Chapter 24: First Monsary (part 1)

54 2 0
                                    

Sensya na if I am using lots of trash words. Kailangan kasi..

Sensya din sa mga typho errors.

Last chapter na po ito for the mean time.. Depende na po kung maraming reads at magkakaroon na ako ng mga comments sa MB... Kung meron, mag-aupdate ako.. kung wala.. haayy..

Comments na!! kahit "hahaha" lang. para naman makita ko kung sino yung mga nagbabasa.. makita ko man lang yung mga pangalan niyo, para naman hindi na ako nag-iimagine kung alien ba o tao talaga ang mga readers ko.. Hahay, no offense meant..

I will wait for your comments.. Until then.. 

Ahms..

Chapter 24: First Monsary (part 1)

Inelle's POV

Sa room..

Ggrrrr!!!!

Nakakaasar na talaga!!

Mula nang makilala ko yung Rodriguez na yun, nagkaleche-leche na buhay ko!

"Problem?"

"Wala."

Bwusit talaga yung Japanget na yun.. Hinawaan na ako sa pagkaweirdo niya.

"Eh bakit nakamukhasim ka dyan?" ngising tanong ni Mike. "Kamukha mo tuloy yung mama ni Jaya..."

"Shut up, will you?!" Ang kukulit kasi nina Mike at Josh. Ang Stupid Duo. Lahat ata ng kalokohan alam nila eh.

Sayang yung pagkain ko kahapon. Nilayasan ko na kasi ni Japanget sa canteen after nung kahiya-hiya kong ginawa. Pag naaalala ko yun, umiinit talaga yung ulo ko.

Hindi naman ako ganito dati eh.. Nakakahawa ang kalandian nila. Matindi ang virus ng mga babaitang malalandi.. Kainlangan kong mag-ingat.

Pauwi na kami..

4pm..

Tapos na lahat ng klase ko sa araw na to..

"Tara, meryenda tayo!" yaya ni Kyle. "Nakakagutom din ang gumawa ng projects.."

Dumiretso kami sa favorite kainan namin.. Jollibee..

Childish noh? Pero love na love namin ang fries at burger ng jolibee.. like no other..

Umupo kami sa 2nd floor, sa 4 seater-table na katapat ng glass window. Mula dito, tanaw namin yung maingay at busy na Calye Comercio..

Dinistribute naman ni Mike yung food namin.

Tig-iisang burger champ, monster float, at large fries. Puro malalaki.. Ganyan  kami magmeryenda, parang lamon.

"Yum..yum.. Di ko talaga ipagpapalit tong burger nila." Kyle.

"Langhap-sarap!!" ^___^ Mike.

"Delicioso!!" ^___^ Josh.

"Ang panget nyo!!" ^___^ ako.

-____- ----- silang tatlo.

"Joke!" ^____^v

May nagdatingan at umupo sa table sa harapan ko. Mga highschool students. 2 lalake, 2 babae.

Tinitigan ko lang sila..

"Dating place na rin pala ang Jabi.." Kyle.

"Sinabi mo pa. Tsk." Josh.

Tinitingnan ko lang yung mga estudyante sa likuran ni Mike..

Kaharap ko si Mike. Katabi ko naman si Josh at katabi naman ni Mike si Kyle.. Ganyan ang pwesto namin..

I'm in love with Mr. Playboy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon