Kabanata 4

199 2 0
                                    



"Sigurado ka na ba talaga iha? Hindi mo naman kailangan umalis."- nalulungkot na sabi ni auntie.



Halos matatapos na rin ako mag ayos ng mga damit ko. Konti lang naman to, saka na ako bibili ng mga bago kapag nakaluwag na. Si sir richard pinag antay ko na lang sa sala nakakahiya nga e mukhang di sanay pumunta sa iskwater area, pero sumama pa din sya. Di ko alam kung ano iniisip ng taong yun. Kung baga sa babae napaka sophisticated niya.





"Opo auntie pasensya na po. Kelangan ko din po kasi malapit lang iyun sa trabaho ko"-  Saad ko.




"Huwag ka muna mag asawa ha, tulungan mo muna ang nanay mo. Boyfriend mo ba yung naghihintay sayo sa sala?"



"Ay nako auntie hindi po boss ko po yun, mabait lang talaga siya. Sige po auntie mauna na ako. Papasyal na lang po ako dito".





      Inunahanan ko na si auntie baka ano pa isipin nun. Otw na kami sa condo ni sir. Walang nagsasalita samin derecho lang ang tingin sa daan. Nakakabingi ang katahimikan. Tumingin ako sa kanya, yung mukha niya na parang pamilyar sa akin yung hugis ng ilong yung makapal niyang mga kilay pamilyar sa akin. Hindi ko lang maalala kung sino. Tapos sobrang bango niya kahit na malayo siya naaamoy ko siya, nahiya na man ako sa perfume ko na juicy cologne pero kere na mabango naman.



Tinawagan ko sila lolo at lola kahapon at kinamusta, sobrang nalulungkot sila. Pero di kami masyado nakapag usap kasi busy rin ako. Sana okay sila doon. Mahal na mahal ko sila. Saglit lang ang biyahe namin at wala namang traffic. Tinulungan ako ni sir richard na bitbitin ang mga dala ko. Feeling ko tuloy ang ganda ko. Lalong nag form ang muscles niya sa braso kasi medyo mabigat ang bag ko. Ang sarap lang sa pakiramdam na may nag aalala ulit sa akin. Bukod kasi kay ricky dati si sir richard lang ulit ang nagpakita ng concern sa akin. Yung iba kasing lalaki may ibang motibo at natatakot ako na baka mangyari sakin ang nangyari sa nanay ko kaya sobra ang pag iingat ko sa sarili ko.



Pumasok kami sa Condominium, sa lobby pa lang talagang mapapa wow ka sa sobrang ganda. Sobrang ganda ng ambiance dito feeling ko nasa ibang bansa ako. Ang sarap tignan ng chandelier sobrang laki at ang bango bango ng paligid. Bigla ako nakaramdam ng lungkot sa sarili, hindi ako bagay sa lugar na to. Para sa mga mayayaman lang to, sa mga taong pinanganak na hindi na kailangan pang mag hirap sa buhay.



"Good evening sir and ma'am".- Tumango lang si sir richard, teka bat ang sungit niya ngayon. Moody rin e no babae lang ang peg.



Sumakay kami ng elevator at pinindot niya ang 26 floors. Seriously ganun kataas. Baka mahilo hilo ako neto. Takot pa naman ako sa heights. Naalala ko dito nung nalaglag ako sa puno ng mangga iyak ako ng iyak buti na lang nandian si ricky para patahanin ako. Simula nun di na ako umakyat ulit  sa kahit na anong puno.




"Sino yung mga lalaki doon sa tinitirhan mo?"- Cold niyang sabi. Teka nagseselos ba si sir o feeling ko lang.


"Ah mga pinsan ko sila anak nung auntie ko."- Bigla nagliwanag ang mukha nya.


"Okay, I'll go na may kelangan pa akong gawin. Text me if may problema ka dito okay.


Nakaalis na siya pero hindi pa rin matanggal ang ngiti sa labi ko.. aaminin ko crush ko na si sir. Wala naman siguro masama doon diba. Paghanga lang naman iyon. Sino ba naman ang hindi hahanga sa kakisigan niya bukod sa gwapo at mabait mayaman pa. Swerte talaga ng mapapangasawa niya. Hays! Bagay kaya kami? Erase, erase ano ba tong iniisip ko.

~~~

"Oy cess bat absent ka kahapon may naghahanap sayo dito."- Ani marie sino naman kaya naghahanap sakin. E wala pa naman akong mga kaibigan dito sa Q.c bukod kay marie.



"Sino daw ba?"- tanong ko. "Ang alam ko nandian ulit siya. Pasok ka sa loob ng office ni sir richard kanina pa yun nandito mukhang bet na bet ka e. Ganda mo talaga te. Pakurot nga hahaha".


"Ewan ko sayo marie nalipasan ka na naman ata ng gutom noh." - pang aasar ko sa kanya. "Ay grabe ka prinsesa ikaw na nga sinabihan ng maganda choosy ka pa chupi pumunta kana doon sa office ni sir."



Knock.knock



"Come in"



"Hi miss blue eyes napakaganda mo talaga, naalala mo pa ako?" - sa pag kaka alala ko siya lesbi na nasa party last month.

"Ah yes po may kailangan po ba kayo"- Masama ang tingin ni sir richard sa lesbi na ito kulang na lang ay suntukin niya na. Problema neto parang mens.


"By the way my name is Raf, naalala mo yung sabi ko na pwede ka maging model. May event kasi kami at wedding ang theme namin kaya naisip kita at bagay na bagay ka doon."- Pagpapaliwanag niya.



"Ay hindi po ako marunong sa ganyan sir pasensya na po".


"Pero madali lang naman tuturuan ka ng magiging manager mo, at sa pagkakaalam ko malaki ang makukuha mong pera sayang naman".- At doon niya na ako na papayag kailangan ko na talaga makaipon  para mapagamot ko na ang lolo ko


"Sige po sir raf"- pagpayag ko. "Yun sabi ko na papayag ka din sige eto ang calling card ko call me okay? para ma settle natin dahil nextweek na ang shoot. Sige Mr. Richard mauuna na ako maraming salamat din. Bye Sky."- Pag papa alam niya. Sky daw? Sino yun princess ang pangalan ko tss!




Paano kaya ako magpapa alam sa nakabusangot na mukha ni Sir Richard. 😭

Breath in...

Breath out...

Hoooo *_*


"Ah sir okay lang p-po b-ba?."- Shit bat nanginginig ako ang sama naman kasi makatingin nito.



"K"



O_O

Anuraw "K" lang. Boss naman wag kang ganyan lalo kita nagugustuhan kapag nagsusungit ka. Hehe Ano ba tong mga naiisip ko. Nakakahiya naman.


"Pero sasama ako"



O_O


Sasama ako...


Sasama ako...


Sasama ako...


Nag echo sa tenga ko ang sinabi niya teka sasama siya? Si sir richard? Ang boss namin? Ang gwapo at macho naming boss sasamahan ako.




OMG Ano na nangyayari sa world.


*_*





(I will update again later💕)
-Mariaprinsesita ♥️

Makita kang MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon