairs para lang mag-enroll, naalala ko kung paano ako nag-enroll sa dati kong school. Lahat ng requirments ibibigay lang sa isang office, tapos dadalhin ka sa mala-hotel lobby na floor para sa interview, sa answering of personality test, bayad ng tuition, at I.D picture taking.
Paglabas mo ng lobby, enrolled ka na nga, may I.D. ka pa agad.
Habang pumipila ako sa registar ng school na'to, which is from different floor pa, naalala ko na lagi kami nginingitian ni Miss Jackie. Alam mo yung tipong ngiti ng server na masaya sa sweldo n'ya.
Dito, matandang babae na nga ang server, naninira pa sa head ng registar. Aba, sabihan ba naman akong maldita, eh nagtatagalog lang naman ako. Pasensya na kung may punto ako, ha.
Pero to the point na siraan ang estudyante sa Head... ang immature. Ang immature grabe. (See author's note at the end). Paano kung hindi ako matanggap sa school dahil sa bibig n'ya? Wala s'yang takot manira ng kinabukasan ng estudyante dahil lang nairita s'ya? Kung hindi n'ya kayang mag-handle ng stress lumayas s'ya.
Ba't kaya may ganong ugali ang mga non-millenials, no?
Tang Ina.
At ngayon, nandito ako sa banyo.
Maghahapon na, hindi pa ako tapos mag-enroll dahil pinapaikot-ikot ako sa buong campus.
Nakaupo ako ngayon sa isang stall ng banyo, exposed sa toxic vandalisms ng cubicle na ito, gutom, nasusuka, pagod, nahihilo, at putek, nireregla pa. Buti may vendo ng napkins at tissue dito.
Mas lalo pa naman akong lumulungkot sa unang araw ng regla ko.
Kaya eto, hinayaan kong tumulo ang luha ko.
Habang umiiyak, naalala ko lahat ng kaibigan ko sa Batangas.
Ang Student Council kung saan Engineering Representative ako.
Ang Thearte Group kung saan Props Head ako.
Ang Lion's Club kung saan Local Service Director ako.
Ang barkada kong palaging kumakain sa Paseo.
Ang spot ko sa de-aircon na library, kung saan pwede akong matulog.
Ang quantum physics na libro na palagian kong binabasa.
Ang Calculus corner na palagian kong binibisita.
Ang dorm room ko kung saan katabi ko ang malaking puno ng Acacia, kung saan uma-umaga akong binibisita ng ibong itim ang muka, asul ang pakpak, at dilaw ang buntot.
At eto ako ngayon.
Sa buhay na hindi ko alam paano gawin.
I should have been there.
Not here.
Not in this hellhole.
Not with these people.
I should have been there.
GRRRRRRKKK....
Sabi ng tyan ko.
Oo nga pala, wala pa akong kain.
Pero dahil sa pamasahe, bayad sa print-outs, bayad sa napkin, tissue, at wet wipes sa vendo (kase nga meron ako), candy para hilo at suka, at konting kain ng banana que, wala na akong pera para kumain ng full-course meal.
Hapon na ngayon, umaga pa ang kain ko ng banana que.
Kinse pesos nalang pera ko, at kung kakain pa ako ng snacks, wala na akong pamsahe.
So ano?
15 munites later...
"So." bulong ko sa sarili ko habang ngumunguya ng tinapay. "Hindi ako makakauwi."
(Author's Note: This part is not an exaggeration. This really happened to a friend of mine and I was there to witness it. Stupid old woman.)
*****
YOU ARE READING
Ang Pinaka Malupet na Fried Rice
HumorTungkol sa isang kolehiyalang biglang nalipat mula sa isang prestihiyosong unibersidad papunta sa tapunang state university sa ibang isla na may ibang diyalekto. Galit sa mundo at sa lahat aspeto ng kanyang buhay, pa'no makaka-adjust ang babeng nasa...