Chapter 3

49 0 0
                                    

AUTHORS NOTE:

Hahahaha.. Sorry po.. Panget pa yung gawa ko.. newbie lang po sa pagsusulat eh..

Maraming salamat po.. :)

CHAPTER III

“I’m your savior Mish.” Binulong sakin ni Josh. Tapos ngumiti sya.

“Anong sinasabi mo?” sabi ko.  Anu kaya pinagsasabi ng tukmol nato.

“Niligtas kita kila Cherry kanina. Kung wala ako dun tyak baka kung ano na nagawa sayo nung dalawa na yun.”  Sabi ni Josh.

“So, Ano gusto mo palabasin?” Tanong ko sa kanya. Napansin kong ngumingiti sya.

“You owe me. Kaya kailangan mo bayaran yun.”  Nakangiti pa rin sya.

“Magkano ba?”  Kahit magkanu pa yun. Alam ko naman na kaya kong bayaran. Hehehe. Di ko na yun sinabi.

“Anong magkano? Ano dapat ang tanong mo. Samahan mo ko sa mall sa Saturday.” Sabi nya.

“Ano naman gagawin natin dun?” Ano kaya binabalak nya.

“Mall nga di ba. Magshoshopping tayo.”

Aba. Magshashopping daw may panshopping kaya sya? Siguro naman meron. Hindi naman mag-aaya yun kung wala. Masubukan nga.

“Pakainin mo din ako ng madami ha?” Tanong ko sa kanya.

Ngiti lang ang isinagot nya sakin.

Josh POV

Grabe naman ang sagot nya sakin. Pakainin ko daw sya ng madami. Mukhang matakaw tong babaeng to ah.

Di bale. Afford ko naman kahit gaano pa kadami yung kakainin nya.

Maaya na din sya manood ng movie pag nasa mall na kami.

Showing na ata yung hinihintay kong palabas eh.

Teka, bakit ko nga ba sya inaayang magmall?

Ang cute nya kasi.

Kung meron nga lang akong karapatang mamili ng magiging girlfriend ko, sya ang gusto ko.

Para kasing mabaet din sya.

Basta pag nakikita ko syang masaya, di ko mapigilan na ngumiti.

Sa ngayon crush ko sya. Oo crush ko nga.

At hanggang dun lang yun.

Ang parents ko kasi ang magdedecide ng magiging girlfriend ko.

Tyak kabilang yun sa 5 richest families.

Malabo naming mapili sya dahil ordinaryong empleyado lang ang magulang nya.

*************

Anu ba yan. Antagal naman dumating nung babae na yun. Dapat pala sinundo ko na sya sa bahay nila.

“Josh, kanina ka pa?”  Sa wakas nagpakita na din sya.

“Hindi kadarating ko lang din. Ano akala mo sakin exited?”

Natawa sya bigla. May mali ba sa sinabi ko?

Mishka POV

Mukhang kanina pa sya naghihintay at naiinip na tapos sasabihin nya kadarating lang din nya.

Natawa nalang ako sa sinagot nya sakin.

“Tara na. Pakainin mo ko. Nagugutom na ko eh.”   Sabi ko sa kanya.

“San mo ba gusto?” Aba mukhang pinagipunan ang date namin. Teka date nga ba to? Di ko manlang naitanong sa kanya.

“Dun tayo sa Sashimix. Eat all you can ang gusto ko kainan. Matakaw ako eh.”  Hahahaha.. Hindi naman talaga ako matakaw pero gusto ko lang subukan kung afford ba nya ang 15,000 per head na food.

“Tara na.” Sabi nya.

Nakakaguilty naman. Baka maubos nya allowance nya dahil dito.

Hindi pa naman ata ganung kayaman ang family nya.

Nagulat naman ako ng bigla nya kong inakbayan.

“Uy ano yan.” Sabi ko sa kanya.

“Wala naman masamang akbayan ka di ba? Magkaibigan naman tayo.” Sabi nya na nakangiti.

“Hoy. Hindi mo ko girlfriend para akbayan mo ko.” Sabi ko sa kanya.

“Bakit? Gusto mo ba maging girlfriend ko?” Sabi nya. Nakakagulat naman tong sagot nya sakin.

Oo cute sya. As in cute talaga.

Yung totoo, gusto ko maging boyfriend sya. Hahahaha

Tulad nya yung mga tipo ko eh. J

Pero wag naman ngayon. Halos kakikilala pa lang naming dalawa.

Tyaka hindi rin pwede.

Masasaktan ko lang sya. Pag dumating na yung time na ipapakilala na sakin ng parents ko ang napili nilang lalaki para sakin.

Nagkaroon naman na ako ng boyfriend noon, pero tyak naman na papayag yung mga magulang ko sa kanya.

Member sya ng 5 richest families.

Kaya walang duda na papayag sila.

Nasaan na kaya sya ngayon.

Teka. Bakit ko ba iniisip yung lalaki na yun. Pagkatapos nya ko iiwan iisipin ko pa sya ngayon.

“Huy Mish. Bakit natulala ka? Gusto mo maging girlfriend ko nuh?”

>>>to be continued..

My father is a businessmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon