CHAPTER:11

2.5K 41 0
                                    

~*~

"You mean, gusto mo na rin ako?"

"No. Sabihin nalang natin na, special ka"

She said, Smilling at me

"pero babe ang tawag mo sakin"

"Ayaw mo ba?"

"no !!!!!I love it"

Bago pa sya makasagot ay may kumatok na. Pagbukas nya ng pinto ay sabay sabay pumasok ang mga waitress may mga bitbit na pagkain.

Ano to may fiesta? Andami ah para naman kaming bibitayin.

Pag kalabas ng mga waitress ay napalunok nalang.

"Hey babe muntanga ka jan!"

"E pano naman kasi... s-sure ka? Ganyan karami?"

"Hmmm. Uubusin natin  to"

"E-eh babe naman"

"Angal ka? Sige feel free to leave this room I won't mind"

"Sabi ko nga uubusin natin to ano pa hinihintay mo lafangan na!" At nagsimula na akong kumain. Narinig kong humalak hak sya.

"Tumawa ka?"

"Hahahahaha bakit masama?"

"Nakakapanibago lang"

"Masasanay ka rin"

After nya sabihin yun ay kumain kami ng tahimik. Sanay naman ako dahil madalas kaming kumain ng tahimik talaga.

After ng 2 hours na pagkain ay nanood naman kami ng tv. At ang sinalang nya mystery/ thriller ang genre. Hindi ko nga matandaan ang title eh.

"Zy"

"Nuh?"

"Bakit ka tinawag na heartless"

"Don't know, Inborn ata"

"Yung totoo?"

"Im telling the truth, siguro ganun na talaga ako bata palang" she said without looking at me.

"Hayst okay"

"Di ka naniniwala?"
Nagaalangan akong sumagot.

"Sa tingin mo ba marunong akong magbiro? Im telling you the truth. Inborn to"

"Okay okay naniniwala na ako"

She smiled at nagpatuloy na sa panonood.

Maya maya ay biglang nagvibrate ang cellphone ko.

"Ow! zac is calling ,labas muna ko ah"

"Ge lang"mabilis akong lumabas sa Room nya at sa restau. Saka pumasok sa kotse.

"Hey bro antagal mo sumagot?"

"Sorry, wrong timing ka kasi tumawag kasama ko si zymin kanina, napatawag ka?"

"Wala,gusto ko lang mangamusta , kamusta ang mission mo? Ang acting mo effective ba?" I smiled devilishly.

"Ofcourse ako pa! Im Rhaze Caliber Anderson remember?"

"Care to share what's happening in there"

"Lately, nagbabago na ang turing nya sakin. Hindi naman pala sya ganun katigas , unti unti na syang lumalambot sakin pero sa iba, still heartless,cold bitch parin sya"

"Be careful dude, baka mamaya mafall karin"

"Hahahaha kung ang ibang lalaki , nahuhumaling sa kanya ibahin mo ko Zac. Natuto na ako, naattract man ako sa kanya hanggang doon nalang iyon.Lalaki lang din ako e, pero yung mafafall ako sa tulad nya? Nope. Sabi nga beware of the heartless who wants to make your heart beats fastly they are just using your heart because theirs' won't start. At ayokong mangyari sakin yun"

"Ok. Dude sabi mo eh pero dude di ka ba naguguilty kasi ako dude oo e, you know biro biro ko lang sinabi ko dati, di ko aakalain na kakagatin mo"

"Bakit naman ako maguguilty?"

"Alam mo dude, being heartless is not what you called Inborn. Being heartless is a part of someone's decision, maybe her past is too painful so she decided to be heartless nang sa ganun maiwasan nya ang makaramdam ulit ng pain. There must be reasons behind her personalities. Behind her name. Hindi natin sya ganun kakilala. Pano nalang pala kung mas malala pa ang dinanas nya kesa sayo dude? You? You became heartless because a girl you loved fooled you. Maybe parehas kayong heartless ngunit maaaring magkaiba kayo ng reason"

"But what if ganun talaga sya simula palang? Heartless and then what if nafall ako tas saktan nya lang ako?"

"Dude, hindi mo malalaman kung di mo susubukan,choose the right things dude, mahirap masaktan pero mas mahirap makasakit"

"Fine, bye na baka hinihintay na ako nun"

*END CALL*

Nahampas ko ang manibela at mahigpit na napahawak sa cellphone. Fuck! Itutuloy ko pa ba ito?

*KNOCK KNOCK!!

nagulat ako ng may kumatok sa bintana ng kotse ko.

"Done?" She asked.

"Hmmm let's go?" Tumango sya at umikot saka pumasok na sa tabi ko.

"Antagal nyo magusap nainip na ako"

"Nangamusta eh, andaming tanong"

"Hahaha namiss ka nang mga kaibigan mo, ganyan din sakin si brina"

"Hmmm"

"Okay kalang ba?"

"Yeah why?"

"Para kasing natahimik ka"

"Inaantok na ko"

"Ah ok. Tara na ng makatulog ka na" tumango lang ako at nagmaneho na pabalik sa suit namin.

Pagkarating doon ay mabilis akong pumasok sa kwarto para magshower at magbihis saka pabagsak na nahiga sa kama. Inaantok na ako.

"Rhaze?!" Napamulat ako ng marinig ko ang boses ni Zymin sa labas ng kwarto ko.

"W-WHAT?!"

"CAN I COME IN?"

"OKAY"

narinig ko ang marahang pagbukas ng pinto  ko.

"Hey"

"Di ka pa ba matutulog?"

"I can't gusto ko katabi ka...o-ok lang ba?"

Napabuntong hininga ako at tumango sa kanya.

Umayos ako ng higa at tiningnan syang nahiga sa tabi ko.

"Pasensya na sa isturbo ah masyado lang ata akong nasanay sa presence mo"

I chuckled.

"HAHA it's okay basta ikaw"

"Goodnight Rhaze-babe"

"Goodnight Zymin-babe" and I Kissed her forehead. Habang sya naman ay nakapikit na. Mas lumapit sya sa tabi ko at yumakap sa bewang ko habang nakaunan sya sa braso ko. I hugged her too, as we fall asleep together.

~*~

THE HEARTLESS (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon