Chapter 1: Vacation
Hikari's Point of View
"Hikari! Did you packed your things already?"
"Yes mom, I'll be there."
Hays, buti na lang bakasyon na. Kasi ang mama ko pagnag-utos paisa-isa. Gagawa na nga lang ako ng project guguluhin pa ako. Pero wag ko na munang alalahanin yun.
Oo nga pala, magbabakasyon kami. May kakabukas na resort kasi ngayon eh may discount yun. Pinagusapan na namin yun kagabi kaso wala akong choice kundi pumayag.
-Flashback-
12 hours earlier"So anak, bakasyon niyo na ngayon diba." Tanong sakin ni mama habang kumakain sa hapagkainan.
Kakatapos lang ng Christmas Party namin a few days ago kaya syempre normal na nawalang pasok.
"Opo." Alam ko na kung anong sasabihin niya kaya na kakawalang ganang kumain.
"Buti naman, nagpaplano kasi ako na isama ka sa kakabukas na resort sa Manila. Since napareserve na ako ng istayan natin, kailan mong sumama." I knew it!
"But mom! I have projects i need to pass at the end of the year." Pagcontra ko naman. Lagi na lang kasi akong kasama pwede na mang si kuya. Hindi naman ring pwede si dad kasi he's working overseas.
"No but's, Hikari. This is a good opportunity besides minsan lang tayong makapagswimming at makakapagbonding. Ikaw na mismo nagsabi noon." At nagpout si Mama. Ano ba 'yan, parang bata.
"Pero nandiyan naman po si kuya eh. At wala naman siyang masyadong ginagawa kundi magcellphone, magfacebook,instagram,youtube at mobile legends eh!" Napikon kong pagsabi. (Authors note: nasama tuloy yung mobile legends..)
"Sabi ng kuya mo may project rin daw siyang isasubmit pag pasukan nila kaya ang sabi niya 'Ba't hindi niyo po isama si Hikari. Wala naman siyang ginawa maghapon kundi humiga sa kama at magcellphone'." Sabay kain ni mama. Kahit kailan talaga. Yung lalaketa na iyon hindi na magbabago.
"Pero hindi nga po ako pwede!" Nakakainis kahit kailan. Minsan na nga lang si mama umuwi dahil dun naghire siya ng katulong. Eh yung katulong naman nakakapikon rin.
"Eh?? Ayaw niyo ba akong makasama? Minsan na nga lang ako makauwi kasi lagaring-lagari ako sa trabaho tapos ayaw niyo pa ako makasama?." Ha??? Sinasama niyo pa yung trabaho niyo? Edi sana di na kayo nagtrabaho diba? Pero joke lang yun.. pag hindi nagtrabaho si mama, anong kakainin namin? Daing?. Ano ba yan.
"Sige na nga po, sasama na ako." Sabay buntong-hininga.
-End of the Flashback-
Hanggang ngayon naiinis parin ako sa Hisui naiyon. So i clenched my fists habang umaapoy ang mata ko sa inis.
"Kakalbuhin ko yung lalaki na yun pag-uwi ko." Bulong ko habang nakasmirk. Nagmukha na tuloy akong ewan. (Authors Note: hindi lang ewan. Ewan na talaga).
"Hikari, what is taking you so long!?" Sigaw ni mama. Bilisan ko na nga baka bumuga na naman si mama ng apoy. Mukha man siyang innocent dahil nasa magandang mood siya. Pero pag nainis yan, parang gangster yan (nanununtok kasi). Parang nasa pamilya na namin yun.
"Im comming!" Sabi ko at binilisan ko ang paglalakad ko. (Para sa mga green minded diyan. Wag kayong mag-isip ng kung ano-ano ( -_-).)
Pagkarating ko naman sa baba, nakita ko si mama na naka suot ng mahabang damit at leggings (lagi naman).
"Mom, aalis na tayo diba?" Tanong ko. Kaya nilingon ako ni mama.
"Oo naman, ano gusto mo, tatayo lang tayo dito?" Tanong ni mama.
'aba pilosopo'
"Hindi po. Baka mangalay tayo dito eh."
Nagtawanan nalang kami.
"Wala na bang naiwanan, anak?" Tanong mama habang nilalagay yung gamit namin sa sasakyan.
"Naiwan po? Yung bahay po." Natural. Hindi namin pwedeng dalhin yung bahay. Hindi naman kami pagong eh.
Pagkasakay namin sa sasakyan, nagdasal muna kami bago umalis. Lagi na namin ginagawa yun pag-aalis. Baka daw kasing may mangayari saming masama.
Napatingin na lang ako sa bintana. Sinuot ko na lang yung headset ko kasi ayaw kong gumamit ng phone. Nakahilo kasi eh. Pinatugtog ko na lang yung "King of my Heart" by Taylor Swift.
Hays.. ang haba pa ng biyahe. Pero may naalala na naman ako. Kamusta kaya siya. *sigh* ang hopeless ko talaga. Pero kahit ano mangyari, ang galing ko talaga magtago ng nararamdaman ko (lagi naman) pero ayaw kong lumungkot, baka tumanda ako.
Hello Guys!
Sorry po dahil sa short update. Dahil ayaw ko agad to madaliin. Inumpisahan ko muna sa part kung saan mangyayari yung pinaka main ng story. Dahil gusto ko kayong maganahang magbasa dito. Nirelate ko na lang sa sarili ko.
(Oh btw, kaway-kaway sa mga Filipino Swiftie diyan!)
Thanks po sa pagbabasa ng part na ito.
BINABASA MO ANG
The Spiritual Traveler
FantasySi Hikari ay namumuhay ng normal. Siya ay masiyahin at talented na Istudyante. Pero nagbago ang normal niyang buhay dahil sa isang accidente at namulat siya sa Ibang mundo. Si Ishi Kasai naman ay isang Cold, Seryoso at higit sa lahat ay Misteryoso...