◄----♥♥ CHAPTER SIXTEEN ♥♥----««

371 11 14
                                    

CHAPTER SIXTEEN: Ui... Concerned???

by: justadream13

Point Of View: 

Freya Athena Zamora

"Ui.. ok ka lang ba??" andito pa rin kami ngayon sa likod ng school... bumalik na lang ulit ako sa katawang lupa ko nung marinig ko ang sabi niya sa akin...

"Mukha ba akong ok???"

"ay sensya naman daw!! grabe... di ko maiisip na gaganunin ka nila..."

"mas lalo naman ako... pero thanks nga pala ah!!!" pinunasan  ko na ang mga luha ko... ayoko nang umiyak, nakakapagod... 

nakaupo ako sa isang naputol na kahoy at nasa tabi ko naman si---- teka, di ko pa pala kilala tong gwapong to...

"ano nga pala ang pangalan mo??"

"Jake Morris..."

"nice meeting you----"

naputol na lang bigla ang pagsasalita ko nang----

"FREYA, OK KA LANG BA???"

hinihingal na dumating si Psyche sa likod ng room... anong ginagawa niya dito??? tsaka, ano daw yung tanong niya???

"ah--e-- o-ok lang.. ba-bakit???"

napasandal na lang siya sa may wall dun... at ang itsura niya ee yung parang nabunutan ng tinik... concerned ba siya sa akin??? hay!!! imposible naman!!!

"PSYCHE!!! WALA KA BANG PAKEALAM SA PERSONAL ASSISTANT MO?? PINAPABAYAAN MO EE... ALAM MO BA KUNG ANONG GINAGAWA NILA SA P.A. MO HA??"

nagulat na lang ako kasi nilapitan ni Jake si Psyche..at kinwelyuhan... yung parang susuntukin niya... 

Pinigilan ko silang dalawa baka kasi magbugbugan pa ee...

"tama na nga yan!!! ok lang ako, napaka OA niyo..."

aalis na sana ako pero----

o.O

HINAWAKAN NI PSYCHE YUNG...

K-KAMAY KO??? O_O

"Let's go..." yun lang yun inutos niya sa akin... galit ba siya???

hinila lang niya ako... yung totoo, mahilig ba talaga silang magkapatid na manghila.. kaasar ah!!! at naiwan dun yung Knight in shinning armour ko ... binalikan ko siya ng tingin pero nakatingin na siya ng malayo kaya di na niya ako nakita... 

"teka nga, san mo ba ako dadalhin???" pilit kong bumitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ko pero sadyang malakas siya...

tumigil kami sa harap ng isang kotse sa isang parking lot...

"PASOK!!" tipid niya magutos ah!!

"ayoko nga!! baka san mo pa ako dalhin ee... baka kidnappin mo ko..."

"Pasok sabi ee..." tapos ayun tinulak niya lang ako papasok sa kotse niyang yun... =____=

umumpo siya sa driver's seat at ako naman ay nasa tabi niya.. agad na siyang nagdrive... di ko pa rin alam kung san kami pupunta... 

ilang sandali pa ee tumigil kami sa harap ng isang----

MALL??? O.o

"anong ginagawa natin dito???"

"pede wag ka na lang magtanong.. gawin mo lahat ng iuutos ko sayo ah!!!"

 nakakahiya nga ee kasi puno ako ng itlog sa katawan tapos andaming tao dito... hilig niya rin akong ipahiya noh... pinagtitinginan pa kami ng mga tao....

"wow, ang sweet naman nila... kaso ang dumi nung girl..."

"diba si Psyche yun ng Tear Here??? ang swerte ni girl..."

"nakaholding hands pa sila.. pero bakit ganun itsura nung girl??"

yan yung mga naririnig ko-- teka, ano yung last na narinig ko?? NAKAHOLDING HANDS???

KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!! OO NGA!!! 

nakakahiya!!! sirang sira na ang reputasyon ko.. kainis!!! >.<

tumigil lang kami sa kalalakad nang makarating kami sa isang boutique...

"oh ayan, magbihis ka... ang dumi mo... nasabihan pa tuloy akong walang pake sa mga PA ko... tss..."

"concerned ka ba sa akin o ginagawa mo lang to dahil sinabihan ka ng kuya mo???"

"psh.. dami mong alam.... magbihis ka na lang.. buti nga libre yan ee..."

sabagay, libre naman kaya ayun, naghanap na ako ng isusuot ko... 

PERO----

Lintik.. ang mamahal dito.. ano bang klaseng damit to?? may ginto ba to... yung dress, worth 5 thousand... yung isa namang yun--- ahhhhhhhhhhhh.. nakakaloka ang presyo dito... 

kaya ayun, di ako nagbihis... hinila ko si Psyche papunta dun sa mga malilit na stalls na nagbebenta ng damit... 

"bakit dito?? mas maganda dun oh..."

"ang mamahal naman ng andun ee.. dito na lang.."

di na siya nakapalag pa kaya kinuha ko na yung isang short tapos isang white shirt then isang pink na long sleeves... ok na to.. kesa dun sa boutique na yun...

nagbihis na ako tapos lumabas na.....

"Psyche, tara na!!" 

di siya kumibo instead tinignan niya ako mula ulo hanggang paa... goshness!! nakakahiya!!! ano ba kasing ginagawa niya???

"may ganda ka rin pala... ngayon ko lang napagtanto.." ang yabang neto ah!! sapakin ko kaya!!!

tapos ayun na, hinila na naman niya ako... pumasok naman kami ngayon sa isang cafe.. nasa mall pa rin kami pero malapit na sa labasan... ang ganda ng cafe na to, pangmayaman talaga...

"umorder ka na.." utos niya ulit sa akin...

"yung totoo Psyche... concerned ka ba sa akin??? sige na!! di naman ako magagalit ee.."

matagal din siya nakasagot pero bakit ganun, parang gusto kong sabihin niya na concerned nga siya... ano ba naman tong feeling na to... erase...erase....erase... >_<

"HINDI AH!! GUILTY LANG AKO..."

kala ko concerned talaga siya... Guilty lang pala pero masaya na rin ako sa sagot niya... hayyy.. ang assuming ko talaga!!! -________-

[TO BE CONTINUED]

COMMENT || VOTE || BE A FAN

=========================

waaaaaaaahhhhhhhh... wala na akong ibang maisip ipang update.. hahaha.. pagpasensyahan niyo na po tong update na to.. hahaha... babawi ako next time... hahaha...

=========================

CUPID'S DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon