Nakita ko si Kuya sa front gate, mukang nag-aalala.
Tumakbo s'ya nung makita ako. Suot ang kanyang pulang polo na uniporme sa talyer.
Nung makita ko si Kuya, hindi ko napigilan ang mga luha ko.
Reminder: May regla ako ngayon kaya medyo emotional.
Niyakap ako ni Kuya at hinimas-himas ang aking ulo.
"Ayos ka lang? Bwisit, dapat dinagdagan ko baon mo. Don't worry, lalake din 'yan, ok? Konting tiis nalang."
Lumuha-luha lang ako.
Pinagtitinginan na kami ng tao, pero dahil emotional ako ngayon (ahem, reminder), patuloy lang teleserye sa gitna ng school grounds.
"Jok, uli sa ta." [Uwi muna tayo]. Tawag ng isang malalim na boses. Tumingin ako sa likod ni Kuya, at nakita ang isang matangkad at middle-aged na lalaki. May stuble, fit, mestiso, at amoy mamahaling perfume.
Mukang cool din.
"Ipapaliwanag ko paguwi."
Ferrari. Nakasakay ako ngayon sa isang Ferrari. Meron akong sariling mini-cooper sa Batangas, pero isa 'yon sa kinuha ni Kuya Ramon para sa kanyang rendevouz.
Pero dude, ilang buwan na akong walang sakay sa de-aircon na kotse.
Umayos ang mood ko, in-fairness.
Kung sino man 'tong sugar daddy ni Kuya ngayon, mayaman s'ya.
Nakasakay ako sa back seat, si Kuya naman, sa passenger's seat. Driver naman ang mayamang lalaki.
Lumingon si Kuya sa'kin. "Bunso, ito ang boss ko. Si Sir Damian."
"Ah, hindi mo s'ya Costu...Fling?"
Lumaki ang mata ni Kuya, at tumingin kay Sir Damian. Tumawa lang si Sir Damian. Malalim at maikling tawa.
Gumaan naman ang ekspresyon ni Kuya. "Ah, well...June, let me introduce to you my most frequent sugar daddy, Sir Damian Cansojon. S'ya ang may-ari ng lahat ng Gasket Auto-Mechanic shop sa Pilipinas. So Oo, mayaman s'ya, at oo, titira s'ya sa bahay ng isang buwan."
"Pero may..."
"Wala s'yang asawa. Don't worry, hindi ako nakikipag-fling sa mga may asawa."
"Aw. Ah, nice to meet you, Sir."
Sa totoo lang, hindi ko pa'rin alam kung pa'no kikiilos sa paligid ni Kuya, pa'no pa kaya sa mga dinadala n'ya sa bahay?
Oo, naloka ako nung sinabi n'yang may mga sugar daddy s'yang dinadala sa bahay minsan, pero wala akong karapatang magreklamo o mag-drama, dahil techinically, hindi dapat ako pasanin ni Kuya Jok. Out of nowhere, kinupkop n'ya ako nung akala ko wala na akong mapupuntahan.
Still, may pagka-close-minded ako.
Malay ko ba kung paano tratuhin ng sir Damian na'to si Kuya?
First of all, gay people, ew.
Second, sex for money, ew.
Pero kapag na-rerelate ko ang mga imahe na'yon kay Kuya Jok, medyo iba ang nakikita ko.
Kase iba si Kuya Jok.
Mabait s'yang tao.
May pagka-malandi, pero mabuti s'yang Kuya.
Lagi s'yang ngumingiti kahit mababa lang sweldo n'ya.
Lagi n'ya akong inaalala kahit wala kaming pera.
YOU ARE READING
Ang Pinaka Malupet na Fried Rice
HumorTungkol sa isang kolehiyalang biglang nalipat mula sa isang prestihiyosong unibersidad papunta sa tapunang state university sa ibang isla na may ibang diyalekto. Galit sa mundo at sa lahat aspeto ng kanyang buhay, pa'no makaka-adjust ang babeng nasa...