Kabanata 3

206 4 2
                                    


Hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan kung sino ang nagpadala ng bulaklak na yun. At hanggang ngayon patuloy pa rin siya sa pag papadala. Minsan iniisip ko si Ricky kaya yun? Pero imposible na makilala niya pa ako 13 years na ang nakakalipas simula ng magkita kami kaya imposible na siya yun.




"Alam mo cess sa tingin ko si Sir Richard na yang nagpapadala ng flowers sayo".- Kakarating lang ni marie at puro pang aasar na naman ang nakuha ko sa kanya.




"Paano mo naman nasabi marie, wag ka nga napaka imposible mangyari nun."



"Talaga e tignan mo nga kung makatitig sayo parang mawawala ka kapag kumurap siya. Pag ibig na ituuuuuu."- kinikilig na sabi ni marie. At tama nga siya titig na titig nga sakin si sir, pakiramdam ko sobrang namumula na ako kaya nag banyo muna ako.





Hindi masyadong marami ang costumer ngayon kasi monday kaya hindi ako masyado napagod hinihintay ko nalang mag 3am para makauwe na. Pero bago yun pupunta muna ako kay mam shane kelangan ko mag paalam na hindi ako makakapasok bukas kasi kelangan ko na makalipat. Hindi kasi ako makatulog ng maayos sa bahay nila auntie maingay kasi sila kuya jerome at jayson palagi silang nag aagawan sa computer kaya halos wala akong tulog.





Knock, knock




"Come in"



"Ahm sir, wala po pala si mam shane. Magpapaalam po kasi sana ako na baka di ako makapasok bukas. Kung okay lang po ba?"- Cross fingers huhu sana pumayag si sir.




"Why is there any problem? common tell me"- Tinuro nya ang upuan at naupo ako. "Ah wala naman po maghahanap po kasi ako ng bed space bukas kasi nakakahiya po sa auntie ko at nakikisiksik po ako sakanila baka po kasi abutin ako ng gabi at derecho maglilipat na rin po ako."





"If you want doon ka na lang sa condo ko tumira, one ride lang."- Ano raw? Sa condo niya? Naku naku hindi pwede ni minsan di ko maisip na may makasama sa iisang bubong na hindi ko kamag anak or asawa?! Namumula ako di ako makasagot hanggat sa pinitik nya ang noo ko.





"Ano iniisip mo? Wala akong balak gawin sayo okay? Minsan lang ako umuwe sa condo ko dahil mas feel ko sa bahay namin kaya sayang naman at walang nakatira. Masyado kang malisyosa."- sabay pitik nya ulit sa noo ko.




Oo na, ako na malisyosa.




"Pero sir nakakahiya naman po e tsaka di mo pa naman ako kilala malay mo magnanakaw pala ako at kunin ko mga gamit mo diba? Diba? Tsaka may pang upa naman po ako."- Pangungumbinse ko saknya.





"No. I insist. That's final. And I trust you princess, I.Trust.You".




"Pero sir---




"No buts, tomorrow I will help you pack your things."  Final niyang sabi.



"Pero sir nakakahiya kasi baka isipin ng mga ktrabaho ko e nilandi ko kayo".




"Then wag mo sabihin sa kanila."- Sabi niya "Pero sir---"- putol niya ulit sa sasabihin ko.



"I.Said.No.Buts."- Hayss mukhang wala talaga akong kawala.




"Okay sir nakakahiya man pero sige po.




"Okay leave your numbers, and I'll call you tomorrow."- Sabi niya habang may tina-type sa loptop niya. Pagkatapos kung iwan ang number ko ay umuwe na ako.




Tama ba desisyon ko? Pero mukhang mabait naman si sir. Siguro eto na rin yung way para mas malaki ang maipon ko para sa pag papa opera sa mata ng lolo ko. Lord kung ito na yun. Maraming salamat po, maraming salamat Panginoon..



Sana makaipon pa ako ng mas malaki para makauwe na rin si mama sobrang miss ko na siya.




Saktong pagbukas ko ng bahay nila auntie ng may nagtext sa phone ko. Sa susunod na sweldo bibili na tala ako ng phone 3310 pa kasi ang model nitong phone ko. Ganun ako ka poor.





"See you later, princess."

-Your boss


Nahuli ko na lang na nakangiti ako. Shems bat kinikilig ako. Tandaan mo princess boss mo yun. Sadyang mabait lang talaga siya. Walang malisya okay walang malisya. Kumbinse ko sa sarili ko. Nagreply ako sa text niya.





"See you later din po. Pahinga kana"





OMG ang bilis mag reply!





"Yes i will"




SHEMAY! Kinikilig ako!








Thank you po sa mga nagbabasa.😍
Tomorrow na lang po ulit ako mag a-update.

-Mariaprinsesita 💕

Makita kang MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon