Huling araw ng Misa de Gallo. Araw kung saan mabibigay ko ang pinakamagandang regalo para sa minamahal ko.
Natapos ko ngayon ang buong Misa de Gallo, at dahil dun maaari na akong humiling, alam niyo rin naman siguro kung anong ihihilingin ko diba? Ang makakabuti para sa pamilya ko, kay Dari at para sa mga ibang taong mahal ko.
Pero sabi daw nila, mas mainam na humiling ka sa midnight mass nila mamayang gabi kaya magsisimba din ako roon at hihiling ako na sana pagkatapos nito, pagkatapos ng gagawin ko, magiging okay na ang lahat. At mananatili sa puso ko si Dari.
"Merry Christmas!" pagkatapos ng misa ay agad akong dumiretso sa ospital para dalawin si Dari dahil babalik naman ako kaagad para makasama ang mga magulang at pamilya ko.
"Aris! Merry Christmas din!" masiglang bati saakin ni Dari. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako minsan kung may sakit ba siya o wala kasi kung magsalita siya sakin parang wala siyang problema at palagi siyang nakangiti sakin.
"Mamayang gabi na lang siguro ang regalo ko para sayo ah, mauuna muna ako" sabi ko sakanya at napangiti ako ng may binulong siya sakin. "Happy Birthday" bulong niya sakin kaya napangiti ako, oo tama yung sinabi niya, birthday ko bukas, sa pasko kaya siguro ang bait bait ko rin noh?
"At I love you" dagdag niya pa sabay ngiti sakin ng napakatamis, ngiti na gustong gusto ko pang makita pero sa tingin ko malabo na.
Hinalikan ko siya sa noo niya atsaka sinabihan ko rin siya "I love you too" sabi ko sakanya at napangiti rin siya saka nakita kong bigla nalang namula ang mga pisngi niya. Ang cute niya lang talagang tignan.
"Merry Christmas din po Tita!" sabi ko naman kay Tita bago pa ako lumabas ng kwarto nila atsaka kumaway ako kay Dari sa huling pagkakataon at umalis na ng hospital.
***
"Happy Birthday to you!" kanta ng magulang at mga kapamilya kong dumalo dito ngayon sa bahay. Bukas pa ang birthday ko pero minabuti nang ngayon na ihanda ni Nanay ang birthday ko dahil alam na rin naman niya ang gagawin ko bukas eh.
"Happy Birthday Kuya!" bati saakin ng mga babaeng kambal kong kapatid, sila ang bunso ng pamilya at hindi na ako nagulat ng bigyan nila ako ng kulay pink na regalo.
Ang dalawa kasing toh, kahit alam nilang lalaki ako, sinusunod pa rin nila ang paborito nilang kulay which is ang kulay pink, nasanay na rin naman ako.
"Salamat kambal" sabi ko sakanila at sabay naman silang tumawa at tumalikod sakin na may ngiti sa labi.
Sumunod namang lumapit sakin ang kapatid kong lalaki saka napayakap siya sakin ng mahigpit. "Happy Birthday Kuya, matanda ka na, hahaha" natutuwang sabi niya pero mababakas pa rin dito ang lungkot sa mukha at boses niya.
Napangiti nalang siya sa kapatid at saka tinapik ang balikat nito "Magiging okay lang ako, ikaw na bahala kay Nanay" sabi ko rin sakanya at malungkot ring ngumiti sakanya at biglang napuno ng iyakan ang bahay namin ng lumapit sakin si Nanay na umiiyak.
"Parang kailan lang, inaalalayan pa kitang maglakad, tapos bukas 19 ka na" sabi ni Nanay sakin habang umiiyak pa rin siya na nakabaon sa dibdib ko.
Napayakap rin ako sakanya at napakalas din naman agad. Nagtataka siguro kayo kung nasaan ang tatay ko? Matagal na niya kaming iniwan, may sarili na rin siyang pamilya at hinayaan na namin siya ni Nanay, masaya pa rin naman kaming magpamilya kahit wala kaming ama.
***
"Tara na, male-late na tayo sa misa" nagmamadaling sabi ni Nanay kaya nagmamadali rin kaming sumunod sakanya at dumiretso na ng simbahan.Pagkarating namin ng simbahan, nakita namin kung paano pumunta ang isang bituin sa itaas ng bethlehem kung saan ipinanganak si Jesus, at habang pumupunta ang bituin ay napapikit ako ng mga mata ko at sinabi ang mga hiling ng isip ko.
Napahinga ako ng malalim ng marinig kong nag umpisa ng magsermon ang pari, hindi muna ako ngayon naging sakristan dahil gusto kong maging ordinaryong taong dadalo ng misa ngayon.
Nakinig ako ng mabuti hanggang sa matapos ang misa saka ako napatingin ulit sa pamilya ko paglabas namin ng simbahan.
"Anak, mag ingat ka" paalala saakin ni Nanay atsaka niyakap niya ako ng mahigpit. Napangiti ako at niyakap rin siya pabalik.
Mahal na mahal ko ang pamilya ko.
Napatingin ako sa kambal at maluha luha na ang mga mata nila kaya napayakap rin ako sakanilang dalawa at doon nila binuhos ang mga luha nila saakin. Hinaplos ko ang mga buhok nilang dalawa at sabay silang napatingin sakin na mugto ang mga mata.
"Binata na ang kuya namin" nakangiting sabi ni Light. Siya ang matahimik sa dalawa pero kapag magalit yan, humanda ka na, pumipingot ng mga tainga yan.
"Para sa pag-ibig kuya, fighting!" masiglang sabi naman ni Dark. Siya ang pinakamadaldal sa kambal at ang may pinakamaraming kaibigan sa eskwelahan nila.
Noong birthday niya noon, halos buong estudyante sa eskwelahan ay inimbitahan niya, mabuti na nga lang at hindi dumalo ang iba dahil sinabihan ko sila.
Isa rin siyang Kdrama addict at isang kpop fan rin, kaya kung masigla siya, masigla talaga siya. Atsaka, kung magagalit yan, hindi lang siya iimik at bibigyan ka niya ng silent treatment.
Hindi ko nga siya noon nabigyan ng regalo niya at hindi niya ako pinansin hanggang sa sunod niya birthday ulit. Ibig sabihin, isang taon niya akong hindi pinansin. Tsk. May puso pa ba ang batang yan?
"Good luck Kuya, mahal na mahal ka namin, at alam naming lahat dito na mahal mo rin si Ate Wish" sabi ng kapatid kong lalaki na ang pangalan ay si Aaron atsaka tinapik ako sa balikat. "Good luck Kuya, huwag mo kaming kalimutan" dagdag niya pa at saka kumaway siya sakin na para bang aalis na talaga ako sa tabi nila.
Malulungkot ang mga mata nila ng umalis ako pero nanatili pa rin silang nakangiti.
Napahinga ako ng malalim at hinanda ang sarili ko.
"Kaya mo to Aris, para sa minamahal mo" bulong ko sa sarili at dali dali kong tinahak ang daan papuntang ospital.
***
BINABASA MO ANG
24th of December (Completed)
NouvellesIn the eve of December 24 I made a wish For someone, whom I cherish -Aris