Panimula

667 1 1
                                    


Ako nga pala si Princess Guzman simple at payak lang ang buhay, hindi mayaman pero masaya naman ako sa gantong estado. Lumaki lang sa ako sa lolo at lola ko nasa ibang bansa kasi ang nanay ko at ang tatay ko hindi ko alam kung nasan sya hindi ko kilala kahit na ang pangalan niya. Ang alam ko lang nabuntis ang nanay ko sa ibang bansa at ayun bigla naglaho ang tatay ko. Nandito ako nakatira sa Bicol pero dahil sa hirap ng buhay kailangan kong magtrabaho sa maynila para makatulong man lang sa pag papaopera sa mata ng lolo ko.

"Apo hindi mo naman kailangan umalis, dito ka na lang matatanda na kami gusto namin makasama ka pa kahit sa konting panahon" - hindi pa ako nakakaalis pero naiiyak na ako.

"Lolo naman huwag ka magsalita ng ganyan kaya nga ako aalis diba para maipagamot ka huwag po kayo mag alala palagi ako tatawag sainyo para mapanatag ang loob nyo." - ma mi-miss ko sila, pero kailangan ko umalis buong buhay ko ako na lang palagi ang iniisip nila. Kelangan ko ibalik lahat ng pag hihirap ng lolo at lola ko gusto ko sumaya sila. 



Nakasakay na ako sa bus hindi na ako masyado nakapag paalam sa dalawang matanda dahil baka mas piliin ko na huwag umalis dahil sobrang ma-mi-miss ko sila, kelangan ko to gawin para sa sarili ko din gusto ko magtrabaho para hindi na rin magpakahirap ang nanay ko sa ibang bansa. Dahil ang sakit sakin na malayo siya wala na nga akong tatay tapos malayo pa siya. Palagi lang ako nakangiti pero sa loob ko nahihirapan na rin ako araw araw ako nagdarasal na sana kahit paano umangat ang buhay namin, hindi naman ako nangangarap yumaman sapat na yung nakukuha namin lahat ng pangangailangan namin.

Kahit nga ang manliligaw ko sa probinsya namin ay hindi ko pinapansin, maraming lalaki sa mundo kaya itinuon ko ang oras sa pag alaga sa lolo at lola ko. Iyak pa rin ako ng iyak dahil iniisip ko paano na ang lolo at lola ko doon baka hindi nila kayanin kasi matatanda na rin sila pero sana okay lang sila. Nakatulog ako sa kakaiyak.



"Ate, ate gising na po nasa Cubao Terminal na tayo"- Ginising ako ni kuyang kundoktor at pag mulat ko ng mata ko. Oo nga nasa Maynila na ako.



Eto na ang simula ng pagbabago sa buhay ko.. Goodluck princess, Hello MAYNILA!



Comment please💕
-mariaprinsesita❣️

Makita kang MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon