Chapter 25: First Monsary (Part 2)

47 1 0
                                    

Hangga't maaari, ayokong bitinin yung mga mababait na sumusubaybay ng story na to.. Kahit pa iilan lang sila, eh masaya naman ako..

At dahil sa MEDYO ok naman yung bilang nang reads, mag-aupdate ako..

Again.. paulit-ulit kong sasabihin..

VOTE. COMMENT. FAN.

xoxo

Ahms

Chapter 25: First Monsary (Part 2)

Inelle's POV

Tumakas na nga kami from school.. Though wala naman na talaga akong pasok at pumayag naman ang prof ko, takas pa rin ang term ko sa ginawa namin kasi sa back gate kami dumaan. Nakita raw kasi ni Jarred na marami sa mga FANS at groupies nya ang nakaabang sa amin sa gate.. Huh, kahit pa sisiga-soga ako, natatakot pa rin naman ako.. Sa dami ba naman nila!

So hayun, nagbiyahe kami patungo sa unknown place.. Hindi naman kasi sinasabi ni Jarred kung saan kami pupunta. Surprise daw.

Pero sa totoo lang, marami na rin siyang nagawang surprise sa araw na to. 

Tinitigan ko yung isang bouquet na roses na binigay niya. Inamoy. Not knowingly, napasmile ako.

"Kinikilig ka noh?"

Lumingon ako s kanya.. nakatingin siya sa daan pero sumusulyap-sulyap siya sakin..

"Kinikilig? Daaahh.." I answered, pero nakasmile na rin ako..

"Hindi daw? Haha.." then he reached for my hand.. "Happy Monsary ulit.." and he kiss the back of my hand, not once, not twice but thrice.. "My kisses mean a phrase.. Do you want to hear it?"

dugudug..dugudug..

Halah. Mas malala ata ngayon tong kabog na dibdib ko.. He looked at me differently from the way he looked at me before. Kung noon, away ang kahahantungan namin sa tuwing tinitingnan niya ako, this time, nahihiya na ako.

Shucks. Nahihiya? Kelan pa ako nagkaroon non para sa taong to?

"Hey.." pinisil niya yung kamay ko. Di ko namalayan na huminto na pala kami. I looked outside the window.. Kakahuyan..

"May balak ka bang maghiking tayo? Tanghaling tapa ah!"

"Parang ganun na rin, pero may ipapakilala ako sayo.. For sure, matutuwa siya.."

Lumabas kami sa sasakyan, pero siya maydalang isang bouquet din ng roses.. Puti at pink..

"Kanino yan?" turo ko dun sa bulaklak..

"Para sa isang taong mahalaga rin sa akin.." then he smiled..

Sino naman kaya?

We walked through the forest. Well, hindi naman talaga mukhang jungle. Forest lang talaga ang term ko kasi maraming matataas ng puno.. Liblib kumbaga.

Almost  15 minutes na kaming naglalakad, at dahil nakacomplete uniform ako, nakaheel din ako ngayon. Di ko nga alam kung anung sumanib sakin at naisipan kong mgheels..

"We're here.." then tinuro niya sa akin yung malaking bato. Nasa tuktok na pala kami ng bundok. Clear ang paligi, walang puno.. Kitang-kita yung ibaba ng bundok..  Ang hangin, super fresh.. Namiss ko na ring makaamoy nag hangin sa probinsya.  

"Akala ko ba may ipapakilala ka sakin?" Lumakad siya papunta dun sa malaking bato.."Come here.." lumapit ako, at dun ko nakita na may nakasulat sa bato..

"Inelle, I want you to meet my sister, Abigail.." tapos lumuhod siya at inilagay yung bulaklak.. "Sis, meet Inelle, my girlfriend.."

Medyo nashock pa ako. Di ko kasi alam na may kapatid siya. All we know is nag-iisa siyang anak.. Abigail Kim Rodriguez. Yun yung pangalan na nakalagay dun sa bato.. ang pangalan ng kapatid ni Jarred..

"Your younger sister?" tanong ko. Wala kasing nakalagay ng date, either her birthday or her day of death.

"Nope, she my ate.." inalis niya yung mga tuyong damo at dahon sa paligid ng bato..

"Pano siya namatay?" di ko napigila  yung sarili ko. Pero hindi siya umimik.. Wrong question, Inelle. Di ka nag-iisip! " Ahm, sorry. Wag mo nalang sagutin.."

Lumingon siya sa akin. "No, it's ok. Matagal na rin naman siyang nawala.." He pause for a moment and took a deep breath. " She died in a car accident when I was 4 years old.. Kahit na batang-bata pa ako noon, I can clearly remember everything about her.." 

Umupo na ako sa tabi niya nun. Mukhang mahaba-habang kwentuhan to..

"4 years old ako nun, siya naman 12, pero kung kumilos siya, parang 20 na.. Matured kasi siyang mag-iisip. Our parents love her so much, so much that i think they're already taking me forgranted.. She's my parents favorite kasi top siya sa klase, she's a good girl. Madalas aking maiingit sa kanya, pero hindi ko nagawang magalit ni minsan. Kasi mahal niya ako, sobra..Siya lang ang ngaing kakampi ko sa bahay everytime na pinapagalitan ako nina Daddy. She makes me happy like no other person have done.. It was my birthday, my fourth birthday, at pauwi na siya sa bahay non, when she was hit by a car.. She was rushed to the nearest hospital, but she arrived dead." 

Yumuko siya.. Alam kong mahirap, kahit pa wala nga akong kapatid. I feel something.. Parang nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman niya ngayon.. Hindi ko alam na may ganito rin palang nangyari sa buhay niya. Ito ang side ni Jarred na ngayon ko pa lang nakita.

"Eh anong nangyari dun sa nakabangga sa kanya?" i asked. lumingon siya sa akin saglit pero bumalik din agad yung tingin niya sa kawalan.

"Namatay."

"Namatay? Namatay rin siya dun sa aksidente?" mas nacurious ako.

"Hindi. Hindi ko alam kung anung nangyari, basta nalaman ko na lang kay Daddy na namatay din yung nakabangga kay Abi after 3 days mula nang manyari yung aksidente.." he explained. "Pero ang nakakatawa, kahit namatay na yung nakabangga kay Abi, galit pa rin ako sakanya.." he flash a bitter smile. Lumingon ulit siya sa akin, but this time, mukhang ok na siya.

"Let's stop this drama.. Kaya kita dinala dito kasi pangakoko to kay Ate.."

"Pangako?"

"Yup." He held my hand and filled the spaces between my fingers with his. "I promised her na sa kanya ko unang ipapakilala ang magiging asawa ko.."

O____O

ASAWA?

"H-hoy, a-anung pinagsasasabi mong asama dyan!!"

"Nabigla ka ba?" he brushed his hair with his other hand. "Ako nga din eh, nabigla.."

Ok. Nabigla na kung nabigla. Ano ba dapat ang dapat kong maging reaction sa mga sitwasyon na gaya neto?

Dati, inuupakan ko kung sino ang magsabu ng kung anu-ano na hindi ko magustuhan.

Ngaun, hindi ko alam.. Nagustuhan ko ba yung sinabi niya at hindi ako makagalaw?

"You.." saka niya tinulak yung noo ko. Still, wala akong response. "What did you do to me to make me feel like this??" he said in a serious face.

Nabigla na naman ako. For the second time. Nblablangko na ata ko!!

He held my hand and kiss the back of my palm 3 times.. Gaya ng ginawa niya kanina.. "Wanna hear  what my kisses wants to tell you?"

Wala sa sarili na napa-nod na lang ako.. 

He looked at me, straight to my eyes. Hinawi niya yung mga pasaway na buhok ko na nilipad ng hangin at saka iniipit sa tenga ko.. Lumapit siya, until his forehead touches mine..

"My kisses.." then he kissed my forehead.. "wants to tell you that.." He kissed the tip of my nose, " I like you."

*to be continued*

Hahay, eto na lang muna.. Kasi may klase pa ako. Part 3 mamayang gabi, promise!!

I'm in love with Mr. Playboy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon