#34 Wannabe

232 11 0
                                    

"Ano to linggo linggo iba iba mga galos at sugat n'yo?"


Lunes na at syempre ang aga aga palang ay ang lakas na mambulabog ng boses ni Hailla at Curt na panay ang sermon kanila Monteverde at Thizah, halos tatlong araw na din kasi simula nung naging laban namin sa mga grupo ng manggagaya na yun, medyo gumaling naman na yung ibang mga galos nila pero hindi pa din talaga maikakaila yung mga sugat at ibang pasa nila na nasa muka kaya halatang halata unlike kay Scott na napuruhan nga pero tago naman dahil sa likod at balikat nya ang mga tama well wag lang mag kakamali na masagi yun dahil dama pa din yung sakit at hapdi dahil kahit pagaling na ang mga sugat ay medyo malalim pa din.


"Alam n'yo? Nag sasayang lang kayo ng laway kasi kahit anong panenermon man ang gawin nyo e wala namang balak sumagot mga yan" Xyl said while fixing her things inside her bag


"Agree" Fioona added, isa pa to eh kala mo hindi napuruhan if know tinakpan lang nya ng concealer ang mga kalmot sa muka n'ya kaya hindi halata advantage ng magaling sa make up.


"We can't force them to speak besides our teacher is heading off now and i heard she prepare a long quiz after the discussion" pag awat ni Jey habang hawak yung libro para sa subject namin mamaya.


Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na yung teacher namin and as Jey said earlier our instructor had a quick discussion about our topic saka sya nag pa-quiz.


Nag tuloy tuloy lang ang klase hanggang sa last subject na at sunod ay lunch pero mukang mapapasabak na naman ako sa matinding laban neto.


"After you transposed you add and then squared then blah blah blah~
Wala na akong naintindihan.


Bakit ba Math pa ang huli? Tapos ang lakas pa mag over time neto! Inaantok na ako.


"Miss Toribio"

Bigla naman akong napatayo nang bigla kong madinig na tinawag ako ng instructor namin.


"Yes ma'am"


"Solve this problem. Now"


Anak ng— ! Ano gagawin ko? Eh hindi ko nga maintindihan!



"Miss Toribio"
Tawag uli sa akin, tangina pano na to? Alangan namang mag solve ako eh hindi ko nga alam kung pano. Di ako umalis sa inuupuan ko.



"Sorry ma'am i don't know how to solve that problem" nakatungo kong sabi. Ano ine- expect n'yang gagawin ko? Pumunta dun sa harap tapos i solve yun? Eh hindi ko nga alam! Oo mataas ang grades ko at mga scores ko sa ibang subject pero itong subject na to talaga ang nag papahirao sa akin. Tapos ang sungit sungit pa ng nag tuturo!


"How come you don't know this? Your one of the best student in this class but this simple math equation—


"Could you shut up!?" Napaangat ako ng tingin nang madinig kong nag salita si King


"But—


"No more buts just let her take her seat and don't you ever shout at her again" Matalim na naka tingin ito sa instructor namin na ngayon ay medyo nanginginig na.


"S- sorry. Miss Toribio you can take your seat now" Minsan may silbi din talaga ang pagiging mayabang at maangas netong Hari eh. Pati teacher hindi maka angal tho masama pa din yun. Sanay naman na akong pinapagalitan lalo na sa subject na to. I'm really bad at this subject and pahirapan talaga ako maka pasa dito.


Nang matapos ang klase ay dumeretsyo na kaming cafeteria para mag lunch pero habang nasa kalagintaan kami ng pag kain ay umalis si King, pinapatawag daw kasi siya kaya umalis. Natapos kaming mag lunch ang mga ugok full force na pumuntang infirmary ipapagamot kasi yung iba pang sugat syempre sumama si Johan para daw samahan sila pero ang totoo ay para ipagamot din yung sa'kanya mas maganda nang nagagamot yun kesa napapabayaan habang kami namang mga babae ay pabalik na sanang Classroom nang nadaanan namin yung mini park ng school.

Dark Dragon (The Nerd Gangster) -[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon