CHAPTER 4
“Gutom na ko. Wag ng kung ano-ano sinasabi mo.” Sabi ni Mishka.
“Eh bakit parang nagbablush ka?” Tyaka ngumiti si Josh ng mapangasar.
Hindi na sumagot pa si Mishka dahil pakiramdam nya talaga ay nagblush nga sya.
Kung ano-ano kasi ang naiisip nya.
Kahit sandal pa lang silang magkakilala ni Josh, magaang na agad ang loob nya dito. Dahil na din siguro silang dalawa lagi ang makasama sa school.
Hindi na nangulit pa si Josh na tungkol sa napagusapan nila.
Kumaen sila, Nanood ng sine at naglaro sa arcade.
Masayang umuwi ang dalawa.
****************
Dumating na si Mishka sa school nila ngunit wala pa si Josh. Napag-usapan nila na sabay sila papasok ng school at hihintayin ni Josh si Mishka sa gate ng school nila.
Nagtaxi lang si Mishka. Ayaw nyang magpahatid sa driver nila dahil gusto nya muna panindigan ang sinasabi ng mga kaklase nya.
Kahit kasi nakakaasar ang mga sinasabi tungkol sa kanya, natatawa pa rin sya tuwing naaalala ang mga ito.
“Nasan na kaya yung Josh na yun? Sabi nya sakin hihintayin nya daw ako dito sa labas. Makapasok na nga sa loob. Nakakabadtrip sya. Ayoko syang hintayin.”
“Mag-isa ata ang pulubi ngayon.” Sabi ni Cherry sa kanya.
Lumapit si Cherry sa kanya kasama ng pinsan nitong si Apple.
“Eh, ano naman sayo?” Pabalang na sagot ni Mishka kay Cherry.
“Sino ba yan?” Tanong ni Apple sa pinsan nya.
“Isang ambisyosang babae na nagpupumilit makihalubilo sa ating mayayaman. Di ko nga alam kung paano nakapasok dito sa school natin yan. Mahirap lang naman sya.” Sagot naman ni Cherry.
Tiningnan ni Apple si Mishka mula ulo hanggang paa. Tyaka sya biglang tumawa.
“Ano ba problema nyo?” Tanong ni Mishka sa kanila.
Nagbulungan ang dalawang magpinsan.
Aalis na sana si Mishka ng biglang hilahin ni Apple ang buhok nya.
“Ang ayoko sa lahat tinatalikuran ako pag kinakausap ko.”
Pagkatapos ay inagaw ni Apple kay Cherry ang dala dala nitong lemonade at ibinuhos ito kay Mishka.
Napatingin si Mishka sa damit nya dahil sobrang basa na nito.
“Tigilan nyo sya.” Biglang may babaeng lumapit sa kanila.
“Ayos ka lang ba?” Tanong ng babae kay Mishka.
Tumango naman si Mishka.
Umalis nalang si Cherry at Apple.
“Ako nga pala si Rhea, kaklase mo din ako. Wag ka mag-alala, hindi ako katulad nila. Sana maging magkaibigan tayo.”
Ngumiti naman si Mishka sa kanya. Hindi nya kasi alam kung ano ang isasagot nya.
“Tara sa locker room, may extra uniform ako dun. Papahiram ko muna sayo.” Sabi ni Rhea sa kanya.
“Salamat.” Sagot naman ni Mishka.
Nagpunta na ang dalawa papunta sa locker room ng may nakasalubong silang lalaki.
Napatigil si Rhea sa paglalakad.
“Mishka, eto nga pala si Harold. Boyfriend ko.”
“Hi.” Tapos ngumiti si Mishka sa kanya.
“Anong nangyari? Bakit nagkaganyan damit mo?” tanong ni Harold sa kanya.
“Napagtripan sya nila Cherry. Punta na muna kami sa locker room. Balikan nalang kita ditto ha. ” Sagot ni Rhea kay Harold.
Nakapagpalit nan g damit si Mishka. Nagpaalam na si Rhea sa kanya dahil pupuntahan na nito ang boyfriend nya.
Kinuha naman ni Mishka ang cellphone nya at tumingin kung mayroong ibang tao sa paligid.
Ring.. Ring.. Ring..
“Hello, Mr. M., pwede po bang alamin nyo kung ano family background ni Apple. Dito po sya nag-aaral sa school. Hindi ko alam surname nya. Basta ang alam ko, mayroon syang pinsan na si Cherry Gomez.”
>>> to be continued..