CHAPTER THIRTY FIVE (Last Chapter)

343 7 4
                                    

CHAPTER THIRTY FIVE: Tears....

by: justadream13

February 13       [10:00 pm]

Point Of View: 

Psyche Caleb Morris

sobrang sakit... 

Bakit ganun? nagsisi akong umalis ako.

Ang laki na ng pinagbago ni Freya. Sa itsura pa lang niya, mukha siyang namayat pero kahit na namayat siya, gumanda pa rin siya. 

Aaminin ko na mahal ko pa rin siya pero di ko alam kung mahal niya pa rin ako. 

'PSYCHE.. DI KO ALAM....'

'PSYCHE.. DI KO ALAM....'

'PSYCHE.. DI KO ALAM....'

 Paulit-ulit yan. Paulit-ulit sa pagsaksak sa puso ko. 

Pede bang alamin mo Freya. Sana kahit konti, mahal mo pa rin ako. 

Kaya naman para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko tumambay muna ako dito sa isang club... Wala lang, umiinom lang naman ako.. Nagbabakasakaling mabawasan ng kahit konti ang sakit.

Siguro mga naka ilang shots na rin ako. Nahihilo na ako ng konti.. minsan gusto ko nang sumuka... Hanggang sa nanlabo na lang ang paningin ko... Binayaran ko na yung mga ininom ko at saka nagsimula nang lumabas.. Kelangan ko nang umuwi hangga't kaya ko pa... 

Pero talagang sumuray-suray na ako sa daan.. Napasandal na lang ako sa pader malapit sa may parking lot at napaupo na lang doon... Sobrang labo na ng paningin ko... Pero biglang may nakita ako..

Isang babae... di ko na siya makilala ng maayos kasi nga malabo na ang paningin ko... Lumapit siya sa akin at inalalayan ako.. pero familiar siya.. kamukha siya ni Freya...

"Si-sino ka?? F-freya ikaw ba yan?"

"Ang bad mo naman.. hindi mo na ako agad maalala??"

Parang familiar ang boses niya.. di lang ako makapagisip ng maayos kung sino siya.. alam kong kilala ko siya... Pero bakit hindi boses ni Freya ang naririnig ko.. pero imposible.. kamukha siya ni Freya...

"......so sad naman... kasi ikaw kilalang -kilala ko pa..."

at yun na ang huling katagang narinig ko mula sa kanya... Nahimatay na ako...

-----------------------------

February 14   

Awwwtss... sakit ng ulo ko... tsk!!! 

Bumangon ako kahit na sobrang sakit na ng ulo ko... di ko na tanda ang mga nangyari kagabi... T-teka,.. asan ako???

"Hi Psyche baby!!! Happy Valentine's day..."

O_O

"KIM???"

Sobrang nagulat ako sa nakita ko.. ibang-iba na si Kim... kulot ang buhok niya at may bangs.. pati pananamit kamukhang-kamukha ni Freya... Kaya pala kagabi, akala ko si Freya yung umalalay sa akin pero di pala... Si Kim pala...

"Oh... Akala ko ba di mo na ako tanda... magtatampo na sana ako ee.."

Agad akong bumangon sa kama na yun... wala na akong damit at underwear... AAAAAAAAAAAAAAAHHHHH... Anong nangyari kagabi???

CUPID'S DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon