Chapter 29: Condo

2.2K 39 1
                                    

Chapter 29: Condo

Kylie's POV

"Ay ma'am naka block po yung bank account niyo." Sabi sa akin ng bank teller.

"What? Sinong nag block?" Tanong ko sa kaniya.

"Uhm, wait lang po ma'am ah." Sabi niya at may chineck siya sa computer.

"Mrs. Mendoza, po. Uhm, magulang niyo ma'am?"

Napasinghap nalang ako sa hangin nang maalala ko ang banta sakin ni mommy. Na i blo-block niya ang bank account ko kapag hindi ako umuwi doon sa America.

"Why?" Tanong sakin ni Brylle na nasa likuran ko.

"Blinock ni mommy yung bank account ko."

Bumagsak ang dalawang balikat ko.

"Hayy, paano na yan?" Nag aalala kong tanong sa sarili ko.

Kailangan ko na talagang umuwi ng America. Pero, nag da-dalawang isip ako. Baka kasi hindi na ako pabalikin dito sa Pilipinas kapag nandoon na ako. Saka, hindi rin ako makaalis kasi marami nanaman akong ma mi-missed sa school.

"Don't worry, Kylie. You have me." Napatingin ako kay Brylle nang nagsalita siya. Kumindat pa sakin ang loko.

"Anong you have me?" Tanong ko sa kaniya.

"You have me, I'll take care of your expenses. I'll take care of you." Sabi niya sa akin at pinalupot niya ang kamay niya sa kamay ko.

Nagsimula kaming maglakad palabas ng bangko. Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya.

"But not forever. Okay?"

"Why not? I see you as my future wife, Kylie. You? Do you see me as your future husband?' Tanong niya at tumingin siya ng bahagya sa akin.

Uminit naman ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Well, yeah." Nahihiyang sagot ko sa kaniya.

Bahagya niyang kinurot ang ilong ko at tumawa ng bahagya.

"You're so cute." Sabi niya habang natatawa pa.

Pumasok kami sa sa-sakyan niya.

"So, saan tayo pu-punta ngayon?" Tanong ko sa kaniya habang inaayos niya ang aking seatbelt. Kaya ko naman gawin 'to. Ayaw niya lang mag paawat.

"My condo?" Tanong niya habang siya'y nakangisi.

"Huh? Anong ga-gawin natin dun?"

"Secret." Nakakalokong sabi niya sa akin.

Pinalo ko ang balikat niya at humalakhak siya.

Tinarayan ko naman siya.

"Hahahaha. Kylie, I just want you to know me better by entering my precious condominium." Nakangiti niyang sabi sakin.

"Oo na." Sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

Nagsimula na siyang mag drive. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at pinalupot nanaman niya iyon sa kamay niya.

"Hey, nag dri-drive ka." Paalala ko sa kaniya at pilit kong inaalis ang kamay niya na nakapalupot sa kamay ko.

"Ano naman ngayon?" Cool niyang tanong sakin.

"Baka mapahamak tayo!"

Tumingin siya ng diretso sakin.

"You think, I will let that?" Pagkatanong niyang 'yon ay tumingin siya sa daanan.

"Especially I am with you." Sabi niya nang hindi nakatingin sakin.

Kinilig naman ako sa sinabi niya. Kanina pa siya ah? Ilang beses na niya akong pinapakilig ngayong araw.

"Oh? Bakit tumahimik ka?" Tanong niya at bahagya niya akong nilingon.

"Ewan ko sa'yo" yun na lamang ang nasabi ko. Wala na akong masabi, hindi ko na mapigilan ang kilig ko na kanina pa gustong sumabog.

"Kinikilig ka 'no?" Mapanuksong tanong niya sa akin.

"No." Matigas kong sagot sa kaniya.

"We? Are you sure?"

"OO, KINIKILIG AKO SAYO. OKAY KA NA?"

Pagkasigaw ko nun sa kaniya ay humalagpak siya ng tawa.

Napairap naman ako sa kaniya.

"Hey, take it easy. I love you, my Kylie."

"I love you too, my Brylle." Agad kong sagot sa kaniya tinignan ko siya at halos matawa ako nang biglang pumula ang pisngi niya.

Napailing nalang ako at hindi nagsalita.

Nang makarating kami sa condo niya ay agad siyang dumiretso sa kama at tumihaya. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya. Gosh, this is so awkward.

"Come here, Kylie." Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya iyon. Diniretso niya ang kaniyang braso para siguro 'yon ang maging unan ko.

Wala na akong ibang magawa pa kung hindi ang tumabi sa kaniya. Humiga ako sa kama at napasigaw ako nang bigla niya akong niyakap patagilid.

"Brylle!"

"What? Hahahaha." Inosenteng tanong niya sa akin. Sinulyapan ko siya. Nakapikit siya, ngunit nakangisi.

Hindi nalang ako nagsalita. Mga ilang segundo ang nakalipas nang siya na ang bumasag ng katahimikan.

"Kylie, who is better? Me or Derrick?"

Nagulat ako sa tanong niya.

"Brylle."

"Just answer it. Honest." Sinulyapan ko siya. Nakapikit pa rin siya.

Napabuntong hininga nalang ako at saka sumagot.

"You." Sagot ko.

"But why did you go back him?" Agad niyang tanong sa akin. Hindi ako nakapagsalita.

"You know, Kylie. The moment that you hurt me, that is the time I realize. That I really fall. I really fall for you. That I can do everything just for the girl that I love the most." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Akala ko ay galit siya.

Humarap ako sa kaniya. Bali magkaharap na kami ngayon sa isa't isa. Yakap yakap pa rin niya ako gamit ang kaniyang mga braso. Minulat niya ang mga mata niya na para bang naghi-hintay sa sa-sabihin ko.

"Thank you, Brylle and I'm sorry. Hindi pa malinaw kasi sa akin ang lahat nun. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang mahal ko. Hindi ko alam kung sino ba dapat ang pagkatiwalaan ko. Pinili ko siya noon, dahil a-aminin ko. Mayroon pa rin akong kaunting nararamdaman sa kaniya noon. Pero ang hindi ko alam. Mas mahal na pala kita. Bago dapat ako pu-punta ng America, kinagabihan nun ay doon ko lang napagtanto ang lahat. Pinagdugtong dugtong ko ang mga pangyayari, emosyon, at iba pa. At doon ko napagtanto, na mas mahal pala kita. Mahal na pala kita. At mas ma-mahalin pa kita ngayon."

Napangiti siya sa sinabi ko.

"I love you."

"How many times do you have to say that?" Pabiro kong tanong sa kaniya.

"A million times. For you to remind that you are the only woman in my life."

"Siguraduhin mo lang ah. Hindi mo ako ipagpapalit."

"Yep, of course."

"Eh sino 'yung babaeng kasama mo noon sa bar?" Tanong ko sa kaniya na nakanuot ang noo.

Agad siyang tumayo at nag inat.

"Kain na tayo." Sabi niya at tumakbo.

"Hey! Who is that?" Sigaw kong tanong sa kaniya at hinabol siya.

To be continued.

The 7 Steps to Move On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon