CHAPTER 7

14 0 0
                                    

Markahan

Napabalikwas ako sa higaan. 11 am na pala. Nagmadali akong maligo, Monday na ngayon. Hindi nakatakas ang utak ko sa mga nangyari noong Saturday. Na late pa ako ng gising kahapon kaya nahuli ako sa simbahan Mabilisan akong nag ayos at dumeretcho sa school. Pumunta ako sa locker para kunin ang P.E uniform namin dahil mag kakaroon kami ng volleyball league ngayon. Ayoko ng physical activities sa totoo lang, kung tutuusin mas gugustuhin ko ang mga indoor games kesa rito sa mga activities na kakailangang mag pagod.

" Bakit pa kasi kailangan mag P.E eh" naiirita kong untag sa kasama kong si Steph.

" Wala tayong magagawa ganun talaga."

Nagkibit balikat na lamang ako. Ang isport na lalaruin ngayon ay volleyball. I can do it, that's always been my sport since grade school. Naging varsity pa ako noon pero tumigil din dahil humirap nang pag sabayin ang pag aaral at paglalaro pag tungtong ko ng High School.

Dumating ako sa classroom at napansing lahat ng kaklase ko ay andooon na. Wala nang natirang 4th year. Asan si Hua? Tumingin ako sa relo at napagtantong ala una na pala. Umuwi na siguro iyon. Dumeretcho nalang ako sa loob at napansing ang aking mga kaklase na abala sa pag aayos. Physical Education ang una naming subject ngayon.

" Class get ready for today's activity. Please proceed to the open field immediately." Ani Sir Diaz.

Agad kaming nagtungo sa open field, doon ay naka set ang net na syang nagsisilbing divider ng bawat team. Kumalabog ang aking puso nang napagtantong andito ang iilang fourth year, naroon si Hua tumatawa kasama ang kanyang mga kaibigan. His eyes pierced in me, dumoble ang kaba sa aking dibdib. He's going to watch? Crap.

Anim na manlalaro lang ang makakapasok at dahil marunong ako sa ganitong bagay ay napasama ako. Si Kyle, Rachel, Bea, Anna, Jerome at ako ang magkakasama samantalang sa ibang grupo naman ay sina Danica, Mars, Tiffany, Miggy, Cecilia at Aubrey.

" Steph pwede bang ikaw na muna ang pumalit saakin?" tanong ko dahil hindi ko kakayaning maglaro na nakatingin sya. Thinking about me playing as Hua sat there silently watching me, That's hard!

" Ano ka ba Nix, alam mo namang hindi ako marunong maglaro ng volleyball. Ano bang meron? May sakit ka ba? Gusto mong sabihin ko kay Sir?"

Napangiwi ako sakanyang sinabi. Hindi pwedeng matigil ang laro dahil lamang saakin. Wala na akong magagawa, maglalaro ako sa ayaw at sa gusto ko. Pinasadahan ko muli ng tingin si Hua, nakahalukipkip sya at seryosong nakatingin sa aking gawi. Nandito palang ako sa gilid ay kinakabahan na ako papaano pa kaya kung nagsisimula na ang laro.

You need to freaking calm Nixia.

" Okay, yung mga hindi maglalaro pumunta muna roon sa bleachers. And as for the players mag warm up na kayo, we'll start in five minutes." Ani Mr. Diaz

At yun nga ang aking ginawa. Nakasuot ako ng jersey at ng black shorts pati na rin ng rubber shoes kaya mas komportable akong nakakagalaw. Nakatali rin ang buhok ko. Hindi ko maiwasang tumingin sa kanyang gawi at automatic na nagwala ang puso ko nang nakitang nakatingin si Hua saakin. He titled his head a bit at agarang tumingin saakin mula ulo hanggang paa, dumoble ang tibok ng aking puso. He's checking on me! For Pete's !

" Let's start, alam nyo na ang bawal sa larong ito. Be sport, pero syempre ang mananalo ay may dagdag na puntos sa kanyang grado. Maliwanag ba?" Ani Sir Diaz.

Tumango lamang ako ang iba ay sumigaw, papunta na kami sa aming pwesto and crap! Dadaan kami papunta sakanila. Get hold of yourself Nixia. Kumalabog ang aking puso nang lumakad sya papunta sa aming direksyon. Mali, saaking direksyon. Napaitlag ako at bahagyang tumigil sa paglalakad. Lumuhod sya saaking harapan. Dinungaw ko sya at nakitang seryoso niyang tinatali ang aking sintas. He did what?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon