OUTING (DeadBodies)

10 1 0
                                    

Cloud's POV

12:00 PM

Excited na ang lahat para sa outing ng section namin. Pero sa totoo lang, ayaw ko talagang pumunta. Alam kong may masamang mangyayari.

DAPAT KO ITONG PIGILAN.

1:00 PM

Nandito na kami sa labas ng university, hinihintay ang service bus.

"Okay, guys, special itong outing natin dahil surprise kung saan tayo pupunta. Pipiringan namin kayo isa-isa para di niyo alam ang destination," paliwanag ni Clare.

"Paano kung nagutom kami? Paano kami kakain? Paano ako mage-enjoy kung hindi ako makakapag-cellphone?" tanong ni Deliah, nakatingin kay Clare.

"Bale, dalawang oras lang naman ang biyahe. Kaya niyo 'yan," sagot ni Clare, sinabayan ng bahagyang tawa.

Nang makasakay na lahat sa bus, agad na kaming piniringan.

---

3:00 PM

Sa wakas, nakarating din kami.

"Okay, guys, nandito na tayo sa 'Elite Scluter Island.' Isang sakay na lang sa bangka at makakarating na tayo. Pwede niyo nang tanggalin ang piring bago bumaba ng bus," sabi ni Clare habang excited na nagpapaalala.

Kasama ko ang buong squad: ako, si James, Roa, Deliah, Mitch, Hades, Shawn, at si Michael.

Si Mitch ang muse ng squad.

Si Hades ang nerd.

Si Shawn ang gamer.

Si Michael ang loner o emo ng tropa.

Lahat kami may iba-ibang personalidad, pero nagkakasundo kami sa isang bagay: ADVENTURE, PARTY, AT KALOKOHAN.

"Maganda naman pala dito! Malawak, white sand, at sky-colored water sa beach," sabi ni Shawn, nakapikit pa habang ninanamnam ang simoy ng hangin.

"Malayong-malayo sa syudad na pinanggalingan natin! HAHAHA!" biro ni James.

"Okay, guys, may kanya-kanya tayong room sa hotel na papasukan natin. Nag-assign na ako ng coordinators. James, Mitch, Roa, at Deliah sa Room 1. Kayo naman Shawn, Michael, ako, at Hades sa Room 2. Sina Nichole, Frances, Smith, at Sam sa Room 3," paliwanag ni Clare.

---

5:00 PM

Lumabas ako mag-isa para magpahangin. Tahimik ang paligid, pero may naramdaman akong kakaiba.

"May mamamatay," sabi bigla ni Deliah mula sa likod ko.

"Ay! Nagulat naman ako! Ano ‘yun? Mamamatay?" tanong ko, naguguluhan.

"Basta... may mamamatay ngayong gabi. Di ko alam kung sino, pero alam kong meron," sagot ni Deliah, bakas sa mukha ang kaba.

Inubos ko ang kape ko at pumasok na ulit sa silid.

---

6:00 PM

Pumasok si Clare sa room namin at nagsabi, "Guys, maaga kayong matulog. May activity tayo bukas." Nakangiti pa siya nang lumabas.

Nag-ayos na kami para matulog. Pinikit ko ang mga mata ko, at nakatulog ako nang di namamalayan.

---

7:00 AM

Pagbangon ko, nakita ko na ang ibang kasama namin, pero napansin ni James, "Uhmm, guys, kanina ko pa napapansin—wala si Clare. Di ba dapat siya ang nauna kasi siya ang may pakulo ng activity na 'to? Bakit wala pa siya?"

Nagbubulungan ang lahat. Nagtataka sila.

"Shawn, Michael, Hades, di ba kayo ang kasama ni Clare sa room? Dapat kasama niyo siyang lumabas," tanong ko sa squad.

"Oo, kami nga ang kasama niya, pero di naman siya natulog kagabi," sagot ni Hades.

Lahat kami nagtaka. Nagu-guluhan.

"Pwede naman natin siyang hanapin, di ba?" sabi bigla ni Mia, ang pinakatahimik sa classroom.

"Oo nga! Imbis na putak tayo nang putak dito, hanapin na lang natin siya!" sigaw ni Deliah, na mukhang naiinis na.

Nagdesisyon na kaming hanapin si Clare.

---

8:00 PM

Nakarating na kami sa gitna ng isla nang marinig namin ang malakas na sigaw.

"WAAAAAAAHHHHHHH!"

Nagulat kaming lahat. Si Nichole iyon! Agad kaming nagtakbuhan papunta sa kanya.

Sa likod ng hotel, may nakita kaming isang lumang bodega. Doon namin nakita si Clare—ang crew ng hotel at ang driver namin. Naliligo sila sa sarili nilang dugo.

Napatili si Deliah sa takot at napakapit sa braso ko.

"Tama ako, tama ako. Sabi ko na eh," umiiyak si Deliah habang paulit-ulit itong sinasabi.

"Sh*t! Ano 'to? Ano bang nangyayari?" sabi ni Roa, na halatang takot na takot.

First time ko siyang makita nang ganito—ang taong laging nagpapasaya sa amin, natatakot.

Ang iba naming kaklase ay umiiyak. Ang iba naman, tulala, nag-iisip kung ano nga bang nangyari.

"Uhmm, guys, kailangan ko ang cellphone ko. I need to contact my family," sabi ni Nichole.

"Diba kinompiska ni Clare ang mga cellphone natin? At ayan siya, naliligo na sa sarili niyang dugo. Paano natin malalaman kung nasaan ang mga cellphone natin?" sagot ko habang napaupo na lang sa lupa, gulat sa sinapit ng class president namin.

---

Flashback

"Hays, parang ang sakit ng likod ko. Anong oras na ba? 3:00 AM na pala."

Nagising na naman ako sa isang nakakatakot na panaginip.

---

End of Flashback

"Sabi ko na eh. Si Deliah alam niyang may mamamatay. Ako naman, alam ko kung sino ang mamamatay, pero di ko sila na-warningan. Ang tanong, sino ang pumapatay?" bulong ko sa sarili ko matapos kaming maghapunan.

Kami-kami na lang din ang naghanda ng makakain dahil wala na ang mga crew sa hotel.

Habang kumakain, pinag-iisipan namin kung paano mahahanap ang mga cellphone namin para maka-alis na sa lugar na 'to.

DAHIL HINDI NAMIN ALAM KUNG PAANO BUMALIK.

Grim Reaper in my DreamsWhere stories live. Discover now