"Kailangan ko ng umalis" sabi ko kay Paolo atsaka dali daling naghanap ng jeep papuntang hospital.
Ikawalong araw na ng Misa de Gallo at pagkatapos ng misa ay dumiretso nalang ako sa ospital, bibili na kasi kami mamayang hapon ng mga lulutuin namin para sa noche buena.
Kahapon naman, bumili kami ni Nanay ng mga regalo para sa kapatid ko at para sa mga pinsan ko, nilulubos na rin naman kasi ni Nanay ang pagsasama niya sakin dahil sinabi ko na sakanya ang plano ko, ang plano na gagawin ko sa huling araw ng Misa de Gallo, plano na isang regalo para sa pinakamamahal kong Dari.
***
Nang makarating ako sa ospital ay agad akong dumiretso sa kwarto ni Dari pero nabigla ako ng may mga nurse na naglilinis sa loob ng kwarto niya.
Biglang binalot ng kaba at takot ang katawan ko sa maaaring mangyari, hindi maaari, hindi maaaring mangyari ang iniisip ko ngayon, okay pa siya kahapon, may surprise pa ako para sakanya.
Pero bago ako magdrama at iiyak ng iiyak dito kailangan ko munang tanungin ang mga nurse
"Miss, nasan na ang pasiyente dito?" tanong ko sa Nurse at nang napatingin siya sakin ay napakunot lang ang noo ng Nurse "Sir? Ano pong sinasabi niyo? Wala na pong pasiyente dito pagdating ko" inosenteng sagot ng Nurse sakin
Agad akong napasabunot sa sarili kong buhok atsaka umupo sa isang malapit na upuan. Napayuko ako at unti unting pumatak ang mga luha sa mata ko.
Wala na siya. Wala na si Dari. Wala na ang pinakamamahal kong babae.
"Oh, Sari? Natapos mo na bang linisan ang kwarto? Dadating na mamaya ang mag aayos ng aircon" rinig kong sabi ng isang boses. Kinakausap siguro nito ang Nurse kanina.
"Opo Mam" sagot naman siguro nang Nurse.
"Hijo, anong ginagawa mo dito?" nagulat ako at agad na pinunasan ang mga luha ko at napatingin kung kanino nanggaling ang boses.
Isang doctor pala."May hinahanap lang po sana ako sa loob ng kwartong yan, kaso wala na daw po siya eh" sagot ko naman sa Doctor at napangiti siya sakin habang napailing iling.
"Pagpasensiyahan mo na si Sari, bago lang kasi siya dito at nautusan lang siya na maglinis" sabi sakin ng Doctor "Nasira kasi ang aircon sa kwarto na ito kaya minabuti na naming ilipat ang pasyente" dagdag pa ng Doctor at dahil doon ay parang nabuhayan ako at biglang sumigla ang mundo ko
"Buhay pa si Dari? Buhay pa si Dari!" hindi ko namalayan na sa sobrang tuwa ay napasigaw ako at napatalon. Ang saya saya ko ngayon.
"Hanapin mo nalang siya sa room 122, mauuna na ako" sabi sakin ng Doctor at biglang lumapad ang ngiti sa mga labi ko.
"Maraming salamat po talaga" sabi ko sa Doctor at umalis na saka hinanap ang kwartong may number na 122. Mabuti naman at ilang mga yapak at hakbang lang ay nakarating na rin ako sa room 122
Pagbukas ko ng pintuan, mas sumaya ang pakiramdam ko ng makita ko si Dari na nakaupo sa higaan habang may hawak hawak siyang lalagyan na may lamang grapes at nakangiti siyang nakatingin sa tv.
"Aris!" masiglang sabi niya pagdating ko kaya napatakbo agad ako sakanya at niyakap siya. I miss her. I miss her so much.
"Akala ko wala ka na" malungkot na sabi ko sakanya habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
"Aris naman eh! Nagbibilang pa nga lang ako, masyado mo naman akong pinapadali" biro niya sakin at napangiti siya ng tipid ng kumalas ako sa yakap namin.
Agad ko siyang kinamusta sa kalagayan niya atsaka inalam ko na rin kung okay pa rin ba ang kalagayan niya, gumaan naman ang pakiramdam ko ng malaman kong ok na ok na daw siya, inalok niya nga pa ako ng grapes niya eh.
"Tita, ok na po ba?" tanong ko kay Tita na tinutukoy ang planong gagawin ko sa Noche Buena. Alalang napatingin saakin ang Mommy ni Dari. "Sigurado ka na ba sa binabalak mo Aris?" tanong niya pa sakin at mainam akong napatango habang nakangiti ng tipid.
"Nasabihan mo na ba ang Nanay mo tungkol dito?" tanong niya pa sakin at napatango ulit ako "Huwag po kayong mag alala Mrs. Lopez, ok lang po saakin yun at sa mga magulang ko, ganun ko po kamahal ang anak niyo" sagot ko naman kay Tita at nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin.
"Salamat Aris. Masaya ako na ikaw ang lalaking minahal at mamahalin ng anak ko" sabi ni Tita saakin pero agad din naman niya akong binitawan ng biglang nagreklamo si Dari sa likuran namin
"M—om, nahi—hirapan na p—" hindi na natapos ni Dari ang sasabihin niya ng unti unting pumikit ang mga mata niya. Agad ko siyang nilapitan at natakot ako sa kung anong mangyari.
Dali dali namang tumawag si Tita ng doctor at pinasuri si Dari, mabuti nalang at magpapahinga nalang daw muna si Dari.
Pagkatapos ng pangyayaring yun ay agad naman akong nagpaalam kay Tita atsaka dumiretso na sa bahay para samahan si Nanay.
Handa na ako.
***
BINABASA MO ANG
24th of December (Completed)
Historia CortaIn the eve of December 24 I made a wish For someone, whom I cherish -Aris