Chapter 23: What She Wants

37 3 0
                                    

So far, ito ang pinakamahabang nagawa kong chapter.. Sana naman may makaappreciate na anghel at makcomment manlang.. I'm open to criticism. Surely, suggestions and appreciation will be recognized.. 

Sa pinakaunang nakapagbasa ng Chapter 22, salamat!! ^^

Chapter 22: What She Wants

Inelle's POV

Dumiretso ako sa CR.

Papunta na sana kami ni Japanget sa canteen nang magsimula siyang topakin..

Sabihin ba naman niyang nagseselos ako sa kadiring babaeng mukhang linta??!! Like, EEEWWW!!!

Pumasok ako sa Cr.

Walang tao.

Humarap ako sa salamin.

"Di hamak naman na mas maganda ako sa lintang yun!"

Maganda naman ako ah!

Maraming nagsasabing maganda ako. Marami-rami na rin akong binasted na manliligaw .. Yun ba ang panget?! Tsk.

Naghilamos ako. Try to freshen my look. Punas ng mukha using my hanky donkey.. (may picture kasi ng donkey yung panyo ko, regalo sakin ni Mama nung 3 years old palang ako, kwinento ni Papa).

Naalala ko si Mama.

Tumingin ulit ako sa salamin.

"Ma, kung buhay ka pa siguro hanggang ngaun, mapagkakamalan tayong kambal."

Yun rin ang sabi ng mga kakilala ni Mama at Papa. Kamukhang-kamukha ko daw kasi si Mama.

xxxxxxxxx

Flashback

"Papa!!"

Tumakbo ako kay Papa pagkakita ko pa lang na pumasok siya sa bahay.."

Sinalubong naman niya ako at binuhat.

"Happy Birthday Darling!!"

"Thanks Papa!!" at saka ko siya hinalikan sa pisngi.

"Ilang taon ka na?"

"7!!"

"Ang baby ko, 7 years old na. Baka may boyfriend ka na ha?"

Umiling-iling ako.

"Wala po!! Ikaw lang po love ko!!"

"Wag mo munang iiwan si Papa ha?"

Sa murang edad, batid ko na ang pangungulila ni Papa kay Mama. I was 3 when my Mama died due heart failure.

Hinaplos ko ang mukha ng aking ama. "Don't worry, Papa, I will never leave you!!" at saka ko siya niyakap nang mahigpit.

"Hahahaha, ang lambing talaga ng baby ko!!" then he started tickling me from my sides.

"HAHAHAHA!! Pap- HAHAHA tama na!!"

Tiningnan ako ni Papa at hinaplos ang aking mukha.

"Kung buhay pa ang mama mo, for sure, magkamukhang-magkamukha kayo.."

"Talaga Papa!!"

"Yes."

"Mama is pretty, isn't she?"

"of course!!"

"Then I am pretty also, Papa?" inosenteng tanong ko.

"Yes, baby. You are pretty.." natatawang sagot ni Papa. "You are."

xxxxxxxx

End of flashback

Sobrang lambing ni Papa noon.

I'm in love with Mr. Playboy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon