Paulit-ulit na Takbo

24 2 5
                                    

7:00 AM. Nagising ako.

Tulala na naman ako sa kwarto dahil sa panaginip ko. It's been five months simula nang magsimula ang first sem sa school namin, ang Clark Valley University—isang malaking private school.

Tok tok tok.

"Ah, eh, Sir, bumaba na daw ho kayo," sabi ng kasambahay namin na si Aleng Lilia mula sa pinto. "Sabi ni Ma'am Haidee mag-almusal na po kayo."

"Good morning, Mom," bati ko sa mommy ko na nakaupo sa lamesa.

My dad passed away ten years ago, kaya tatlo lang kami dito sa bahay—ako, si Mom, at si Aleng Lilia.

"Kamusta tulog, Nak?" tanong ng mama ko habang naghahanda ng juice ko.

"As usual, Ma. Ganun pa din," sagot ko, sabay laro ng ulam at kanin sa plato ko.

"Aalis na ako," paalam ko sabay sakay sa kotse, diretso na papunta sa university.

Pagbaba ko ng sasakyan sa parking lot sa likod ng university, biglang...

"Uy, tol! Kamusta? Bakit ka absent kahapon? Magtatampo na ang tropa!" bungad ni James, malakas ang boses.

Si James Agustin, tropa ko. Mahigit anim na buwan na kaming magkaibigan dahil parehong transferee kami. Matangkad, maputi, may itsura, at masarap kasama.

"Ano tol? Gala lang naman eh. PRESENT AKO, TANGA! Absent ako kahapon kasi gumala kayo!" sabi ko, sabay kindat. Nag-cutting class na naman sila, pero ako? Absent talaga. Hinahayaan ko lang sila, pero tropa ko pa rin sila.

Kriiiiing Kriiing!

"Tara, tol! Simula na naman ang paulit-ulit na araw, hahaha!" sabi ni James habang nagmamadali pababa ng parking lot. Papunta na kami sa third building kung saan nandun ang room namin.

"Late na naman tayo, tol. Sermon na naman to kay Ma'am Gonzales, kaaga-aga," sabi ko habang nagmamadali din.

"Mr. Agustin and Mr. Conception! Kailan ba kayo papasok ng maaga? Kapag tapos na ang semester ninyo? Palagi nalang kayong late! COME IN!" sigaw ni Ma'am Gonzales pagkakita sa amin.

"Yan kasi! Kaaga-aga, bitter na agad si Ma'am," bulong ni Deliah mula sa gilid namin.

Si Deliah Dela Cruz—maganda, maputi, matalino, mabait, pero masungit minsan. Parang laging naka-alerto sa paligid.

Cloud's POV

Nanahimik na ako. Iniisip ko pa rin ang nangyari dati. Dapat buhay pa si Dad. Dapat sinabi ko sa kanya ang panaginip ko noong araw na 'yon. Pero natakot ako na baka hindi niya ako paniwalaan.

"Hoy, tol! Tahimik ka na naman dyan! Lalim na naman iniisip mo. Tara na, breaktime na, lakad na tayo papuntang canteen," sabi ni James, sabay hila sa akin. Biglang sumalubong si Roa sa harap ng room.

"Tara, sama na ako," sabi ni Roa, naka-akbay sa amin ni James.

Si Roa Huenjo—maputi, matangkad, may itsura, at siya yung hyper sa squad namin. Parang laging may energy.

"Mga pre, nabalitaan niyo na ba? May outing daw ang buong section," sabi ni James habang palabas kami ng canteen.

Napatigil ako sa paglalakad. May naramdaman akong hindi maganda.

"Bakit, Cloud? Anong nangyari?" tanong ni Roa, kita ang pagtataka sa mukha niya.

"Parang may maling mangyayari," sabi ko, pero alam kong maguguluhan sila sa sinabi kong iyon.

"Ah, wala. Tara na, baka mapagalitan na naman tayo," dagdag ko para hindi nila masyadong seryosohin.

---

7:00 PM.

Pagkatapos ng bell, agad akong bumalik sa parking lot para kunin ang kotse at umuwi. Nakita ko si Deliah na naglalakad mag-isa.

"Tara, sabay ka na," alok ko.

"Huh? Ako? Di na, Cloud. Kaya ko naman," sagot niya, halatang nagmamadali at medyo kinakabahan.

Cloud's POV

Alam kong may masamang mangyayari sa outing ng buong section namin. Pero di ko alam kung ano. Dapat kong malaman. Ayoko na maulit ang nangyari dati. Wala akong nagawa noon kaya nawala si Dad.

"Alam ko dapat anong gagawin ngayon," bulong ko sa sarili ko habang tinatanggal ang sapatos pag-uwi.

---

9:00 PM.

Tapos na ako sa mga gawain ko. Umakyat ako sa kwarto para matulog. Sana malaman ko kung ano ang mga mangyayari.

---

5:00 AM.

Nagising ako bigla. Namulat ang mga mata ko dahil sa napanaginipan ko.

"Sana hindi totoo. Sana hindi mangyari ang mga iyon."

Grim Reaper in my DreamsWhere stories live. Discover now