Kabanata 5

341 5 4
                                    



Ngayon na ang shoot namin para sa wedding theme na i co-cover ng isang magazine sobrang kinakabahan ako hindi ko alam na sa magazine pala. Akala ko sa kung anong puchu-puchu na newspaper or whatsoever pero magazine. Hell! Parang gusto ko umatras isang Angel Locsin ang nababagay dito.

"Princess punta ka na sa dressing room, magsisimula na ang photoshoot within 1 hour." - Sabi ni raf siya pala ang photographer kaya pala last time may nakasabit na DSLR sa leeg niya.


"Okay po".

Sumama pati sa loob ng dressing room si sir richard di ko talaga anong trip ng tao na to. Kahit boring na boring na siya wala siyang pake buntot lang ng buntot sakin. Minsan iniisip ko may gusto na to sakin e. O baka feeling ko lang! Gusto ko na nga siya kausapin kung may problema ba o ano? Or kung bakit niya ako tinutulungan kasi parang nakakailang na din. Kaso pano ko sisimulan magtanong e parang laging biyernes santo ang mukha simula nung pumayag ako sa photo shoot na to.


"Okay Princess and Seve position na magsisimula na tayo in 5 mins"- Sabi ni sir raf



Pumunta na kami sa mini stage na may nakatayong malaking heart shape na may nakapalibot na mga roses. Maraming tao na nakatingin at nakakasilaw ang mga ilaw. Ngiting pilyo naman ang ibinigay sakin ni seve na gwapong gwapo sa suot niyang tux. Hindi ko na lang siya pinansin.


"Okay position seve yumakap ka sa bewang ni princess at ikaw princess tumingin ka sa mga mata ni seve na parang siya na ang love of your life, okay good"


Click


Click


Click


Nakailang pose kami ni seve at nangangalay na ako so far okay naman daw ang kinalabasan kasi nag thums up sakin se raf.

"Okay last na seve kiss her, okay position."


At saktong pagkasabi ni raf ay biglang may tumilapon na upuan sa likod at kinakaladkad na ako ni sir richard papunta sa kotse niya.


"Fuck him"- Pagsasalita niya



"Sir may problema po ba!"



"Manhid ka ba? Ikaw ang problema ko. Papayag ka halikan ng manyak na yun ni hindi mo nga manlang kilala yun"- Pulang pula ang mukha niya sa galit at ang bilis ng pagmamaneho niya. Natatakot nako ngayon ko lang siya nakitanf magalit ng ganto.




"Sir dahan dahan lang po baka ma aksidente tayo." - pero hindi niya ako pinansin. Lumiko kami sa isang Exclusive subdivision at bumaba kami sa napakalaking bahay at binigay niya sa guard ang susi ng kotse.




Eto ba ang bahay nila, napakalaki naman. Sa TV ko lang nakikita ang mga gantong kalaki na bahay pero eto ako ngayon nakapasok pa mismo.




"Ricky apo. It's nice to see you again. Akala ko di mo na ako papasyalan. Nagtatampo na talaga ako sayo."- Isang matandang babae ang sumalubong samin, ang ganda ganda niya kahit na mejo may katandaan na siya kitang kita pa rin ang class sa katawan nito. Pati ang pananamit at ang mga gintong alahas. Napa wow na lang ako.




"Sorry la. Kakauwe ko lang galing states and mejo naging busy din sa business ko."- And he kiss her on her cheek




Pero teka? Anong tawag ng lola niya? Ricky daw si sir richard? Paanong?--



"Maupo muna kayo, manang ikuha mo muna kami ng meryenda fresh orange juice pls." Utos ng matanda sa kasambahay




Hindi ako iniimik ni sir kahit tingin hindi man lang. Bakit niya pa kayo ako sinama dito nakakahiya kay sir raf at sa mga staff na bigla na lang ako umalis sa photoshoot.



"So apo siya ba ang kinukwento mo sakin dati pa, oo nga ano napakaganda ng mga mata niya. Mabuti at nagkita na kayo ulit." Sabi ng lola niya pero teka ano sinasabi ng lola niya e ngayon pa lang naman kami nagkita ni sir e.




Tumingin ako kay sir Richard na parang nagtatanong pero ang loko sinungitan lang ako.



"La, hindi niya ako malala."



"Ow! Kaya pala so iha alam mo ikaw yung kinuwento sakin dati ni ricky na batang nakilala niya sa bicol dati. At tama nga siya napakaganda mo. Pero teka hindi mo siya matandaan? At ikaw naman apo bakit hindi mo nalang sinabi." - Anuraw? Si ricky si sir richard.




"Ri-Ricky i-ikaw ya-n. O_O Shit kaya pala nung una pa lang naming pagkikita ang bilis niya naman ako marecognize e 13 years na ang nakalipas.



"Yes, incess ako to. Kelangan pa pala kita dalhin dito para maalala mo ako." Sa sobrang gulat ko sa mga narinig ko napahagulgol ako sa iyak at niyakap ko siya ng sobrang higpit.


"Ikaw nga yan ricky (sob) ika-w lang a-ang tumatawag sa-sakin ng incess huhu. Kaya pala ganyan ka kung mag alala sakin kasi ikaw si ricky. Ang daya mo bakit di mo agad sinabi huhuhu. Di kita nakilala kasi sobrang gwapo mo na ngayon." Iyak ako ng iyak habang pinaghahampas ko siya sa dibdib bwiset na to halos isang buwan ko na sya kilala ni hindi niya man lang sinabi na siya si ricky na nakilala ko noon. Pero tawa lang siya ng tawa habang nakayakap sakin. Bwiset na to!




"Hush baby, ang importante nagkita na ulit tayo"- Lalo akong naiyak sa sinabi niya. Di ko maisip na magkikita pa pala kami pero bakit ngayon lang. Ang tagal ko siya inantay.




"You two look good together, tama na muna ang iyakan mag meryenda muna tayo"- Sabi ng lola niya kumain muna kami at nagkwentuhan saktong 9pm na ay umalis na kami dahil inaantok na rin si lola Glorie, sabi ni sir richard ay ni ricky pala papasyal na lang daw ulit kami dito.



"Bye la. I'll promise papasyal ulit kami dito"


"Bye po lola glorie masaya po ako dahil nakilala ko kayo." - Nakayakap ko kay lola. "Me too iha, alagaan mo ang apo ko ha. Magiingat kayo palagi"




Naglalakad kami ni ricky ng sabay tapos bigla ko siyang niyakap ng sobrang higpit sobra pa sa sobra ang saya ko ng makita ko ulit siya.




"Nakakainis ka nakakainis ka talaga bakit di mo agad sinabi"- He chuckle



"Look im sorry, okay! Uwe na tayo sa condo ako matutulog ngayon para makapag usap tayo."- Tapos ki-niss niya ako sa noo. Shocks! This time kinikilig na talaga ako feeling ko pulang pula na ang mukha ko.



"You're blushing " Sabi niya. " E pinapakilig mo ako e kainis ka talaga." - sabay takip ko sa mukha ko.


" Haha common lets go wag muna ko titigan ng ganyan alam ko gwapo ako hahaha." - kanina lang nakabusangot tapos ngayon tatawa. Tsk!



Hinila niya na ako papunta sa kotse niya, masaya kaming naguusap binalikan namin lahat ng alaala nung mga bata pa kami. Destiny ba to o panaginip lang? Sana kung panaginip lang wag na muna ako magising. Pag ka park niya ng kotse niya ay umakyat na agad kami sa condo at nagkwentuhan magdamag. Sobrang saya ng araw na to. Na dadalhin ko hanggang sa  pagtulog ko.



"Goodnight my princess"- Sabi niya ng nakatitig sa mga mata ko.




"Goodnight ricky. So-sobrang saya ko"- Naiiyak pa rin ako sa sobrang saya.





Sana hindi to panaginip, o kung panaginip man ayoko na munang gumising...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Makita kang MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon