Chapter 2: Ghost

14 0 0
                                    

Chapter 2: Ghost

Nasa sasakyan parin kami. Masyadong traffic. Ang hirap maghintay. Okay lang, sanay narin naman ako maghintay eh.

"Mom, nasaan na tayo." Malamang nasa sasakyan.

"Nandito parin tayo sa Cavitex. Hayaan mo, hindi naman tayo malilate. Tsaka bukas pa naman tayo magsiswimming, masyadong excited?" Tanong sakin ni mama sabay tawa. Ganun yun?

Nakatingin ako sa bintana. Ang daming sasakyan. Malamang traffic eh. Pero nakakapikon talaga, bakit ba laging minamalas kapag naalis? Kaya ako tinatamad umalis ng bahay  eh.

Di rin katagalan, umandar na rin ang mga sasakyan at sa wakas ay nalagpasan na namin yung last na toll gate. Habang umaandar ang sasakyan nakatingin ako sa bintana. Nakakarefresh kasi ng utak. Pero ang nakakuha ng tingin ko ay walang iba kundi ang Star City. Nakakamis! Gusto ko na namang magrides. (A/N: Gusto ka ba?)

Pero ang ikinagulat ko ay bigla kaming lumiko. Dito ba yung daan?

"Mom, saan tayo pupunta?" Tanong ko pero bigla rin naman kaming tumigil sa harap ng gasolinahan.

"Sa Gasoline Station. Naflatan tayo at mauubusan na din tayo ng Gas. Gusto mo bang matulak tayo sa High way?" Tanong ni mama. Chill lang... hindi ko naman alam eh.

Pagtapos ni mama magpagas ay pinaandar niya ang sasakyan at tumigil siya sa may pahanginan. Bigla ko naman naramdaman na sasabog na ang pantog ko. Tumingin ako sa paligid at nakakita ako ng CR na medyo malayo dito.

"Mom, pupunta po ako sa CR." Sabi ko kay Mama. Huhuhu sasabog na talaga.

"Sige, bilisan mo." Sabi ni mama na may kasamang buntong hininga. Ano ba ang tingin niyo sa akin? Mag mamarathon?

Dahil nga sa naiihi na ako ay dumeretso na ako sa may banyo. Tumakbo ako ng mabilis na parang walang bukas. Pagkarating ko doon ay pinasok ko ito at sinarado ko agad ang pinto. Makalipas ang mga minuto ay nakatapos na rin, sa wakas!

Lumabas na ako at pabalik na sana ng may makita akong matandang babae na mukhang tatawid at madaming dalahin. Kaya pinuntahan ko muna ito kaysa bumalik na muna sa sasakyan.

Nang makalapit ako dito ay tinawag ko ito.

"Magandang umaga po. Tulungan ko na po kayo sa mga dalahin niyo." She looked at me and smile. Sobrang ganda niya. Hindi ako makapaniwala na matanda talaga siya.

"Salamat ija. Naabala pa kita." Sabi nito. Actually, choice ko iyon kaya okay lang saakin.

"Hindi po, talagang okay lang po." Sabay buhat sa mga dalahin niya. Oo nga ang bigat. Ano ba laman nito? Ginto?

Tinulungan ko na siyang tumawid at naabot na namin ang kabilang banda.

"Thank you ija ha. Sa lahat ng mga taong dumaan ay ikaw lang ang nakakita saakin." Sabay tawa niya ng mahina. Nagtataka naman ako. Bakit naman?

"P-po?" Nagtatakang tanong ko. Nakita ko naman na naiintidihan niya ang sinasabi ko. At may nilabas siyang isang bracelet. Ang ganda, may mga gems tapos kumikinang kinang pa.

"Sa iyo nalang ito ija." At nanlaki ang mga mata ko. Weh?? Mukhang mamahalin. Baka pagkamalan akong magnanakaw.

"Wag na po. Sainyo naman po iyan. Tsaka ayaw ko pong mapagkamalan na magnanakaw." Tumawa ulit si lola. At bigla niya naman hinawakan ang kamay ko at nilagay ito. Kaya napatulala ako sa bracelet.

"Sorry pero hindi ko po kayang ta-." Naputol ang ang pagsasalita ko ng pagkataas ko sa ulo ko ay wala na siya, pati narin ang mga gamit niya.
"-tanggapin." Mahinang sabi ko.

Hindi ako nakagalaw sa kinakatayuan ko. Nananaginip ba ako? Kung oo, please gisingin niyo na ako. O Nagiimagine lang? Dahil baka hinahanap na ako ni Mama ay naglakad na ako pabalik sa sasakyan. 'Am i seeing things' isip ko. 'No it cant be. Im not talking to myself, right?'.

Pinagpatuloy ko lang ang lakad ko at tiningnan ko ulit ang braclet. Bakit niya kaya ito binigay sa akin? I dont deserve it. Madami narin ang tanong na pumapasok sa isipan ko na paghindi kayang sagutin ng iba, ako mismo ang hahanap ng sasagot.

Nang makarating na ako ay sumakay agad ako. Pero nakikita ko na handa na si Mama bumuga ng apoy. Naku po! Lagot ako nito.

"Saan ka ba pumunta ha?! Sa CR ka ba ng MOA pumunta kaya natagalan ka?!" MOA agad?

"N-naligaw po ako. Oo nga po naligaw ako... hehe." Shocks.. im really not good at lying.

"*sigh* never mind, lets go." Bigla namang umandar ang sasakyan at napatingin na lang ako sa bintana.

'I need to find the answers to my questions soon. I can't afford to waste my time."

Hello Guys,

So this is chapter 3. Alam kong wala pa akong reader (except me). Hayss.. okay lang kahit wala.. basta maexpress ko lang po ang imagination ko. Btw, kung binabasa niyo man po ang story na ito. Sobrang thank you po.

Oo nga po pala bago ko makalimutan. Iaupdate ko po ang story na ito ng 2 a week pero may dinagdag po ako. Paghindi po ako tinatamad o walang ginagawa (hindi busy) iaupdate ko po ito na masmataas pa sa dalawa (2-4 chapters).

The Spiritual TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon