Chapter 3: Accident

8 0 0
                                    

Chapter 3: Accident

Pagtapos naming magpagas ay nagdadrive na si Mama papunta ng Hotel na pagsistayan namin. Ang tagal parin nung byahe, traffic kasi eh. Masmabuti siguro kung nagpaiwan nalang talaga ako.
Nakakabingi yung katahimikan huhuhu.. kasi naman nakalimutan ni mama iopen yung radio.

Maya-maya ay may tumunog, ano yun? Biglang kinuha ni mama dun sa may banda kung saan may tumunog at nakita ko yung Samsung J5 niyang phone. 'Ahh okay'. Wait pwede ba iyon? Nagsecelphone habang nagdadrive? Diba bawala yun?

Tumigil si mama nang nagred ang Stop light. Pagtapos ang dalawang minuto ay nag green ang stop light at
Hindi parin pinapaandar ni mama ang sasakyan dahil ay nakafocus ito sa gadget na hawak niya kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Mom, habang buhay ba tayo dito?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko haha.. patawarin niyo ako kung mas matanda pa ako magsalita kaysa sa mama ko..

Biglang napatingin si mama sa may stop light "Ay sorry. Hindi ko nakita." Tipid na sagot nito.

Si mama talaga..kahit kailanan ay daig pa ang Teenager dahil kung gumalaw ito ay masbata pa sa kaniya. Napatawa nalang ako sa naiisip ko at nakangiti na parang may mamanyakin ako.

Pero naalala ko na naman yung nangyari kanina. Saan ba ako magsisimula na hanapin yung kasagutan na hinahanap ko eh bukod sa kalakihan ng mundong ito ay wala rin akong kakilala na exorcists, diba yun yung tawag sa mga taong nakakakita ng multo at nagpapaalis ng bad spirit? Hays..Naadik na nga ako sa mga palabas haha, kahit yung pagiisip ko ay naapektuhan na. Pero balik tayo sa topic (parang naglelesson lang). Saan kaya nanggaling yung bracelet na iyon at saan nanggaling yung matandang yun? Lalo tuloy akong nacurious at parang gusto kong puntahan kung saan siya nanggaling.

Bigla ko namang nilabas ang bracelet sa shoulder bag na dala-dala ko. Kakaiba.. maypagkasilver siya at may mga gems na lumalaylay dito. Kahit sino yata ay gustong magkaroon nito noh? Lalo na yung mahilig sa Jewelry na halos punuin na nila yung katawan nila ng Kung ano-ano.

Sinuot ko nalang ito since massafe ito pagsuot. Ganun yun, baliktad? Oo ganun talaga.

Habang nakasandal ako sa may pinto nang saskyan para makita ko ng maayos yung labas ay biglang nabasag ang mahabang katahimikan ng biglang tumunog ang phone ko. Dali-dali ko itong kinuha ng nakita ko ang sandamakmak na notifications. Ang mga nilalaman nito ay ang iba ay nagpapaalam kasi may pupuntahan sila. Yung iba nagpapalam sa mga namatayan. Yung iba naman ay nagpapaalam na dahil nagraduate na sila. Bakit puro paalam? Nakakapangilabot.. bigla namang nagsitayuan yung balahibo ko. Lol.. bakit nga? Seryoso na to ha?

"Mom, bakit puro goodbye yung post sa Facebook? Goodbye day po ba ngayon?" Tanong ko.

"Huh? Baka sa'yo lang?" Kaya napalitan ang pangingilabot ng takot. Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito? Eh lagi nga akong kalmado sa lahat ng sitwasyon.

Bigla ko nalang inalog ang ulo ko para kalimutan yun at halos hindi na maipinta ang mukha ko dahil nakikita ko ito sa tinted na bintana.

Pero mamaya ay narinig kong nagmumura na si mama. Eh?? Anong nangyayari?

"Anak, bilisan mo at yumuko kana!!" Sabi ni mama habang kinokontrol ang manubela. Hindi ko agad nagawa ang sinsabi ni mama. Hindi ko nagets ang sitwasyon hanggang sanabangga kami.. ang bilis ng pangyayari.. duon lang ako parang nabuhusan ng isang galong tumig ng nalaman kong nawalan ng preno si mama. At dahan-dahang dumilim ang paligid.

Ang liwanag.. wala akong masiyadong maanigan. Pero may naririnig ako.. ang iyak at pagtawag saakin pero hindi nagtagal ay nawalan na naman ako ng malay.

Hello Guys,
Short update po at late update. Ang bilis nga po ng pangyayari. Patawad at first time ko iyon at nakakaboring. Pero kalahating real life at fantasy po ito. Ito po yung kahit minsan ay pinangarap kong mangyari.. siyempre po hindi kasama yung accident dun.

Salamat po sa pagbabasa nito.

The Spiritual TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon