Chapter 6

24 0 0
                                    

Chapter 6

Tumingin tingin muna si Mishka sa paligid bago nya sagutin ang tawag.

“Mistress, Yung pinapahanap nyo po kanina ay si Apple Dela Cruz. Manager po sila ng isang branch ng JMY restaurants kung saan naman CEO po ang father ni Cherry Gomez.” Sabi agad ng nasa kamilang linya.

“Mr. M, Could you please get that girl out of this school?” Sabi ni Mishka.

Umiral nanaman ang kasamaan nya. Ganoon talaga si Mishka, dahil nga lumaki syang nakukuha lahat ng gusto nya ayaw na ayaw nyang natatapakan ang pagkatao nya. Pero wala naman syang gagawing masama sayo kung wala ka naman ginagawang masama sa kanya.

Masarap sya maging kaibigan dahil mabait sya, pero napakahirap naman nya maging kaaway dahil lalabas ang kasamaan nya.

Kahit naman nageenjoy pa sya sa pang-aapi sa kanya ay napipikon din sya paminsan minsan. Naiisip nya kasi kalagayan ng mga taong mahihirap nga talaga. Kung maliitin at tapak tapakan lang ng ibang tao ay ganun ganun na lang.

“Yes Mistress.”  Sabi ni Mr. M.

Wala naman sya magagawa kundi sundin lang ang iuutos ni Mishka sa kanya.

Pagkatapos ay pumasok na  ng room si Mishka, sakto naman pagdating ng teacher nila kaya nagsimula na ang klase.

******************************

Tahimik na naghihintay si Josh sa tapat ng gate.

Hinihintay nya kasi si Mishka gaya ng napagusapan nila.

“Kanina ka pa jan?” Bati sa kanya ni Mishka na nakangiti.

Umiling si Josh bilang sagot.

Nagsimula na sila maglakad papasok ng school.

Habang naglalakad sila ay nakarinig na si Mishka ng bulung-bulungan na napatalsik na nga si Apple sa school nila.

Bahagya naman syang nangiti dahil doon pero hindi iyon napansin ni Josh.

“Josh, may problem ba?” tanong ni Mishka dahil hindi nya alam kung bakit napakatahimik ni Josh.

Umiling lang ulit ito kaya hindi na sya ulit nangahas na kausapin pa ulit ito.

Pagdating naman nila ng room ay nagbulung-bulungan na ang mga kaklase nila.

Masama ang tingin ni Cherry kay Mishka pero naglakad lang si Mishka na parang wala sya alam sa nangyayari.

“Goodmorning Mishka.” Bati sa kanya ni Rhea.

“Goodmorning din sagot naman nya rito.”

Tiningnan nanaman sya ng masama ni Cherry dahil dito.

Walang imik lang si Josh buong klase.

Josh POV

Hayyy.. Nalulungkot ako.

Ayokong kausapin si Mishka dahil baka masabi ko sa kanya ang problema ko.

Ayoko pang ipagtapat ang tunay na pagkatao ko.

At ngayon, dumating na ang problema.

Tinawagan na ko ng parents ko. Ipapakilala na daw ako sa mapapangasawa ko.

Bukas ng gabi ay magkikita kami sa isang branch ng restaurant namin.

Ayoko naman makilala yun.

Wala akong pakielam kahit gaano pa sya kaganda o kabait tulad ng sabi ng magulang ko na magugustuhan ko sya.

Isa lang ang babaeng maganda para sakin.

Etong babaeng katabi ko.

Kahit sandal pa lang kaming magkakilala ays obrang nahulog na loob ko sa kanya.

Paano ko ngayon ipagtatapat sa kanya ang totoo.

Ayokong lumayo sya sakin.

Natapos na ang klase ko na puro yun ang iniisip.

“Uy Josh, galit k aba sakin?” Tanong sa akin ni Mishka ng makalabas na lahat ng classmates namin sa room.

“Hindi.”

“Eh bakit ganyan ka? Hindi mo ko kinakausap. Dahil ba kahapon? Sa pagtanggi ko sa flowers mo?”

Nakita kong yumuko pa si Mishka. Pero wala pa rin akong imik. Hindi ko kasi talaga alam ang isasagot ko.

“Gusto ko naman talaga yon. Lalo na ng malaman ko na ikaw mismo pumitas ng mga iyon. Sa totoo lang, sayo pa lang ako nakatanggap ng bulaklak.”

Napangiti naman ako sa nadinig ko.

“Talaga? Sa ganda mong yan?” Tanong ko sa kanya.

“Hindi ako tumatanggap ng bulaklak. Dati may mga nagtangka na magbigay, pero ayoko.” Sagot nya.

“Dahil gusto ko yung flowers mo ang unang flowers na matatanggap ko.. Hahahaha.” Pabiro nyang sagot.

“Eh hindi mo pa naman ako kilala noon. Bakit nga?” Pangungulit ko sa kanya.

“Teka.. bakit nakaarrange yung flowers nung binigay mo sakin?” Pagiiba nya ng topic.

Hindi ko tuloy alam isasagot ko.

“Adi pinabalot ko sa flowershop. Wala naman masama dun di ba?” Pagsisinungaling ko. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kanya.

“Para san nga pala yung flowers? Nanliligaw ka ba?” Tanong nya sakin.

Gustong gusto ko sabihin na oo.

Pero hindi pwede.

Magkikita na kami nung babae nay un na hindi ko naman kilala.

Ano ba ang dapat kong isagot?

Haaay..

Nang biglang tumunog cp nya.

“Josh mauna na ko.” At nagmamadali ng tumakbo paalis si Mish.

Nainip ata sa tagal ng sagot ko.. Haaaaaay..

I really like you Mish. I like you so much..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My father is a businessmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon