CHAPTER 5

7 0 0
                                    

Ingat

Kinakabahan ako sa magiging komento ng aking professor. Binigyan kami ng time para kumain pero hindi ako makakain.

" Uy Nix, kumain ka na!" untag ni Steph.

" Kayo nalang Steph, wala akong gana. Hindi ako nagugutom" ani ko.

" Sigurado ka?" tugon nyang muli.

Tinanguan ko lamang sya, sinong makakakain sa ganitong lagay. Ilang sandali pa at bumalik na ang mga mag kokomento, inuna si Corpuz. Sumunod si Ledesma, mayroon mang mga negative comments nanaig parin sakanila ang magagandang feedbacks. Its now my turn, hindi ako umaasa sa magaganda comments pero nanalig parin ako.

" Ms. Nixia Dela Peña hmmm" panimula ng aming professor habang hawak hawak pa ang kanyang baba. Mas lalo akong kinabahan, sana ay matapos na lang ito! Gusto ko nang kainin ako ng lupa. Na-iimagine ko ng hindi nya magugustuhan ang aking ni-report. Aba atleast ginawa ko ang aking best!

" I like your report, very good. You have the best report for today." Aniya sabay palakpak kasama ang iba pang mga nag komento.

" P-po?" pakurap kurap kong tanong.

" I like your report Ms. Dela Peña, especially your topic. May pinaghuhugutan ka ba?" medyo natatawa nyang tanong.

" Ah-eh wala naman po sir. Marami lang po talagang case na ganyan dito saatin kaya po naisip ko iyan. Isa pa, para naman po maging bukas ang isip ng mga guro sa kalagayan ng kanilang studtyante." pagsisinungaling ko. Oo Sir, nakakarelate ako kasi ganyan ang magulang ko! Untag ko sa aking isip.

" Thank you Ms. Dela Peña, dismiss." aniya sabay tayo.

Nakipagkamayan muna ako sa mga nagkomento at nagpasalamat, agad naman akong niyakap nila Steph at Mars.

" Ang galing mo roon Nixia!" tumatalon pa si Mars habang sinasabi ito.

" Oo nga Nix, napabilib mo kami roon." pag sang ayon naman ni Steph.

" Thank you guys, treat ko kayo bukas. Pagod na rin kasi ako." ngumit ako sakanila.

" Oo ba, sige bukas nalang Steph at Nix." Paalam ni Mars dahil may meeting ang kanilang club.

" Sige mauna na rin ako Nix ah." Kinawayan pa ako ni Steph bago siya umalis. Masaya ako ngayong araw. Ibabalita ko nalang ito kay mama, sya nalang ang magsasabi kay Papa. Hindi naman matutuwa iyon. Napa buntong hininga ako sa aking iniisip. Pumunta na lamang ako ng locker room at inilagay ang mga papeles na pinagaaralan ko kanina. Good bye stress! Paatras na sana ako ng maaninag ko si Hua. Hindi sa malayuan kundi sa harap ko. Malapit kami sa isa't isa ngunit hindi gaano. Come closer Hua. God, ano ba 'tong iniisip,ko?

" You did great in there." aniya habang dahang dahang pinatong ang kamay nya sa aking ulo. Hindi pa sya natinag at inilabas ang napaka gwapo nyang ngiti.

" Huh? Panong- " gulat kong tanong.

" I was there the whole time, watching you. " seryoso nyang sabi na nakatingin ng deretcho sa aking mga mata.

" A-Ahh Salamat." Nauutal kong untag habang umiinit pa ang aking pisnge. Nakakatunaw ang kanyang tingin.

" I like it when you're blushing, dang!" aniya sabay bitaw sa aking ulo. Tumalikod na sya at tuluyang naglakad palayo ng walang pasabi.

Wala na sya ngunit naghuhumentro pa rin ang aking puso, pati ang kamay ko ay nanginginig. What is that for?! Napasapo ako sa aking noo, mukhang hindi nanaman ako makakatulog ngayon. Darn Hua why do you have to be like that?

Hindi pa man tapos ang class hours, pinayagan na kaming umuwi. Pagod na rin ako kaya agaran akong tumungo sa bahay.

" Oh anak ang aga mo naman?" paunang bati ni Mama.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon