#20 Impostor (1)

416 20 0
                                    

Maaga akong gumising para sumakay sana nang bus pero syempre tulad ng nangyare kahapon sumulpot uli itong si Uno sa bus station at syempre sumabay na din ako sakanya, mahirap na baka kung ano nanaman ang sasabihin nya at magkalat pa sya ng kahihiyan dun.

^_______^  <— King

=_______=  <— Ako

Ngiting ngiti ang gago habang naglalakad kami papunta sa room, para tuloy syang asong ulol.

"Akala ko ba hinahanap at hinahabol nya yun? E bat kasama nya padin yang nerd na yan?"

"Malay ko"

"Obviously rebound lang sya"

"Wag kayo maingay baka madinig tayo"

Ang aga aga palang chismis agad ang nadidinig ko. Di ko na lang pinansin dahil Malay ko ba sa mga chismis nila tsk. Nakarating kami sa classroom at mukang lahat sila busy sa mga phone nila, Umupo na ko sa upuan ko at ganun din si Uno na di padin maalis ang ngiti sa muka, na ulol na ata talaga.

"Kala ko pa naman type sya mukang rebound lang pala talaga lang sya"

"Pam-palipas oras"

"Kawawa naman"

Napa tingin uli ako sa mga kaklase kong busy padin sa mga kanya kanyang mga phone nila, na co- curious na ko ah! At dahil na a out of place ako kaka cellphone nila kinapa ko ang bulsa ko para ilabas na din ang phone ko— teka? Kinapa ko uli yung bulsa ko, Asan yung phon– tsk obviously di ko dala  -_-  Hinanap ko na lang sila Fioona, Xyl, Jey, Hailla at Curt kaso wala pa tsk bat ba kasi ang aga kong pumasok? Napansin ko naman si King na naka dukmo pero nakatitig padin sakin.

"Damn I won't get tired of looking at you."

Shit.

Napaiwas ako ng tingin sakanya at napatingin na lang sa bintanang katabi ko, di ko alam kung bakit pero parang uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi nya. Minsan nakakainis din pag ganitong mga nagsasalita sya ng kung ano ano e, idagdag mo pa na grabe sya kung tumitig— okay tama na zreya baka maadik kana sakanya.

"KING!"
Napatingin kaming lahat sa biglang sumigaw. Kung Hindi ako magkakamali ay isa sya sa mga prinsipe, yung maingay? Si Quatro ata to e yung crush kuno ni Curt.

"King urgent... "
Pagkasabing pagkasabi ni Quatro ay tumayo na din si King nag mura pa nga e, tsk problema nun? Napatingin na lang ako sa paligid ko bakit ba wala pa yung mga abnormal na yun? Path yung apat na mga bugok wala pa din.

"Uy aga natin ah!"
Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Hailla pala, nandito na pala sya kasama nya na din si Xyl.

"Morning~"
Bati ni Xyl saka humikap, di naman obvious na inaantok sya no?

"Yan kasi nood ka nang nood ng K-Drama at Anime!"
Sabi ni Hailla saka pinitik yung noon ni Xyl, napa aray naman si Xyl.

"Nahiya naman ako sayong inuumaga na kakabasa sa wattpad"

"At least di ako inaantok"

"Talaga lang ah?"

"Basta maganda padin akong gumigising no! Di gaya mo"

"So sinasabi mong panget akong gumigising ganun?"

At nag away na nga sila =___=
Mga ilang minuto lang din ay dumating na din si Curt kasama si Jey.. Uso ba mag kakasabay na pumapasok ngayon?

"Woah! Ang aga mo ata ngayon Zreya"
Napatitig naman ako kay Curt dahil sa sinabi nya. Napaka unusual ba talaga na maging maaga ako?

"Good morning"
Bati ni Jey, I nod and look at fioona's empty chair. Tsk asan na kaya ang babaeng yun?

Dark Dragon (The Nerd Gangster) -[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon