ch.14 Admit It!

112 3 0
                                        

(Sa Room)

Ralph

"Naging maayos ba pag-uwi nyo kahapon Jaime?"

Jaime

"Ok lang naman, ikaw ba? Buti hindi ka nagka sakit bilib talaga ako sayo"

"Syempre ako pa! Sabe naman kasi sa inyo malakas ang resistensya ko ko ehh, sya nga pala si Khaye kamusta ba? Parang late ata sya ngayon? Ano meron? Diba palageng maaga napasok yun?"

"Oo nga pala nagtext sya saken kanina na baka hindi daw sya makakapasok kasi medyo mainit daw sya, feeling nya nga daw lalagnatin na sya eh, pero pipilitin nya pa din daw pumasok"

"Oh?! Eh diba kaya ko nga sya pinahiram ng payong kahapon para nga di sya mabasa ng ulan? Tapos bandang huli sya pa tong nagkasakit imbes na ako :("

"Sakitin kasi talaga yun si best, simula palang nung elem. kame tapos dala nya pa din hanggang high school kame, kahit yung simpleng maambunan lang sya paniguradong magkakasakit na sya"

"Eh paano nga mangyayari yun eh may payong naman sya kahapon diba?"

"Ang lakas kasi masyado ng ulan eh, malay mo na ampyasan sya saka di naman sya tulad sayo no! Palibhasa malakas nga kasi resistensya mo"

"Oo siguro nga, sabihin mo sa kanya kung hindi nya na talaga kaya wag na muna nyang piliting pumasok, mag pagawa nalang muna sya ng excuse letter sa parents nya, maiintindihan naman siguro yun ng mga teachers naten"

"Naku! Ewan ko lang dun, sanay na ako sa ugali nun eh, kahit may sakit yun papasok at papasok pa rin yun, ayaw nya kasing nahuhuli sa lessons"

"Sabihin mo magagalit ako kapag pumasok pa din sya kahit may sakit na sya!"

"Hindi makikinig sayo yun, ako nga bestfriend na eh hindi pa din nakikinig saken sayo pa kaya? May sariling desisyon yun si best, haaaayy ewan ko ba dun sa bestfriend kong yun palibhasa tutok kasi sa pag-aaral eh"

"Anu ba yan?!! Hanggang ngayon ba pag-aaral pa din ang uunahin nya? Mas lalo syang hindi makakapag-aral nyan kung uunahin nya pa din ang pag-aaral kesa sa kalusugan nyan! >__<"

"Ehh bakit mukhang alalang-alala ka naman sa kanya?"

"Bakit naman hindi? Eh kaibigan ko sya eh natural lang yun kahit ikaw pag nagka sakit ka mag-aalala din ako sayo, eh kaibigan din kita eh! Baket? Hindi ka ba nag-aalala sa bestfriend mo?"

"Syempre nag-aalala! Bestfriend ko yun eh halos magkarugtong na nga ang bituka nameng dalawa eh"

"Yun naman pala eh, kaya kahit anong mangyare gawin mo lahat ng makakaya mo para hindi na sya pumasok"

"Eto na nga eh, sana lang talaga makinig saken yun, pero may iba talaga sa pag aalala mo sa kanya ehh"

"Ano naman yun?"

"Eh simula nung sinabe ko sayo na may sakit sya eh halos hindi ka na mapakali dyan! Parang di malaman kung anong gagawin mo! :P"

"Syempre! Ano pala dapat ikilos ko? Ganun naman talaga pag nag-aalala diba?"

"Umamin ka nga saken Ralph!"

"Huh?! Anong umamin? Hindi kita ma gets Jaime ah parang ang layo naman ng tanong mo, pick up lines ba yan? :D"

"Hindi nga Ralph seryoso ako dun sa tanong ko"

"Eh ano namang aaminin ko?"

"Asus! Hanep no! Patay malisya pa nga sya! >___<"

"Deretsuhin mo na kasi ako!"

"May gusto ka sa bestfriend ko no?!"

"Ahh ehh ano eh, . . . . . . . ano ulet yung tanong mo? hehe"

Wanted GF (On-Going)Where stories live. Discover now