CHAPTER 2

34 0 0
                                    

Sorry kung medyo fail talaga yung gawa ko.. :)

*******************************

CHAPTER 2

Mishka POV

Nakakatuwa tong lalaking kausap ko. Hindi ko alam kung bakit nya ko kinakausap.

Di ko nga rin alam kung bakit gaya-gaya sya ng style eh.

Ginaya nya ko kung paano ko magpakilala kanina.

“My father is a businessman too” daw..

Napaka gaya-gaya.. Hehehe

Nakakatawa yung mga reaction ng classmates ko kanina nung nagpakilala ako. Masyadong mga panlalait ang natanggap ko. Wala naman masama sa sinabi ko.

Madaming business ang parents ko kaya sinabi kong businessman father ko. Tama naman ako di ba?

Masyado kasing mahaba kung eenumerate ko kung ilang companies president ang dad ko.

Basta ang alam ko, walang masama sa sinabi ko.

Tyaka. Anu naman kung ordinary worker lang? Wala din naman masama dun di ba..

Magpapakilala na muna ako.

Ako si Mishka Pearl Woo.  Ang family ko ang pinakamayaman dito sa bansa. Ang MPW groups of companies ay pagmamay-ari namin.

Mayroong 5 pamilya na kinikilala ditto sa bansa namin.

Una ang aming pamilya gaya nga ng nasabi ko.

Pangalawa naman yung may-ari ng JMY groups of companies.

Pangatlo naman yung may-ari ng RTL groups of companies.

Pang-apat at panlima yung RML at HPS groups of companies. Halos pantay lang kasi yung dalawa eh.

Yung limang pamilya lang ang nagcocontrol ng business dito sa bansa. May kanya kanyang industries kaya walang competition.

Magkakaibigan naman ang Woo, Yu, Lee, Liu at So family.

Pero ako, hindi ko pa namimeet yung members ng iba. Mga parents  lang namin ang madalas magkita sa mga social gatherings.

Si Rui Travis Lee pa lang ang nameet kong member ng ibang family. 

***

Naglalakad ako sa corridor ng aming university ng Makita ko si Josh na kumakaway sakin.

“Goodmorning Mish”. Sabi ni Josh.

“Mish ka jan. Mishka pangalan ko.”  Sabi ko.

“Yun gusto ko itawag. Wag ka na umangal. Tara na sa room. Kanina pa kita hinihintay.” Sabi naman nya.

“Hinintay mo ko? Bakit?” Tanong ko sa kanya.

“Kasi gusto kitang kasabay.” Tapos nagsmile sya.

Pakiramdam ko may mali kaya nya ko hinintay. Naaawa ata sya sakin dahil pinagtatawanan ako ng mga classmates ko. Wala naman ako pakielam sa mga yun eh. Para silang mga tanga na pinagtitripan ako.  Natatawa nalang din naman ako sa kanila eh.

Subukan lang nilang may masamang gawin sakin, makikita nila kung ano kaya kong gawin.

Di ko na muna sa kanila sasabihing samin ang MPW groups of companies.

Hayaan ko nalang muna na isipin nila kung ano ang gusto nilang isipin.

Tyaka ayoko na munang sabihin para na rin may karamay si Josh na tinutukso ng mga classmates ko.

Sya pa naman ang unang kaibigan ko dito sa school.

Tyaka mukhang mabait sya.

***

“Look who’s here.” Sabi nung isang classmate ko na babae.

“Ang kapal naman ng mukha nyong pumasok sa school namin.” Sabi naman nung isang babaeng kasama nya.

“Tara na dun Mish.” Sabi sakin ni Josh.

Dumeretso na kami sa paglalakad ng biglang hinablot nung isang babae yung kamay ko.

“How dare you na talikuran ako.” Sabi nya.

“Kayong mahihirap, hindi kayo nararapat sa school namin.” Sabi nanaman nung isa.

Huminga ko ng malalim.

“Sino ba kayo?” sabi ko.

“ I’m Czarina Herrera. My father is the CEO of MPW mining company.” Tapos ngumiti na nagmamayabang.

“I’m Cherry Gomez. My father is the CFO of JMY hotels and restaurants.” Tapos ngumiti din sya na parang nagyayabang.

“Ahh. Okay nice meeting you.” Sabin ni Josh. Tapos hinila nya na ko sa upuan namin.

“Ang cute mo sana Josh. Kaya lang masyado kang mahirap para saming dalawa.” Sabin i Cherry.

“Ikaw naman babaeng mahirap, sa susunod wag na wag mo kong tatalikuran pag kinakausap kita. Pasalamat ka nalang kasama mo si Josh. Next time di ka na makakaligtas.”

Bigla ng pumasok sa room namin yung teacher namin kaya natahimik na din yung dalawang maldita.

Napansin ko naming ngingiti ngiti lang si Josh. Tuwang tuwa ata na nasabihan syang cute.

“I’m your savior Mish.” Binulong sakin ni Josh. Tapos ngumiti sya.

>>>to be continued..

My father is a businessmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon