#7 KING? HARI? 1ST PRINCE!?

771 44 2
                                    

"Gaga pumasok sya!"

"Papasok na uli syaaaaaaa!!!"

"Oh my G! Buo na uli ang Grandeur!"

"Kasama nila si King!"

"Kumpleto ang mga prince!"

"Ang Hot nya!"

"Nasa gate na daw sila!"

"Dali puntahan din natin! "

"Mag retouch muna tayes!"

"Dapat magaganda tayo sa paningin nila"

"Lalo na Kay King! Kyaaaaaah!!!"

Ilan palang yan sa nga nadidinig ko habang papunta sa classroom jusme! Ang aga aga lalandi landi tsk tsk tsk Aral muna bago landi uh! Kaya madami ang magulang na nag hihirap eh! Kasi imbes na mag aral aba! Luma landi na! (Tsk ano bang pake ko?)

Pero teka nga? Hung first day ko palang nadidinig Yang nga prinsipe prinsipe ek ek na yan! Tas may king king pa! Aba! Halos tatlong taon na ko dito nag aaral pero ni minsan di ko nadinig ang mga yan -_- ngayon lang tsk kakaintriga ha! Kinuha ko ang phone ko saka ko din kinuha ang earphone ko, Isinalpak ko na lang ang earphone ko sa tenga ko saka nag pamusic kesa naman madinig ko yung nga sinasabi nila hanggang sa mama rating ako sa classroom naka earphones padin ako pero syempre mahina na yung music baka kasi may masagap akong chismis sayang naman.

Di palang ako nakakahakbang papasok sa loob nang classroom at dinig na dining ko na yung barahan nila Hyper at Matapang. Pagka pasok ko sa classroom ay agad Kong nakita yung tatlo yung Matapang, Hyper at yung anghel teka? Himala wala ata si Abno? Umupo na lang ako sa upuan ko sa gilid sa bandang likod mas okay to ngayon may peaceful mas tahimik walang istorbo walang mamandin Saki-


"Good morning Zreyaaaaaa~"
Mali ako -_____-
Nakakabadtrip na tong si Author! Ang saya saya nya siguro habang pinapahirapsn ang araw araw ko tsk! Tinignan ko lang si Hyper na bumati sakin saka ko sya binati "Morning"


"Walang good sa morning kung ikaw ang babati sakanya"
Napatingin naman ako Kay atapang a tao, ano ba kasi pangalan neto? Xy? Basta Letter X simula name nya! Napatingin ako sakanya tsk hahahah natatawa na lang ako sa tuwing nag babangayan silang dalawa ni.... Ni.... Basta yung Hyper! Pero syempre sa utak ko lang ako tumatawa


"Good morning"
Napatingin naman ako dun sa anghel na babae, hanggang ngayon naiilang padin ako sakanya ang bait kasi nang dating nya tapos yung aura at galaw nya di maka basag pingan


"Hindi naman kasi talaga good ang morning nya pag binabati ko sya. Kasi Awesome ang morning nya! Bwahahahah"
Napailing nalang ako sa sinabi nya, feeling ko tuloy anytime tatangayin ako nang hanging dala nya. Nakita ko namang Napa tampal sa noo nya si Xy at si Anghel ayun tumatawa

Napatingin naman ako sakanila habang tumatawa tsk di ako sanay pag di sila kompleto  ̄ω ̄


"Si Curt pala? Asan yung babaeng yun?"
Napatingin naman ako Kay Xy na palinga-linga sa paligit mukang nahalata nya ding wala pa si Abno

"Hay nako ka chat ko sya kagabi sabi baka ma late daw sya pumasok ngayon kasi pag pupuyatan nyang panoodin daw yung ano na yun? One... One pie? One face?"
Sabi ni Hyper saka inisip kung ano yung pinanood at pinag puyatan ni Abno

"Tanga One Piece yun!"
Sabi ni Xy saka nya binatukan ni Hyper... Pfft ang sadista din netong a tapang a tao na to hahahah -_-


"Aray ah! Sorry naman! Malay ko ba kung ano yun basta sabi nya Animo daw yun"


Dark Dragon (The Nerd Gangster) -[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon