◄----♥♥ CHAPTER THIRTY ONE♥♥----««

340 10 8
                                    

CHAPTER THIRTY ONE: Plans and Errors

by: justadream13

Point Of View: 

Freya Athena Zamora

"Ui Besfie... Ui... Ui... FREYA ANO BA!!!" Nagulantang ako dun ah!!! Si Besfie Hera lang pala...

"Ang lalim ata ng iniisip mo.. di kita ma reach ah!!!" sabi niya sabay upo sa tabi ko at inilapag ang dala niyang notebook... Lunch Break at andito kami ngayon sa canteen...

"s-sorry... talagang wala ako sa sarili ko ngayon... I'm sorry..."

"Ano ba kasi yang iniisip mo ha???"

"ah.. w-wala naman... ah sa  Ma-math.. tama sa math!!" OO...Ako na best in acting disasters... di talaga ako magaling sa pagsisinungaling at pag-arte na ok ang lahat...

Kanina pa talaga ako nag-iisip dito.. ni hindi na ako nakinig sa lesson sa Math.. My brain cells are preoccupied by---- Psyche???OO, Kay Psyche... Dahil sa halik niya sa akin na naging dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan namin ni Kim...

Ewan ko lang ha.. di ko alam kung bakit ganto ako lately.. yung tipong makakita ka ng isang bagay then naalala ko si Psyche... Hayyyy.,.. buhay!!! Diba dapat magalit ako sa kanya dahil sa ginawa niya.. pero di ko kaya ee...

At isa pa may iniisip kasi ako tungkol sa kasal namin ni Jake... alam kong itong iniisip ko ay masyadong delikado o careless pero.. bahala na!!!

"Alam mo.. masyado kang obvious.. tungkol ba to sa kasal niyo ni Jake?? or tungkol  sa someone!!" 

What kind of sorcery is this Besfie.. bakit nakakabasa ka na ng isip ngayon.. are you like doing some black magic!!! masyado na akong nagiging english spokenin!!! 

"Sort of... diba sinanay ko na naman sarili ko kung sakaling nasa situation na ako.. bakit ganun?? bakit parang naninibago ako.. I mean parang ayaw ko na, na ewan!!"

"Tungkol sa kasal??? siguro kasi iba ang sinasabi ng puso mo sa sinasabi ng isip mo!!!"

"Words of wisdom teh??"

"di pa yun noh.. meron pa... For example... sinasabi ng isip mo na kaya mong magpakasal kay Jake and mamahalin mo rin naman siya kahit na ang sinasabi ng puso mo ay 'wag kang magpapakasal sa kanya' dahil may mahal ka nang iba!!"

"BOOM!!!" NGA NGA ako dun ah!! may pinaghuhugutan siya!!! masama to.. nakakatakot si besfie pag ganyan yan... di normal!!

Pero may mahal na nga ba talaga akong iba??? sino... siguro nga nagtatanga-tangahan na lang ako.. 'kahit alam ko naman na nahulog at nadapa na ako sa putikan yet dinedeny ko na marumi na ako!!!' gets niyo ba yung metaphor!! k.. wag niyo na lang igets!!

Buti nagbell na at pumasok na ulit ako sa classroom... Three subjects to go.. pero wala pa rin ako sa mundo ngayon... ewan ko ba parang nagiging absent minded ako ngayon... kasalanan to ng Psyche na yun.. argh!!!

Ayun nag uwian din. Nakita ko si Jake paglabas na  paglabas ko ng room. Bigla kong naalala yung sinabi niya sa akin na aasikasuhin na namin ang kasal namin. Sobrang kinakabahan na ako. Siguro simula na to ng bagong chapter ng life ko. 

Pumunta na agad kami sa may parking lot. Hindi to usual na mangyari kaya naman ang mga echuserang froglets sa paligid ay nag-uumpisa na namang mag-chismisan!!! Nakakainis... Kaya binilisan ko na lang ang lakad ko para naman di ko na sila marinig.

CUPID'S DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon