◄----♥♥ CHAPTER TWENTY FIVE ♥♥----««

348 9 9
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE: I'm Sorry, I can't be Perfect!!!

by: justadream13

Point Of View:

Freya Athena Zamora

*now playing- Perfect by Simple plan

Andito ako ngayon sa Park… nag-iisa lang ako dito ngayon… I really don’t know what to do.. everyone except my dad wants me to sing but of course I need to follow my dad’s order… pano kung atakihin siya sa puso.. I know na magiging makasarili ako kung kakanta ako diba… I still love my dad kahit na dinidiktahan niya ako sa gagawin ko…

Tinawagan ko na lang si mommy.. I know na matutulungan niya ako…

“Hello momi… can I talk to you kahit saglit lang…”

“Freya… ok ka lang ba? May sipon ka ba?”

“w-wala momi… as usual, sino pa bang iiyakan ko diba..”

“oh your dad again… ano bang nanyari?”

“alam na niya na kakanta ako on TV…”

“and??”

“ayaw niya.. baka daw malaman ng media na anak niya ako… ang hirap lang kasi momi na hanggang ngayon tinatago niya pa rin ako sa new wife niya, sa lahat actually…”

“anong gusto mong gawin ko??? Sasamahan kita, gusto mo sampalin natin yang daddy mo para matauhan naman…”

“momiiii!!! Ayoko namang masali ka sa gulo..”

“but  I’m your mom… of course it’s my duty to protect you… karapatan mong lumigaya at gawin ang mga gusto mong gawin…”

“I know momi but dad is still my dad.. you can’t change that fact… baka atakihin yun sa puso ee.. alam mo naman na may sakit siya diba…”

“nakakainis na kasi yang daddy mo ee… hindi ka niya laruan para kontrolin na lang basta!!!”

“I don’t know.. gulong-gulo na ako momi… kung andito lang sana si mommy..”

“yeah… alam kong alam niya ang gagawin niya… I’m sorry Freya kung hindi ko kayang ipaglaban ka..”

“momi ano ka ba!! You are the best mom in the world.. don’t feel sorry… are you crying?”

“*sniff* no I’m not… sige na Freya ha.. may meeting pa kasi boss ko ee..”

“sige momi.. see you on Friday…”

“yeah… I love you.. take care always…”

“thanks momi.. love you too..”

Binaba ko na ang phone ko.. ang sarap sa pakiramdam na makausap si momi… halos di na kami nagkikita dahil na rin sa naging busy na ako… but still nag-uusap pa rin naman kami…

Napaupo na lang ako sa isang bench dito sa park… wala na!! ayan na naman ang mga luha kong parang nagkakarerahan…

Kasabay ng pagtulo ng aking mga luha ay ang biglang pagbuhos ng ulan…

Mas mabuti na to para walang makakita sa akin na umiiyak… ang hina ko talaga kahit kelan… simple lang naman ang gagawin ko ee.. bibitawan ko LANG naman ang mga pangrap ko para sa daddy ko.. I need to quit singing and continue my course…

CUPID'S DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon