Kabanata 1

364 5 1
                                    



Maswerte ako dahil nakahanap agad ako ng trabaho, isa akong waitress sa isang exclusive super club dito sa Quezon City marahil eto lang ang kaya ko dahil hindi naman ako nakapagtapos ng pag aaral. Pero okay na rin eto makakapag ipon na rin ako kahit papano. Pansamantala akong nakikitira sa auntie ko kapatid ng nanay ko pero balak ko din mangupahan na lang kapag nakuha ko na ang unang sweldo ko.


"Princess pakibilisan naman ang kilos mo, ayaw ni sir ng babagal bagal dito at ingatan mo ang mga hawak mo at baka mabasag. Okay?."  Ani ng manager namin mababait naman sila dito medyo strict lang dahil masungit daw ang boss namin.


"Opo ma'am shane pasensya na po." Pagkatapos ko linisin ang table dumerecho ako ng kitchen para makakain na rin maaga kami pinapasok ni mam shane dahil may umupa sa bar na to tonight for Girls and Lesbian Bubble Party kung tawagin.


Sobrang daming tao ang pumunta halos mahilo na ako kakaikot at pabalik balik sa counter hindi pa kasi ako sanay pero alam ko makakaya ko din to. Sa probinsya nga mas mabibigat pa sa mga baso at alak na to ang bitbit ko.



"Hi miss can i get your number?." Sabi sakin nung lesbian na pinag serve-an ko ng Frozen Margarita.


"I'm sorry ma'am ayy este s-sir, bawal po kami mag bigay ng number empleyado lang po ako dito pasensya na po."


"Ganun ba sayang naman, gusto sana kitang gawing model napakaganda mo at w-wait tama ba blue eyes ang mata mo? Or lasing na ako." Sabi nya pa ng natatawa



"Ay opo sir blue eyes po ako, sige po mauuna na po ako baka kasi mapagalitan ako ng boss ko." Naglakad nako pabalik ng counter, hindi ko lubos maisip na maging isang model oo sabi nila maganda daw ako maputi, matangkad at blue ang mga mata ko na namana ko siguro sa tatay ko di ko alam kung American ba siya o ano hindi ko na kasi naitanong kay nanay.



"Princess uwe kana?." Sabi ni Marie co-waitress ko.


"Oo e, ikaw ba?." Sabi ko habang nag aayos ng mga gamit ko. Alas 3 na ng madaling araw at kakatapos lang Bubble Party at tapos na rin kami maglinis kaya pinayagan na kami umuwe.


"Mamaya na sama ka na muna samin ni marco dian lang sa may morato shot tayo kahit isang bucket lang ng rh. Sige na please." - Pagmamakaawa ni marie.


"Pero marie inaantok na kasi ako e at may gagawin pa ako bukas ng umaga hindi rin ako nainum, pasensya na. Maybe next time. Promise." -Sabi ko kay marie bigla namang nalungkot ang mukha nya. Ang totoo kasi nyan baka malasing ako kaya ayoko talaga sumama.



Pagkadating ko sa bahay ng auntie ko nakatulog agad ako marahil sa sobrang pagod. Kinabukasan naghanap muna ako ng bed space para makalipat na ako at pagkatapos derecho na ako sa trabaho alas 6 pa naman ang call time namin kaya mahaba pa ang oras ko.


Halos malibot ko na ang buong Quezon City ay wala pa din akong makuha na mura na bed space kaya pumunta muna ako sa mall bago pumasok kumain muna ako ng kwek-kwek di ko na afford kumain sa resto dahil kulang na ang budget ko. Mga ilang oras din akong nag window shopping naghihintay mag 5:30 para makabyahe na ulit papapunta sa bar na pinag ta-trabahuan ko. Aminin ko medyo naiingit ako sa mga kababaihan na nakakasalubong ko na parang wala problema sa buhay pa shopping- shopping lang nabibili nila lahat ng gusto nila minsan unfair talaga ang buhay.


"Patay mag 6 pm na pala. Gosh bakit kasi pumunta pa ako dito strikto pa naman si mam shane pagdating sa oras ng pasok". -Dali dali akong lumabas ng mall at sumakay ng jeep.


Mabuti naman at walang traffic at hindi ako nalate kundi lagot ako neto kabago bago ko pa lang e. Dali dali akong nagbihis ng uniform namin pawis na pawis ako sa sobrang pagmamadali.



"Oy princess andian kana pala alam mo ba kakarating lang ni Sir Richard at ang gwapo gwapo talaga niya ang bango bango pa ang sarap sarap yakapin sabay i-kiss hahaha." -Natatawang kwento ni marie loka loka talaga to pati ang boss namin pinagpapantasyahan



"Guys can i have your attention pls. Our boss richard is already here at gusto niya kayo makita lahat so please be nice." -Ani ni mam shane kaya dali dali kaming pumunta sa harap ng office ni sir.




At wow 😯 Totoo nga ang sinabi ni marie ang gwapo ni sir richard, ay mali sobrang gwapo niya pala na halos malaglag na ang panga ko kaka titig sa kanya.

Ang gwapo

Ang macho

Mukhang mabango

Ano ba tong naiisip ko puro kahalayan, nakakahiya.


"Good evening sir." - Sabay sabay naming sabi.

"Sir richard eto nga pala si Marco, marie."- at pinakilala ang iba at nahuli ako.

Di ko alam kung ako lang ba pero nahuli ko syang titig na titig sakin halos lumuwa ang puso ko sa kaba. Teka may nagawa ba akong mali at parang ang sama sama ng tingin sakin ni sir. Hindi ko alam kung galit o ano at napapansin na rin ito ng mga katrabaho ko. Napayuko na lang ako.



"Blue eyes" at napatingin ako sa kinauupuan ni sir "What is your name.?" - Tanong ni sir richard.


"P-princess Gu-guzman po"- Nanginginig kong sabi.



At tumingin lang sya sakin sabay tayo at pasok ulit sa office niya. At napatingin na lang silang lahat sa kin. What the? Anong nangyayari?




Please Comment and Vote💕
Labyou Guys♥️
I will Update again Later💗

Makita kang MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon