***Joan's POV***
At gaya nga ng napagkasunduan, maaga akong pumasok ngayon para maghanap ng lugar kung saan pwedeng magconfess si Ralph kay Khaye
At siguro nga'y tama na ang lugar na napili ko ngayon, medyo malapit lang din sa Brgy. kung saan kame nagkklase ng NSTP pero hindi sya madaling mapansin, liblib nga kasi
At saka perfect place din to for confession kasi medyo malapit lang din sya sa karagatan tapos ang lakas pa ng hangin
Hihintayin ko nalang makapasok si Ralph tapos pagdating ng break time dadalhin ko na nga lang sya sa lugar na to, sana lang talaga maging maayos ang lahat, goodluck nalang kay Ralph ^_____^
***Eula's POV***
Naku! 7:45am na pala!!! O.O ehh 8:00am ang NSTP namen!!, pero ok lang medyo malapit lang naman samen ang Brgy. kung san kame nagkklase ng NSTP
Oo nga pala ngayon ang araw kung kelan mag coconfess si Ralph kay Khaye! Anu ba yan! Ako pa tong mas kinakabahan ehh! :/
Basta kahit anong mangyare think positive lang! Gagawin ko den ang buong best ko para matulungan ko si Ralph!
***Lara's POV***
Hala??!! 38 messages at 5 missed calls??!! O.O. . . . . . . . . . . . . . . . . ayy hindi ko pala namalayan na natulugan ko pala kagabe si pogi dahil na rin siguro sa sobrang antok! Anong oras na den kasi -_-
Haaaaaayy hirap talagang maging maganda! tsk! HAHAHA! charot! Ehh pano ba naman??!! Maya't-maya may biglang magttxt na number tapos magpapakilalang manliligaw daw!
Minsan naman magugulat naman ako may bigla nalang magcoconfess ng wala sa oras! Kainis kaya! >_____<
Speaking of confess??!!!
Mamaya na nga pala magcoconfess si Ralph kay Khaye, goodluck nalang sa first time nya :3 Wish ko lang na walang iyakang magaganap ^_________^
***Jenny's POV***
Talagang ang bilis ng araw at akalain mong sabado na pala ngayon? Maya-maya lang papasok na din ako sa NSTP namen
Wish ko lang na sana effective nga yung plano ko para kay Ralph at sana umayon nga ang lahat sa plano namen
Parang nakababatang kapatid ko na din kasi yun si Ralph, at napaka bait masyado ng batang yun para masaktan, pero malaki din naman ang pag-asang sagutin sya ni Khaye eh?
Malay nga ba namen kung mutual feelings nga yun, na parang naghihintayan lang silang dalawa kung sino ang unang aamin diba? ^^
***Melvin's POV***
Ayos! Mamaya na din pala mag coconfess si pareng Ralph! At ito na nga siguro ang pinaka hihintay nyang araw :D
Sana nga tama ang kutob namen na may gusto din si Khaye sa kanya para naman madoble yung ibabayad nya sa utang nya saken! HAHAHA! joke ^^
Pero tiwala lang malaki din ang pag-asa ni pareng Ralph dun! Aba! gwapings din ata yun parang ako! :D at saka higit sa lahat mabait pa! wala ka na talagang hahanapin pa ^_^
***Ralph's POV***
So eto na talaga yun! Eto na ang pinaka hihintay kong moment!!! :D, kayo na po talaga ang bahala Lord :)
Basta think positive lang talaga Ralph! Ilang araw ka nag practice kaya dapat hindi ka na mabulol bulol mamaya!! >___<
Wala na talagang atrasan to! Bahala na kung anong mangyayare sa susunod! Naka ready na ako sa mga posibilidad na mangyayare
![](https://img.wattpad.com/cover/15871572-288-k165688.jpg)
YOU ARE READING
Wanted GF (On-Going)
Teen FictionAnong bang feeling ng ma inlove? Sabe nila super sayang feeling daw yung mraramdaman mo pag naranasan mo yun Yung tipong gagawin mo na lahat para lang mapasaya sya? Yung tipong di ka makatulog kaka isip sa kanya? Yung mga ganun ba? Gusto ko lang nam...