CHAPTER 6

8 0 0
                                    

Meeting

Naging busy ang aking mga araw. Pero pumapasok parin ako ng maaga para lang masulyapan si Hua, pansin ko rin ang pagiging busy ng 4th year malapit na rin kasi matapos ang first sem. Kaya naman sandamakmak na ang ibinibigay na mga test at mga quiz. Nakaupo lamang ako ng tuwid sa bakanteng upuan dito sa labas ng silid, nag aaral ako para sa pagsusulit mamaya sa Science. Hindi ako ganun ka kampante sa grades ko pero nakikita ko naman ang improvement ko sa aking sarili, mas lalo akong naging pursigido sa pag-aaral, I dont know why. He likes smart girls? Well then, I am not. But I will do my best para umangat sa rankings namin.

Lumipas ang oras at nag ring na ang bell, uwian na nila kaya naman pumasok na ako sa silid para ipagpatuloy ang aking pag aaral.

" Nixia, goodluck sa test!" ani Rish. Habang ngumiti naman saakin si Ryll.

" Salamat, magiingat kayo sa paguwi." paalam ko sakanila.

Pinasadahan ko ng tingin ang silid, marami na ang aking kaklase kaya naman nasa labas na ang mga 4th year, kasama si Hua. Kasama nya ang mga kaibigan nyang lalaki habang nagtatawanan sila sa labas. Ngayon ko lang napansin ang kanyang new hairstyle, nagpa gupit siya. Mas malinis na ito tignan kesa noon, ngunit ganun pa man. Gwapo parin sya. Nagtama ang aming tingin, napaitlag ako ng kaunti at iniiwas ang aking mga mata. Mamaya ay makalimutan ko ang aking mga pinag aralan at sya ang maiisip sa buong pagsusulit.

Tumingin akong muli sa labas at nakitang wala na sila roon, Well atleast I can focus now. Kasabay ng kanilang pag alis ay ang pag dating ng aking mga kaklase. Mas lalong umingay sa loob ng silid, oh come on! Hindi ba sila mag aaral man lang para sa pagsusulit?

" Hey people, Can you please shut up. May nag aaral dito oh." Panimula ko. Nilaksan ko ng kaunti ang aking boses, karamihan ay tumigil ngunit nakarinig ako ng ingay sa harap kaya naman umirap ako at walang pakundaang lumingon.

" Wala ka bang narinig? I said shut up. May nag aaral, cant you see?" irita kong sabi.

" My bad, I dont know that you're studying." Bakas sa kanyang boses ang sarcasm.

" Now you know Tia, so shut your mouth or else." sabi ko habang nakangiti ngunit nagbabanta.

Umirap lamang sya sa kawalan at tumikhim naman ang kanyang mga kasama. That's what you get. Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating ang aming guro sa Science.

Nahirapan ako sa test namin sa Science, Hindi ko rin alam pero kapag dumating na ang midterms sa science Hindi ko alam ang isasagot ko. Pero kapag regular na klase naman ay nakakasagot ako sa mga recitation at activities. Naisip ko ang nangyari kanina, tsk kung tahimik lang siguro kanina edi nakapag review ako ng maayos. Bumuntong hininga na lamang ako.

Sa kabutihang palad wala ang teacher namin sa second subject kaya naman kanya kanya na kami ng ginagawa, tutal recess naman ang sunod.

" Uy mga babae andami palang pogi sa 4th year?" sabi ni Mars. Tignan mo 'to ang hilig sa pogi.

" Oo nga eh, gusto ko yung Jeremy ba yun? Gwapo, matangkad at balita ko matalino raw yun." dagdag ni Steph.

" Ikaw Nix? Sinong type mo this year?" tanong ni Mars na nagpalaki saking mga mata, sabihin ko ba sakanila?

" Huy babae! Ano na sinong gusto mo? Last year pa yung huli mong crush si Andrei" pangaasar ni Steph.

" W-well hmm wala naman akong napupusuan sa ngayon, nagfofocus ako sa pag-aaral." may pag iingat kong sinabi.

" Asus hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo Steph, ikaw pa nga nagsabi sakin na Just Go with the flow eh." ani Steph.

" Sinabi ko ba yun? hmm siguro nga pero wala talaga akong napupusuan." I lied. Hindi ko magawang sabihin, dati naman sakanila ko unang sinasabi ang mga lalaking nagugustuhan ko.. but Hua is different, I can't just spill my feelings.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon