Chapter 1

59 0 0
                                    

AUTHORS NOTE:

Unang try ko gumawa ng story kaya alam ko, madaming pagkakamali to.

Hindi naman talaga ako writer. Napagtripan ko lang..

Basta imbento ko lang to.. :)

****

CHAPTER I

Pasukan nanaman. Tinatamad akong pumasok pero kailangan. Pagagalitan ako tyak ng parents ko pag di ako nag-aral. Papunta ako ngayon sa Carthville University. Dun ako nag-enroll dahil dun ako gusto pag-aralin ng parents ko.

                Ako nga pala si Joshua Michael Yu. Nagmula ako sa mayamang pamilya. Ang pamilya ko ang pangalawa sa pinakamayaman dito sa bansa. Pero hindi naman ako matapobre tulad ng ibang mayayaman.

                Pagpasok ko sa classroom, madami ng tao. Lahat sila may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Naupo ako sa bandang hulihan dahil doon may bakanteng upuan.

                Biglang may pumasok na professor. Nagpakilala sya. Sya daw si Mrs. Fontanilla. Then introduce ourselves daw.

                Nagsimula ng magpakilala yung babaeng nasa harap.

                “Goodmorning. I’m Czarina Herrera. My father is the CEO of MPW mining company.” Tapos ngumiti na nagmamayabang.

                “I’m Cherry Gomez. My father is the CFO of JMY hotels and restaurants.” Tapos ngumiti din sya na parang nagyayabang.

                Sumunod na din magpakilala yung iba kong classmates. Di na ko nakinig sa kanila dahil puro pagyayabang lang ang sinasabi nila. Halos lahat naman ng sinasabi nila under lang sa company namin. Yung iba hindi namin sakop pero tyak naman na mas mayaman kami dun dahil under lang din sila. Hindi ko nga din magets kung bakit kelangan pa sabihin trabaho ng magulang nila. Siguro para na rin magyabang.

                Nakinig na ako nung etong katabi kong babae na ang magsasalita.

                “Hi. I’m Mishka Pearl Woo. My father is a businessman.”

                Biglang nagtawanan lahat ng kaklase ko. Tapos nakarinig ako ng bulung bulungan na parang minamaliit nila pagkatao nitong katabi ko.  Wala man lang daw sigurong posisyon sa kumpanya ang ama nya at ordinaryong empleyado lamang. Wala naman masama dun. Nakakaawa tuloy sya. Pero yung katabi ko, wala naman syang violent reaction sa ginawa ng mga kaklase ko.

                Tumayo na ako para magpakilala.

                “Hi. I’m Joshua Michael Yu. My father is a businessman too.”

                Pinagtawanan din ako nung mga kaklase ko. Sinabi ko lang naman yun para damayan tong katabi ko. Nakakaawa kasi sya. Minamaliit sya ng mga kaklase ko.

***

Break time na. Nakita ko yung katabi ko na mag-isa lang. Parang nilalayuan sya ng iba kong classmates.

“Hi..” Sabi ko sa kanya.

Sinagot nya lang ako ng ngiti.

“Ako nga pala si Josh.”  Sabi ko sa kanya.

“Ako naman si Mishka. Ikaw yung katabi ko di ba?” Sabi nya sakin habang nakangiti pa din sya.

“Sabay na tayo kumain. Parang nilalayuan ata tayo ng classmates natin.” Alok ko sa kanya.

“Sige. Nakakatawa sila nuh?” Sabi nya sakin.

“Bakit?” tanong ko.

“Masyado silang mga arogante at mapanghusga.” Sabi nya.

“Oo tama ka. Tara kaen na tayo gutom na ko.”

                Kumain kami ng sabay ni Mishka. Napakasarap nyang kausap. Lagi syang nakangiti. Balewala lang sa kanya yung pagtawa at pagiwas sa kanya ng mga classmate namin.

                Di ko na naikwento sa kanya na ako ang tagapagmana ng JMY groups of company.  Para hindi na rin sya mailing sa akin.

>>>>to be continued..

My father is a businessmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon