CHAPTER 3

18 0 0
                                    

Book Lovers Club

Friday ngayon, at kasalukuyang kaming naglalakad papunta sa gymnasium dahil magkakaroon ng ceremony ukol sa pagpili ng clubs. Gaya ng nakasanayan ko, si Steph at Mars ang aking kasabay sa pagpunta doon. Lahat ng studyante simula 1st year hanggang senior high school students ang kalahok sa nasabing seremonya. Nakaramdam ako ng onting saya dahil kasama ang 4th year students ibig sabihin ay andoon sya. Sa nakaraang araw nagawa kong aminin sa aking sarili na may onting paghanga ako kay Hua, oo onti. Sigurado naman ako sa aking sarili na hindi ako mahuhulog ng sobra dahil imposibleng magustuhan nya ako. Base sa aking obserbasyon, matalino sya at mataas ang standards nya sa mga babae. Maayos naman ako, may itsura. Katamtaman ang kulay ng balat, hindi ganun kahaba ang buhok pero may magagandang mata. Ayos na kung tutuusin, ngunit hindi ako ganun katalino hindi gaya nila Steph at Mars, I'm just an average student pero nakakahabol naman sa mga subjects ko. Hindi naman ako bago rito sa school ngunit aking napagtanto na ngayon ko lamang nakita si Hua, is it just because ngayon lang nagsama ang batch nila sa batch namin? Malapit lang ang bahay namin kela Rish kaya naman madalas ko silang makita. I wonder where is Hua's house.

" Ang lalim naman ata ng iniisip mo Nix?" tanong ni Steph.
" It's nothing Steph, it's just that hindi ako makapaniwalang matatapos na ang pangalawang Linggo ng klase." ani ko.
" Ganun ba, mabilis talaga ang oras Nix." saad nya

Hindi ko na sya sinagot, iginala ko ang aking mata. Napagtanto kong andito na kami sa gymnasium, marami narin ang mga studyante rito. Umupo kami sa pangalawang bench malapit sa stage, inilibot ko pa lalo ang aking mata at nakitang katapat namin ang mga 4th year students. Hinanap ko sina Rish at hindi naman ako nabigo, kumaway sila saakin bilang pagbati. Nahagilap ng aking mata si Hua na nakatitig lamang sa kawalan at mukhang may malalim na iniisip. I was about to look at the stage when he suddenly look at me. Kung minamalas nga naman, I uttered at the back of my mind. Tinaas nya ang isa nyang kilay at iniangat ang isang parte ng kanyang labi.

" Is he smiling? At me?!" nagtataka kong tanong sa aking sarili.
" Wait, ano Nix? Okay ka lang?" ani Steph.
" Uh yes, it's nothing Steph." I assured her.

Mukhang hindi sya nakuntento sa aking sagot ngunit hindi na lamang sya nagsalita. I looked back at Hua, expecting na hindi na sya nakatingin. But I was wrong, he is still looking. With a whole smile on his face. What is up with him? Hindi ko na ito napansin nang nagsimulang magsalita ang speaker ng program.

" Good morning students. I am Mr. Andrei Lopez, some of you already know my name but there are some students who just transfered here in our school."

I wonder if Hua is one of those students hmmm.

" So today, I am giving everyone the chance to pick their own clubs. The leaders of each clubs are already assigned. They are the students picked by their own teachers, they are the top students. ani Mr Lopez.

Ano kayang club ang kanyang sasalihan? Napagtanto ko.

" There are different clubs, I've already assigned them to make their own booths. That is where the registration takes place. And oh, afternoon shifts dont have a class for this day. They will just focus on the club that they will join. " Pahabol ni Mr. Lopez

Narinig ko naman ang hiyawan ng mga studyante nangibabaw ang boses ng mga lalaki sa buong gymnasium. Well, what do I expect? Boys are boys. Onti onti nang nag alisan ang mga tao sa gym, sumunod na rin kami sa kalaunan.

" Anong club mo Nix?" Tanong ni Mars at Steph.
" Hmmm Hindi ko pa alam, book lovers club is my first choice. How about you guys?" I asked them.
" Values Club akin." Ani Steph.
" Math Club naman ang akin" Ani Mars.

Dumeretcho na kami sa grounds kung saan nakapwesto ang mga booth. Maraming clubs ngayon kumpara noon. Andyan ang Book Lovers Club, Values Club, Math Club, Drama Club, Arts Club, Music Club, Dancing Club and so much more. Naghiwalay na kami ng landas at pumunta sa kanya kanya naming napupusuan na club. Luminga ako sa kanan at kaliwa, hinahanap ang Book Lovers Club. Hmmmmmm

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon