Chapter 21: (_ _) ZZZzzzZZZZzz (Part 2)

42 0 0
                                    

Chapter 21: (_ _) ZZZzzzZZZZzz (Part 2)

Jarred's POV

"SWEETBABES!!"

Hay nako, kung san-san ko na sya hinanap, dito ko lang pala siya makikita.

Galing kami sa clinic kanina, about yung allery-thingy nya sa bodyspray ko. Hindi naman mabaho ah! Bench 8 kaya gamit ko. Sa kinadami-daming babaeng nakaamoy sakin, siya palang yung nagsabing mabaho daw ako. Psh.

Humingi ako sa nurse ng anti-histamine, yung pangontra sa allergy na puro 'ACChHHOOo' ang binuga.

Pinainom ko sakanya yun, pero parang may side-effects.. Nag-iba kasi aura nya. From red (kasi nga may allergy sya, yung ilong nya, parang kay Rudolf na), naging black, with matching thunderrolls and lightning. Ewan ko ba sa mga babae, ang moody!

After that, bumalik na rin kami sa rooms namin. Sa western wing yung room nya, ako naman sa eastern wing. Hindi ko na rin naman sya naihatid kasi time na for our first period. Wala pa akong tardiness, hindi pwedeng yung balahurang babaeng to ang gumawa ng record ko!

Nagmadali pa naman ako, pero pagdating ko sa room..

"TOL!!! WALA SI MA'AM!! May meeting!!"

Aist.

Kaya natulog na lang ako.

11:30 na nang lumabas kami sa room.

"Hindi na lang sana tayo pumasok. Wala naman din tayong ginawa." Raven

"Oo nga." Kevin

*yaaaawwnnn* "Puyat pa naman ako kagabi, LQ na naman kasi kami ni Jessica..hmpt." Angelo

"Oo nga." Kevin

"Boring pa.." ako

"Oo nga." Kevin

Tinignan namin ng masama si Vin.

[A/N: Vin a.k.a Kevin.. halata naman diba?]

"Bakit puro 'oo nga' sinasabi mo?" tanong ni Raven "Para ka nang baka nyang tol!"

"Baka as in cow?" tanong naman ni Vin. Parang bata.

"Hindi. Baka as in carabao." sagot ko. Lumuwag na naman ata kasi turnilyo ni Vin. Aist. Para na naman syang ulalang.

[A/N: Ulalang = parang baliw]

"Uwi na tayo!! Gutom na ako!!" Raven

"*yaaawwnn* Antok pa ako.." Angelo

"Tara muna sa canteen, gusto ko ng burger!!" ^__^ Kevin

"Eh alis na ako, susunduin ko pa si Inelle, sabay kami maglalunch." I explained.

"Psh. Lage naman eh." Raven. -__-

"Pinagpalit mo na kami.." T^T Kevin

"I understand you, bro.. pareho lang tayong may lablyf.." Angelo ^__^

May girlfriend na nga pala si Angelo.. Jessica ata yung name.. Pero last week, Rina yung gf nun eh.. Tsk.

"Pagdikdikan pa samin na single kami?" >:( Raven

"Oo, may angal?" sabad ni Angelo.

"Ako wala, burger gusto ko..." ^__^ Kevin.

Hay. Mga ewan talaga tong mga to..

"Una na ako. See you tom." I waved my hand as I walked away.

"Ge. Regards kay Inelle!!" Pahabol ni Angelo.

Kung hindi nga lang talaga sya may gf, napagkamalan ko nang mag gusto siya kay Inelle.

Pumunta ako sa room nila Inelle, pero wala nang tao.

I'm in love with Mr. Playboy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon