CHAPTER 2

21 0 0
                                    


Too close.

*KRINGGGGGGGG

Nagising ako sa tunog ng aking alarm sa gilid ng aking kama. Panibagong araw nanaman. Isang Linggo na ang nakalipas simula nang magsimula ang klase. Mabilis na natapos ang pitong araw, ni Hindi ko man lang namalayan ang pagdaan nito. Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga ng mapansin ang oras. 11:30 na. Hindi man ako ganun kalate dahil ala una pa ang aking pasok ngunit, gusto kong pumasok ng maaga. Sa kadahilanang Hindi ko rin alam. Napasuklay ako sa aking buhok at dali daling dumeretcho sa banyo para maligo.

Nagmadali ako, dahil sa ganung oras ay dapat nasa paaralan na ako. Sinuot ko na ang unipormeng nakasabit sa pinto na pinlantsa pa ni mama kagabi. Hindi na ako kumain pa, nag paalam na lamang ako.

" Aalis na ako Ma." saad ko.

" Sige anak, nakuha mo ba iyong mga notebook mong naibalot sa itaas?" sabi nya.

" Oo Ma nakuha ko." saad ko sakanya.

Winagayway ko ang aking kamay at agad na lumabas ng aming bahay. Kinakailangan ko pang maglakad bago ako makarating sa sakayan, mga limang minuto rin ito na araw araw kong ginagawa. Hindi ko hilig ang pagkakaroon ng kasabay sa pagpasok dahil makikita ko rin naman sila mamaya. Nasa gitna ako ng paglalakad ng mapagtanto ko si Hua. Huli ko syang nakita noong Martes, noong ipinakilala sya saakin ni Risha. Napagtanto kong halos isang Linggo ko na rin pala syang hindi nakikita.Dahil dito mas lalo kong binilisan ang aking paglalakad dahil nakaramdam ako ng pag kaexcite sa pagpasok.

Pagdating na pagdating ko sa paaralan, dumeretcho agad ako sa aming silid sa ikatlong palapag nitong paaralan. Nang ako ay dumaan nakita ko na nagkaklase pa ang mga 4th year sa aming classroom. Binato ko ang aking mata sa loob. Lalaki ang nagtuturong guro sakanila. Inilibot ko ang aking mata at nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng aking puso nang nagtama ang aming tingin.

" Hua.." naibulong ko sa aking sarili.

Tinitigan nya lamang ako bilang tugon, nahihiya ako ngunit Hindi ko maalis ang aking tingin sa kanyang mapupungay na mata. Mayroon talagang kakaiba sakanya na Hindi ko maipaliwanag. Naalis lamang ang aking tingin sakanya ng biglaan nyang iniiwas ang kanyang mata at tumingin kung saan man. Nakahinga naman ako ng maluwag, ngunit napatanong ako saaking sarili.

" Ano ang problema nya?" sabi ko.

Hindi ko na lamang ito pinansin at umupo sa bakanteng upuan sa tapat ng silid. Kitang kita rito sa upuan ang kabuuan ng klase, dahil sa bintanang nakabukas. Hindi ako komportable saaking ginagawa, tinatapos ko ang aking assignment sa English ngunit hindi ko magawang mag focus. Ngayon ko na lamang ulit silang naabutan na nagkaklase. Nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa at Hindi ko na namalayan pa ang oras.

Lumabas na ang guro na nagtuturo sakanila kanina. Panibagong subject nanaman.

" Nix! " Tawag ng kung sino. Tumingin ako sa dereksyon kung saan nanggagaling boses. Si Risha pala.

" Risha! Ngayon na lamang kita ulit nakita." Bati ko sakanya na ngayon ay nasa harap ko na. Napansin kong kasama rin pala nya si Ryll ang isa pa naming kaibigan.

"Kamusta ka na" Saad nilang dalawa saakin.

" Mabuti naman, isang Linggo na ang nakalipas simula noong unang araw ng klase kaya naman tambak na ang gawain namin." sabi ko sakanila.

" Kami rin naman, tambak na rin ang aming gawain." ani Risha.

" Oo nga, Hindi ko nga alam kung ano ang uunahin ko." pag sang ayon ni Ryll.

" Oh bakit kayo nasa labas? Hindi ba mayroon pa kayong susunod na klase." pagiiba ko ng usapan.

" Wala raw ang teacher namin sa Science, kaya ganun." Ani ni Risha.

" Ganun ba, mabuti pa kayo."

Nagusap pa kami ng ilang minuto bago sila tuluyang pumasok na sa silid. Itutuloy ko na sana ang aking ginagawa ng nakita ko ang isang panyo sa sahig.

"Siguro ay kay Risha ito o Ryll." bulong ko sa aking sarili.

Pinulot ko ang panyo at agad na dumeretcho sa pinto ng classroom. Akmang bubuksan ko ang pinto ng biglang bumukas ito at saktong tumama sa aking mukha.

" Aray! Hindi ka ba marunong tumingin sa papas-" Pero bago ko pa ito matuloy, natigil na ako. Tumambad saakin si Hua, ang mapupungay at misteryoso nyang mga mata.

" Sorry, Hindi ko alam na may papasok pala." aniya.

Hindi ako agad nakapagsalita, gusto ko syang tarayan ngunit Hindi ko magawa. Ito nanaman ako tumitiklop, muli kong inalala ang nangyari at nakaramdam ng onting inis, ngunit hindi gaano.

"Ooo okay, Ahh basta." saad ko.

" Basta ano po?" sabi ni Hua.

Hindi ko alam kung nang aasar ba sya o nagiging magalang Hindi ko maintindihan ang kanyang pananalita, sa pagkakataong ito nagtaas na ako ng boses.

" Sa susunod tingin ka muna ah? At dahan dahan ka lang, para hindi ka nakakatama o nakakasakit." bulaslas ko na may halong pagka irita ang boses.

Akala ko ay maiinis sya dahil alam naman nyang hindi nya ito sadya ngunit ang tanging sinabi nya lang ay..

" Sige, sorry." At nilagpasan ako, agad syang naglakad palayo.

Tulala pa akong saglit ngunit natauhan naman ako at ibinigay kay Rish ang panyo, napagalaman kong hindi pala sakanila ito kundi sa kanilang kaklase.

Mabilis na dumaan ang oras, dumating na ang ala una, sinyales na uwian na nila at kami naman ang may klase. Onti pa lamang ang mga kaklase ko, kaya agad akong pumasok sa silid na may natitira pang onting mga 4th year kasama sya.

Si Hua.

Hindi ko na lamang ito pinansin at kinuha ang kaninang libro sa english na aking gamit para ilagay sa cabinet sa taas ng blackboard. Matangkad naman ako kaya kayang kaya ko itong abutin, akmang aalis na ako nang pagharap ko ay isang matangkad na lalaki ang sumalubong saakin, napasandal ako sa blackboard at napayuko. Ang bango, sobrang bango. Iniangat ng lalaki ang kanyang kamay na akmang may ilalagay din sa cabinet, muli ko syang inamoy. Nakakaadik ang kanyang pabango. Natigil na lamang ako ng ibinaba ng lalaki ang kanyang kamay at lumayo ng kaunti saakin, nagulat ako nang makita si Hua.

Walang lumabas na salita saaking labi, nabigla ako. Hindi ko akalaing may pagkakataon akong makalapit sakanya ng ganun. Tinignan nya lamang ako at agad na tumalikod para kunin ang kanyang bag palabas ng classroom.

" Uy Nix, ok ka lang?" Sigaw ni Steph. Hindi ko namalayan ang kanyang pagdating.

" Oo naman, ok lang." ani ko.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon