Chapter 4: Another World

10 0 0
                                    

Chapter 4: Another World

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mg mata. Wala akong makita, Bakit ang dilim?

Maya-maya naman ay may ilaw akong nakita hanggang sa kumalat ito sa paligid at napapikit ako dahil sa sobrang liwanag.

Ilang sadali ay minulat ko ulit ang mga mata ko. Pero this time hindi na puro kadiliman ang nakikita ko. Dahan-dahan akong bumangon sa aking pagkakahiga at napahawak sa ulo ko. Ang sakit ng buong katawan ko, para akong sinagasaan ng Tren.

Nasaaan na ba ako? Nilibot ko ang tingin sa paligid at napansin ko na nasa lugar akong di matao. Sabihin na nating nasa Forest ako.

Tumayo na lang ako at pinagpag ang damit ko. Wait.. damit ko? Naghanap naman ako atleast ng bagay na pwede kong makita ang itsura ko ngayon at may nakita akong ilog at pinuntahan ko ito. Sinilip ko ang sarili ko at.. ganito na ang naging reaction ko --》(0_0). Nakita ko ang buhok ko na dapat ay kulay black na hang balikat ngayon ay Blonde na hanggang baywang. Napatingin rin ako sa damit ko na dapat pang manang ngayon ay pang swordsman
O pang mage.

'Panaginip ba ito?.' Kaya naman sa sobrang dami kong tanong sa isipan ay hindi na ako nagdalawang isip na sampalin ng malakas ang pisngi ko.

"Aray! Ang sakit! Huhuhu.. namumula na tuloy yung mukha ko. Parang magbablush na."  Ayan na lang yun nasabi ko.

Dahil nga gusto kong makaalis dito sa lugar na ito ay sinumulan ko nang maglakad. Madaming pasikot-sikot kaya naman nahirapan ako. Pero napawow na lang ako sa mga susunod kong nakita. Isang malaking City at may nakita akong palasyo sa may gitna. Kitang-kita dito sa taas ang view. Ito lang naman ang pinakamalapit kaya dito na muna ako pupunta dahil gusto ko na mag pahinga. Hindi naman sa ayaw ko sa labas, Girl Scout kaya ako kaya sanay ako dahil madalas kaming magcamping.

Nang makarating ako ay may nakita akong mataas na gate. Nang papalapit na ako ay sinalubong ako ng mga nagbabantay dito at tiningnan ako taas hanggang baba. Kinabahan naman ako at baka ipatapon ako.. syempre sa mga anime swerte ka nalang kung mawala agad yung sakit.

"Taga dito ba kayo, Miss?" Tanong sakin ni guard no.1. Akala ko naman hindi ito nagtatagalog lol. Kailangan kong gumawa ng rason kung hindi, tigoks na ako.

"Isa po akong Traveler." Yun nalang, diba valid yun?

"Traveler..hmm. Mukhang madami na ngang bumibisita sa Capital sa taong ito. Makakapasok ka na." Agad naman nilang binuksan ang napalaking gate at pinapasok ako.. phew.. grabe naman yan..

Naglakad na ako papasok. Ang daming tao. Dun ko rin napansin ang damit na suot ng mga tao. Kakaiba, tapos may weapons. Bago yun ah? Nagbuntong hininga ulit ako.

Habang naglalakad-lakad ay madami na akong nadaanang nagbibenta ng mga gamit, weapon, pagkain at iba pa. Pero isa lang ang masasabi ko.. Sobrang Ganda sa lugar na ito! Hindi ko nga lang alam yung tawag hehe.

"Miss ang ganda mo naman." Napalingon ako at nakita ko ang grupo ng mga lalaki. 5 yata sila.

"Matagal ko ng alam yan." Sabi ko sa kanila. Hindi naman sa nagmamayabang pero totoo naman haha.

"Malakas yata siya. Sa itsura palang halata na." Yan ang bulong ng isa sa kanila na narinig ko naman.

"Hindi naman." Pagmamayabang na sabi ng nasa gitna

"Paano mo naman nasabi? Besides hindi pa nga natin alam ang magic niya." Magic? Really?

"What do you mean by that?" Tanong ko sa kanila. Well you see.. im so curious. Hindi ko nga alam kung paano ako nakapunta dito eh.

"Haha, wag ka ngang magpanggap na wala kang alam tungkol sa magic. Lahat ng tao dito, alam yun." Sarkastikong sabi nung nasa gitna. Pero bigla siyang lumapit sa akin. Sumunod naman ang mga alipores niya at hinakan ang wrist ko.

"Ang sakit! Bitawan mo akong shokoy ka!" Syempre totoo naman eh. Mukha syang shokoy.

"Anong sabi mo!?" Bigla siyang naglabas ng 'magic' sa kamay niya at ititira sa akin ng may pumigil sa kanya. Isang babae na Red ang buhok.

"Aika Fujiko ng Blue Chrystals?!" Nang pagkasabi nito ay biglang napamura ang mga kasamahan niya.

"Ano ang ginagagawa mo sa kaniya? Masyado kayong duwag para saktan ang taong hindi lumalaban." Sabi ni Aika.

"Ano bang paki mo?! Akala mo na purkit sa no.1 guild ka kasali ay matatakot kami?!" Sabi ng lalaki. Yung mga kasama naman nito ay biglang inatake si Aika. Pero sa huli ay wala silang kalaban laban dito. Papalapit na siya at

"Wag kang lumapit! Kung hindi ay mananagot ang babaeng ito!" Nagsmirk nalang si Aika at tuluyang lumapit sa akin. Naduwag naman yung lalaki kayo tumakbo siya papalayo kasama ang kasamahan niya.

Hello Guys,
Wala naman akong masyadong sasabihin at naghehello lang :). Binago ko na rin po pala yung description.

The Spiritual TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon