21st December - Dreams and Flashbacks

1.3K 28 0
                                    

Sa unang araw ng Misa de Gallo, tumutulong ako sa tabi ng pari at ako ang humahawak ng banal na tinapay.

Kahit na tinatamad akong mag-attend ng misa ngayon ay kailangan ko pa rin gawin. Sinabihan kasi ako ni Nanay na maganda raw ang magsilbi sa Diyos. Kasi kung ano ang nagawa mong kabutihan sa kanya ay susuklian niya rin

Sampung taon lang ako pero malawak na ang isipan ko at handa akong magsilbi para sa Diyos.

"Amen" agad akong napatingin sa isang babaeng kasing edad ko nang magsalita siya at napatingin siya sa'kin saka ngumiti at umalis na din siya pagkatapos non.

Napakunot ang noo ko sa ginawa ng babae. Feeling close naman neto, ni hindi ko nga siya kilala eh, kahit pangalan hindi ko alam.

Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko at pagkatapos ng misa ay agad akong lumabas papunta sa plaza, palagi akong dumidiretso dito sa plaza pagkatapos ng misa, naging gawi ko na ang pagpunta dito dahil sa mga lights at nakakagaan din ang hangin dito sa probinsya.

"Aray!" agad akong napasigaw at natumba nang may naramdaman akong nahulog na matigas na bagay sa ulo ko.

Bigla akong napapikit sa damuhan at napadaing sa sakit. Bwisit ang gumawa non ah! Akala niya kung sino siya! Pwes makakatikim siya sa'kin!

"Are you okay?" napamulat ako ng mata ko nang may marinig akong isang mahinhin na boses na nagtanong sa'kin.

At nakita ko ang babae. Ang babaeng kasing edad ko, napatingin ako sa kanya at agad kong napansin ang maganda niyang mga mata, ang mga mata niyang kasing kulay ng grey niyang damit, ang ganda niya, para siyang anghel.

"Here" sabi niya sa'kin at inalok ang kamay niya na agad ko namang kinuha at hinila niya ako patayo, pinagpag ko ang pantalon ko atsaka napangiti sa kanya.

Ang bait bait naman niya. Parang anghel talaga siya, maganda na mabait pa.

"I'm really sorry for what happened, my bestfriend was the one who hit you, but he's sorry too" napakunot ako sa pagsasalita ng babae, para siyang isang dayo lang dito sa probinsya namin. Ang slang nang pagkakasabi niya ng english eh.

Mula sa malayo may isang lalaking kasing edad ko rin ang lumapit sa aming dalawa.

"Pasensya ka na ah, hindi ko naman sinasadya" pagso-sorry sa'kin ng lalaki at napangiti rin siya.

"Okay lang, sino ba kayo?" tanong ko sakanilang dalawa at sabay silang nagtinginan, ang cute naman nilang tignan. Kasing cute ko rin.

"Hi. I'm Wish Darian, and he is my bestfriend Zyre" pagpapakilala ng babae- na Wish pala ang pangalan sa sarili niya at sa bestfriend niyang Zyre pala ang pangalan.

"Pasensya ka na. Lumaki kasi sa States si Wish kaya hindi pa siya marunong mag tagalog, bago lang kasi siyang pumunta dito" pagpapaliwanag sa'kin ni Zyre kaya napatango nalang ako. "Pero nakaka-intindi siya ng ilang tagalog words" dagdag pa ni Zyre.

Kaya pala ang ganda niyang mag english, isa palang siyang amerikana. Feeling ko ang swerte ko dahil may nakilala akong isang amerikana. Maganda pa siya.

"Aris?" bigla akong napatuwid ng tayo habang hawak-hawak ko ang isang lalagyan na may lamang hostias. Hindi ko namalayan na natutulog na pala ako dito sa simbahan.

Pero ang ganda lang ng alaalang 'yon. Mga alaalang siyang dahilan kung paano kami nagkakilala ni Dari at kung paano kami naging close ng matagalan. Dahilan rin ito sa mga nangyayari ngayon.

Dahilan kung bakit nagkatuluyan kami ngayon, dahilan para maging masaya ako, at the same time dahilan rin ng pagkaka-lungkot ko.

***

Nagpatuloy ang pagkakaibigan namin ni Wish pagkatapos non. Every year pala palagi siyang bumibisita dito sa probinsya pero wala silang permanenteng bahay dito. Nakikitira lang sila sa bahay nina Zyre.

At gusto niyang palaging kompleto ang simbang gabi niya. Filipina ang nanay niya at Amerikano naman ang tatay niya. Mommy niya lang 'yong palagi niyang kasama kapag nagsisimba at nagbabakasyon daw sila sa Pilipinas. Marami daw kasi ang inaasikaso ng Daddy niya sa States.

13 years old na kami ngayon at tatlong taon na siyang pabalik-balik dito sa Pinas kaya natuto na rin siya mag-tagalog. Ako naman, tatlong taon na rin akong nagsisilbi bilang sakristan sa Simbahan.

"Wish, ano bang nickname mo?" tanong ko sa kanya. Nakaupo kami ngayon sa isang bench sa plaza, bago lang kasi nagtapos ang misa at si Zyre naman ay nauna na raw kasi may pupuntahan pa siya kasama ang pamilya niya.

"Dari" nakangiting sabi niya sa'kin. Tatlong taon ko na siyang nakilala, pero hanggang ngayon ang ganda pa rin tignan ng mga ngiti niya. Parang nakakagaan sa pakiramdam.

"Dari nalang tawag ko sayo" nakangiting sabi ko rin sa kanya atsaka napatayo ako at hinila siya papunta sa tindahan ng bibingka kung saan kilala ko ang mga nagtitinda.

"Gusto mo ba nito?" tanong ko sa kanya. Napakunot agad ang noo niya pagkakita niya sa bibingkang tinuro ko.

"What is that?" tanong niya sa'kin.

"Bibingka 'yan. Masarap 'yan, gusto mo bilhan kita?" tanong ko sa kanya ulit pero napailing-iling lang siya

"Huwag na, baka masayang lang yung pera mo kung bibilhan mo ako" sagot niya sa'kin pero bumili na ako ng dalawang piraso at saka nag-umpisang maglakad pabalik sa plaza.

"Oh. Try mo, masarap 'yan pramis" sabi ko sabay alok sa kanya ng bibingka pero nag-aalangan pa siyang kunin 'yon.

"Sige, ibuka mo nalang 'yong bibig mo" sabi ko sa kanya pero napailing lang ulit siya " Naku ang arte mo Dari" dagdag ko pa at napairap siya sa'kin tapos ibinuka niya ang bibig niya, ipapakain ko na sana sa kanya ang bibingka nang pigilan niya ulit ako "Sigurado kang masarap 'yan ah, may tiwala ako sayo" sabi niya at napatango ako sabay pakain ng bibingka sa kanya.

Ang cute niyang kumain. Dahil don bigla akong nagkaroon ng feelings sa kanya, kahit minsan masungit siya, bumabalik pa rin siya sa pagiging mabait at cute na Dari na kilala ko.

13 years old ako non at tatlong taon na kaming magkakilala nang magkaroon ako ng simpleng crush sa kanya.

"Gising na Aris" napamulat ako ng mga mata ko at nakita ko ang maamong mukha ni Dari. Napatingin ako sa grey niyang mga mata at naalala ko na naman ang panaginip ko. "Ang tagal mong matulog, hahaha" natatawang sabi niya pero nahahalata mong nahihirapan na siyang magsalita dahil nanghihina na ang paghinga niya.

"Mas matagal ka kaya" biro ko rin sa kanya at napangiti lang siya ng tipid sa'kin.

"Alam mo ba, noon palang crush na crush na kita, 13 years old palang tayo" sabi ko sa kanya out of the blue.

Nanlaki ang mga mata niya at napangiti rin siya sa'kin "At hanggang ngayon crush na crush pa rin kita" dagdag ko pa at mas lalo lang siyang nahiya kaya tumalikod siya.

Pero maya-maya lang ay humarap ulit siya sa'kin. "Crush lang?" tanong niya.

Napailing-iling na lang ako sa kanya, ang dami niyang alam ano ba 'yan.

"Siyempre Mahal, mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na—"

"O siya tama na yan. Alam ko namang mahal mo ako infinity times eh" natatawang sabi niya nang pinutol niya ang sasabihin ko sana.

"At ganon din kita kamahal" dagdag pa niya kaya napangiti nalang ako at napatayo saka hinalikan siya sa noo.

Kahit mawala pa siya sa'kin, alam kong mananatili siya sa puso ko dahil lubos na naniniwala ako sa saying na 'First Love Never Dies'

***

24th of December (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon