Chapter 2

51 0 0
                                    

CHAPTER 2

Naibuga ni Mike yung iniinom nyang coke sa mukha ni Josh nang marinig nila yung sigaw ko.. Lahat ng mga estudyante sa canteen napatigil sa pagkain at sa kung anuman ang ginagawa nila..

Itinapon ko na lahat ng laman ng bagpack ko, pero wala pa din!! Halah!!

"Anung nawawala?" tanong ni Kyle at saka nya kinagat ang sandwich nyang binili.

"Yung... yung cellphone ko!!! Guys, nakita nyo ba??" mangiyak-ngiyak nako.. Matagal ko na rin kasing gamit yung phone na yun.. Regalo kasi ni Daddy sakin yun nung 16th birthday ko..

"San mo ba kasi nilagay?" tanong ni Rap sakin.. tinutulungan na nya akong magpulot ng mga gamit na itinapon ko kanina sa sahig.

"Dito lang sa bag ko.. sure akong nilagay ko dito yun kanina!!"

"Nabasa mo na ba yung text ko?" biglang tinanong ni sakin ni Rap out of the blue.. Huh? Bakit kaya..

"eh? Hindi pa.. importante ba yun?"

O____________O

Bigla siyang namutla..

"may problema ba tol? Huy..!" binatukan naman ni Josh si Rap... bigla-bigla na lang kasi siyang natulala..

Tinignan kami ni Rap.. isa-isa... saka bigla syang tumayo sa kinauupuan nya...

"KAILANGAN NATING MAHANAP YUNG PHONE NI INELLE!!!!"

(Rap's POV) 

Nawawala ang phone ni Inelle...

Nawawala...

Nawawala.....

And the fact na hindi pa nya nabasa yung text ko sa kanya kanina...

"HINDI PWEDE!!" bigla kong naisigaw na mas lalo nilang ikinabigla.

"Huy, OK ka lang? Parang ikaw pa tong nawalan ng phone ah!" sabi sakin ni Kyle..

"Bakit bess, my problema ba? Ok lang yun. I can buy a new one naman.. mejo luma na rin naman kasi yun at tsa-"

"HINDI! Kailangan nating mahanap yun bess.. Basta hahanapin natin yun no matter what!!"

Tumakbo ako palayo sakanila. Naririnig kong tinatawag nila ako, pero I didn't bother to look back..

Mas imporrtanteng makita ko yung phone..

Nandun kasi...

Nandun yun...

Baka mabasa ng iba..

Hindi pwede...

Dapat si Inelle ang unang makabasa non...

Siya lang dapat!!...

Dumiretso ako ng banyo. Nahilamos ako.. tiningnan ko ang sarili ko sa salamin..

Oo.. duwag nga talaga kasi ako.. Torpe, tanga pero di ako bobo...

Matagal ko nang balak sabihin kay Inelle yun.. pero natatakot ako.. natatakot ako sa pwede mangyari, sa reaksyon niya, sa sasabihin nya.. Hay, tapos sa text ko na nga lang kayang sabihin..

Sobrang daming willpower at pagpapakapal ng mukha ang inipon ko para magawa yun, tapos ganito pang nangyari!! Naman ehh..

"SH*T.."

Napansin ko na hindi pala ako nag-iisa sa banyo.. andito rin pala si Jarred..

We were bestfriends.. we were... before..

"Hey." Sabi nya na pumunta na rin para maghugas ng kamay sa lababo.. katabi ko na sya ngaun.

"How's life? Ke aga-aga ang init ng ulo mo.."

"wala.." yun lang ang sinabi ko saka ako lumabas..

We're good friends before, best buds nga kami eh. Kasa-kasama nya ako sa kalokohan nya sa girls.. hanggang sa dumating yung araw na nagbigay ng dahilan sakin para magalit sa kanya.. Di ko hahayaang mangyari yun, kaya't pinili kong lumayo sa kanya..

Wla na rin akong balak bumalik sa canteen, mas mahalaga kasing mahanap ko yung cellphone ni Inelle..

Jarred's POV (Jarred = pronounced as Ja - Red)

Life.. Life..

Buhay nga naman parang life.. I just saw my best friend before.. He seemed pissed off.. Then I while ago, nakabanggaan ko ang isang mukhang anghel na demonyita ng school namin.. Yes, she's a devil with the face of an angel.. Well, hindi ako magdedeny, I like her.. matagal na rin siyang nasa listahan ko for my future-flings.. 

A year ago nang makita ko siyang kumakain sa canteen together with my best buddy, Rap. Her smile captivated me. Iba sya eh, iba talaga.. kaya nga gusto ko siyang maging girl, maybe for a week or two.. Add her witty and devilish personality, mas nachallenge akong makuha siya kaya naman nagpatulong ako kay Rap.. but it turned out he has something.. 

Haha.. grabe.. yun nga lang, nawala sakin yung friendship namin..

Hay, bakit ko nga ba binabalikan tong mga to.. Tssk. =___=

Kinalikot ko ang bulsa ko para kunin yung panyo ko nang may makapa akong ibang bagay..

Cellphone??

*to be continued*

Paki VOTE na lang po..

Kung may katanungan o comments, feel free to post on my MB. Thanks!!   ^__^

Ahms.

I'm in love with Mr. Playboy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon