Chapter 5
“Hello, Mr. M., pwedepo bang alamin nyo kung ano family background ni Apple. Dito po sya nag-aaral sa school. Hindi ko alam surname nya. Basta ang alam ko, mayroon syang pinsan na si Cherry Gomez.”
“Inform ko po kayo Mistresspag nalaman ko na yung family background nya.” Sabi ng kausap nya sa kabilang linya.
Ngumiti si Mishka at hinung-up ang cellphone nya.
“Mish! Mish!”
Lumingon si Mishka sa pinanggagalingan ng tawag at nakita nya roonsi Josh.
“Oh. Bakit?”Paangil na sagot ni Mishka dahil naaasar sya dahil hindi nya nadatnansi Josh na hinihintay sya.
“Sorry nalate ako.” Sabi naman ni Josh sa kanya habang inaabot ang isang bouquet ng white roses.
Napangiti naman si Mishka nang Makita nya ang mga iyon.Pero hindi nya pa rin inabot ang mga ito.
“Anong gagawin ko jan?” Tanong ni Mishka kay Josh.
“Ha? Ah.. Eh..” Di malaman ni Josh ang isasagot nya. Ang buong akala nya kasi ay matutuwa si Mishka sa ibibigay nya. Iyon pa naman ang dahilan kaya sya nalate.
“Akala ko ba savior kita? Bakit wala ka kanina nung kailangan kita?” Sabi nalang ni Mishka kay Josh. Antotoo naman kasi nagpapakipot lang sya na tanggapin yung mga bulaklak.
“Bakit?? Ano bang nangyari?” Pag-aalalang tanong ni Josh.
“Binuhusan lang naman ako ng lemonade ng magaling na pinsan ni Cherry.” Sabi ni Mishka habang nagsisimulang maglakad.
“Teka. Hintayin mo ko. Sorry na. Hindi ko naman alam na mangyayari yun.Tanggapin mo na tong bigay ko. Kaya pa naman ako nalate dahil dito.”Sinasabi itoni Josh habang sinasabayan nyang maglakad si Mishka.
“Bakit naman?” tanong ni Mishka sa kanya.
“Hindi lang kasi basta basta bulaklak yan.Special yan.Dahil ako mismo ang pumitas nyan.” Sabi ni Josh.
Parang nagulat si Mishka sa kanyang nadinig. Hindi nya alam kung maniniwala sya dito.
“Mayroon kasi kaming taniman ng mga bulaklak. Madaming bulaklak dun. Gusto mo dalin kita don? “ Sabi ni Josh sa kanya.
“Bakit naman kayo meron non?” Pagtatakangt anong ni Mishka.
Biglang napaisip si Josh. Sasabihin na ba nya kay Mishka na sya ay member ng 5 richest families at pagmamay-ari nila ang lahat ng malalaking flower shops sa bansa. Isa kasi iyon sa mga business nila kaya mayroon silang mala paraisong hardin ng mga bulaklak.
“Maliit na hardin lang yon. Naging libangan lang ng mommy ko.” Pagsisinungaling nya.Naisip nya kasi na hindi pa nya dapat sabihin kay Mishka ang totoo. Ang nasa isip nya ay lalayuan sya nito kapag ipinagtapat nya ang totoo.
Inagaw na ni Mishka ang bulaklak kay Josh.
Nagpatuloy lang silang maglakad hanggang makarating sila ng room.
Nakita ni Mishka si Rhea at Harold sa loob ng room at napagtanto nya na classmate nya nga pala talaga ang dalawang yun.
Nginitian naman sya ni Rhea ng makita sya nito.
Pilit hinahanap ng mata nya si Cherry pero mukhang hindi ito pumasok sa klase nila. O baka naman nalate lang ito.
Nang makaupo na sila. Kinwento na nya kay Josh ang nangyari ng umagang yon. Pati ang pagkakakilala nya kay Rhea at Harold.
Natuwa naman si Josh dahil kahit papaano ay mayroon din palang mababaet na tao sa klase nila na handang tumulong sa nangangailangan.
Biglang nag-ingay ang klase at nagbubulungbulungan na medyo malakas naman kaya dinig nila.
Pinag-uusapan nito ang paglapit sa kanya ni Rhea. Kaya daw hindi pumasok si Cherry ay dahil napahiya ito.
“Josh, makinig ka sa pinag-uusapan nila pero wag kang papahalata.”Bulong ni Mishka kay Josh.
Tango lang ang isinagot sa kanya ni Josh.
Habang nakikinig sila ay napag-alaman na nila nasi Rhea at Harold pala ay nabibilang sa 5 richest families. Kaya tinitingala sila sa Carthville University na pag-aari nila Harold.
Nakita naman nila na biglang lumingon si Czarina at tiningnan sila ng masama ngunit hindi nalang nila ito pinansin.
Josh POV
Sila siguro yung sinasabing magboyfriend na member ng 5 richest family. Sa pagkakatanda ko sila ata yung pang 4 or 5 ata yun.
Buti nalang at mukhang mabait sila kay Mish. Ayokong may gawin silang hindi maganda sa kanya. Kundi mapipilitan akong gamitin ang superiority ko sa kanila. Ayoko pa naman munang ipagtapat kay Mish ang totoo.
Ang ikinababahala ko lang ay baka makalaban namin yung anak ng top 1 sa 5 richest family. Mahihirapan akong kalabanin sya.
Mishka POV
Kaya naman pala natakot si Cherry at Apple nung dumatingsi Rhea. Pero bakit ganon. Top 4 or 5 lang naman sya ah..
Hahahaha.. Hindi nga pala nila alam na ako ang unicaija ng Woo family.
Masaya naman ako sa ginagawa ko. Para kasing may thrill.
Bagong experience. Hindi kasi ako sanay na naaapi ako.
Lagi nalang lahat tako sakin at sinusunod lahat ng gusto ko.
Ayoko pang sabihin ang totoo dahil narin kay Josh. Alam kong mapoprotektahan ko sya pero baka mabago tingin nya sakin.
Tyaka gusto ko yung feeling na pinoprotektahan nya ko..
Ayy..teka kung anu-ano nanaman tong naiisip ko.
Bawal nga kasi Mishka na magustuhan sya.
Masasaktan mo lang sya. Kaya mabuti pang tigilan mo ang pagiilusyon na magiging kayo.
________
Nagulat si Mishka ng biglang tumunog ang cellphone nya.
Pagtingin nya ay tumatawagsi Mr. M sa kanya kaya dalidali na syang lumabas ng room.