Ika-apat na araw at nandito na naman ako sa simbahan. Kumukuha ako ngayon ng koleksyon galing sa mga tao.
Sa nakalinyang upuan kung saan umuupo si Dari, napangiti nalang ako, bumalik na ulit siya. Mabuti naman at makakausap ko na siya.
Balak ko sanang umamin sa kanya ngayon.
Pero bigla naman akong nag-alala nang ngumiti siya ng tipid na may halong kalungkutan sa mga mata niya.
Nagpatuloy lang ako sa pag-ikot sa simbahan hanggang sa matapos ang pagkuha ng mga koleksyon.
Bumalik na rin ako sa pag-assist kay Father. Napangiti nga ako nang maalala ko ang pag-uusap namin kahapon, ang gaan sa pakiramdam na may isang taong nakaka-intindi sa sitwasyon mo ngayon.
***
Dumiretso na naman ako sa plaza pagkatapos kong magsilbi bilang sakristan sa ika-apat na araw. Gusto kong kumpletuhin ang simbang gabi ko, para naman makapag-wish ako diba?
Mula sa malayo nakikita ko si Dari na nakaupo sa isang bench, kahit nakatalikod siya nahahalata ko pa rin na siya yun. Ganoon naman talaga siguro kapag mahal mo, kahit nakatalikod, alam mo parin na siya 'yon.
Nakatingala siya ngayon sa mga ulap habang nakapikit ang mga mata niya. 'Yan ang palaging ginagawa niya kapag gusto niyang maalala ang mga magandang nangyari sa buhay niya.
"Mukhang malalim ah" sabi ko at bigla nalang pumorma ang isang ngiti sa labi niya habang nakapikit siya at nakatingala pa rin.
"Aris" mahinang bulong niya.
Napatingin siya sa harapan at napamulat ang mga mata niya. Malamig ang simoy ng hangin kung kaya't nalilipad ang buhok niya.
Nang mapatingin siya sa'kin parang biglang nag play ang kantang 'Perfect' ni Ed Sheeran sa utak ko nang dahil sa pagtingin ko palang sa kanya.
Now I know I have met an angel in person. She looks perfect tonight
Tugmang-tugma ang mga lyrics ng kantang 'yon sa nakikita ko ngayon. Para siyang isang anghel na pinadala galing sa langit para makita at mahalin ko.
Her white skin, cute grey eyes, not-so-curly hair and white dress makes her more perfect than ever. She really looks like an angel.
"Dari, ba't wala ka kahapon?" tanong ko sa kanya pero napangiti lang siya na may halong pagka-lungkot.
"May sasabihin sana ako sa'yo eh" dagdag ko pa at bigla siyang napatingin sa'kin na para bang hinihintay akong magsalita, na parang excited siya.
"Dari, hindi ko alam kung paano o kailan nangyari 'to, pero ganon naman talaga sa pag-ibig eh 'diba? Hindi mo alam kung kailan ka tatamaan ni Kupido, at kung matamaan ka nga, siguradong mahuhulog ka talaga" nakangiting sabi ko sa kanya at bigla nalang siyang naging emosyonal sa harapan ko dahil biglang tumulo ang luha sa mga mata niya.
Agad kong pinunasan ang pisngi niya gamit ang panyo ko. Parang maiiyak na rin ako dito sa tabi niya, nagmumukha na tuloy kaming mga ewan na nag-iiyakan dito.
"Pero kahit hindi ko naman alamin kung paano o bakit, gusto ko lang sabihin sayo na mahal kita, mahal na mahal kita" nakangiting sabi ko sa kanya pero patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha niya.
"Huwag ka ngang umiyak, nakakahiya naman sa'yo kung umiyak ako dito sa harapan mo, baka ma turn off ka pa" natatawa kong sabi at napatawa rin siya nang mahina dahil sa sinabi ko.
Mabuti naman at tumawa na siya, nakakapanibago kasi sa'kin ang makita siyang umiiyak.
Si Dari kasi ay parang isang happy-go-lucky na klase ng babae. Parang palagi lang siyang nakangiti, kahit napapagalitan, nakangiti pa rin. Iyan ang nagustuhan ko sa kanya eh, ang pagiging pala-ngiti niya.
Well, maybe because her smile always makes me smile too.
"Basta kung mamamatay ako, iiyak ka rin ah" sabi niya sa'kin at napatawa rin siya ng mahina pero nanatili lang akong walang reaksyon. Bakit naman niya sinasabi 'yan?
"Hindi ka pa naman mamamatay ah. Ano ka ba, huwag ka ngang magsalita ng ganyan" sabi ko sa kanya saka niyakap siya sabay bulong "Mahal kita"
"Parang kanina mo pa naman sinasabi 'yan ah" natatawang sabi naman ni Dari na ngayon ay nakapatong na ang ulo sa balikat ko.
"Mahal din kita" dagdag niya at napangiti lang ako.
Ang sarap-sarap sa pakiramdam na sabihan ka ng taong mahal mo na mahal ka rin niya. Ang ganda sa pakiramdam na parehas din pala kayo ng nadarama, para kang nasa ulap kasama ang mga bituin.
"Mahal na mahal kita" dagdag niya at naramdaman ko nalang na tumulo ulit ang mga luha niya. Kumalas ako at pinaharap ko siya sa'kin. Namumula na ang mga mata niya pati na rin ang ilong niya.
"Sabi ngang huwag kang umiyak eh" sabi ko at kinuha ulit ang panyo ko at pinunasan ang pisngi niya, napangiti nalang siya sa ginawa ko.
Pagkatapos ng pagda-drama naming dalawa ay napatuwid na rin kami ng upo at nagulat nalang ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko, pero hindi ko siya pinigilan, hinayaan ko nalang siya at napangiti nalang ako.
Naramdaman ko ring sumandal siya sa balikat ko. "Sana ganito nalang tayo palagi" sabi niya sa'kin. Pagtingin ko sa kanya, nakapikit na siya at nakangiti pero biglang pumatak ang luha sa mata niya.
Pinunasan ko na naman iyon at napangiti rin, at sinandal ang ulo ko sa ulo niya. Ang sweet siguro namin tignan ngayon na nasa ganitong posisyon.
"Tiwala lang Dari, magiging ganito tayo palagi" sabi ko sa kanya. Marami ang tinutukoy ko sa sinabi ko. Sana maging ganito lang kami palagi, sana maging magkasama palagi, maging masaya palagi, magkahawak-kamay palagi, at umiyak nang magkasama palagi.
"Sigurado ka jan ah" narinig ko pang tumawa siya ng mahina nang sinabi niya sakin yun. "Kasi parang hindi na pwede eh"
Napatingin ako sa kanya nang may marinig akong parang may binulong siya pero pagkita ko sa kanya ay mahimbing na lang siyang natutulog.
Napangiti nalang ako sa loob-loob ko, napapikit din ako at parang nagsabi ng isang wish sa sarili ko.
Wish na sana nga maging ganito lang kami palagi. Sana nandito lang siya palagi sa tabi ko at hindi siya mawawala.
Sana.
Kaso, hindi lahat ng 'sana' natutupad.
***
BINABASA MO ANG
24th of December (Completed)
Truyện NgắnIn the eve of December 24 I made a wish For someone, whom I cherish -Aris