Chapter 7: Deep Talk

2.7K 49 2
                                    

Chapter 7: Deep Talk

Kylie's POV

Nandito na ako sa aking kwarto. Nakaupo ako sa kama at nakataas ang aking mga tuhod para dun ko ipatong ang aking ulo. Umiiyak nanaman ako.

Bakit ba kasi ang tanga tanga ko? Diba sinaktan na niya ako? Paulit ulit pa nga. Pero, bakit sa tuwing tinatawag niya ako lagi ko siyang pinupuntahan? Bakit lagi nalang ako naniniwala sa mga kasinungalingan na sinasabi niya? Bakit ba ako ganito? Bakit ganito ako katanga?

Muling tumulo ang aking mga luha galing sa aking mata.

Pagod na pagod na ako maloko. Pagod na pagod na ako kasi paulit ulit nalang ang nangyayari sa buhay ko.

Habang umiiyak ako ay mayroong kumatok sa aking kwarto at nabosesan ko si manang. Siya lang ang tanging katulong sa bahay na 'to. May katandaan na si manang.

"Po?" Pagtugon ko sa katok niya at pinipilit kong patigasin ang aking boses para hindi niya mahalata na ako'y umiiyak.

"Alam ko na umiiyak ka, Kylie. Nandito ako, pwede kitang damayan."

Napangiti ako sa sinabi ni manang. Kilalang kilala niya talaga ako.

Kapag may edad na kasi. Sila talaga ang mga taong marami nang alam sa buhay at makakaintindi sayo. Madamdamin man sila minsan, pero sobra sila magmahal. Kaya ako ay pinapahalagahan ko si manang at pinaparamdam ko sa kaniya na mahal ko siya.

Mabait din ang katulong sa bahay ni Derrick. Naalala ko pa ang sinabi niya sa akin noong araw na nalaman ko na may relasyon si Derrick at ang bestfriend ko. Sabi niya ay hindi pa huli ang lahat sa tamang tao. I hope so.

"Pasok po." Sabi ko sa kaniya and this time, hindi ko na pinapatigas ang boses ko.

Pumasok naman siya sa kwarto at niyakap ko siya.

Gusto ko ng taong makakapitan ngayon. Gusto ko ng taong kayakap ngayon. Kasi, hindi ko alam kung hanggang saan pa ba ang kakayanin ko. Sa mga sakit na nararamdaman ko ngayon dahil kay Derrick.

Niyakap naman niya ako pabalik, at marahan na hinahaplos ang likod ko.

"Sige lang, Kylie. Iiyak mo nalang yan." Sabi sakin ni manang at doon ko nilabas ang lahat ng iyak na kaya kong ilabas. Hindi ako tumigil hanggang sa wala nang mailabas na luha ang mga mata ko.

Umupo kami sa kama ni manang. At nilabas ko sa kaniya ang mga bagay na gusto kong sabihin. At ang mga bagay na gusto kong itanong sa buhay.

"Ang sakit sakit kasi, manang. Paulit ulit na  lang ako. Nagsasawa na po ang sarili ko. Lagi nalang ganoon umiikot ang mundo ko. Lolokohin ako. Magpapaloko ako. Ganoon na lang po ba talaga ang buhay ko? Hindi na po ba ito matatapos?" Tanong ko sa kaniya at unti unti nanamang nanunubig ang mga mata ko sa pagkalungkot.

"Lahat ng bagay dito sa mundo ay may katapusan, Kylie." Sabi ni manang sakin.

"Kailan po? Saan po? Paano po? Hindi ko alam kung paano po yun mangyayari. Kasi, kung iisipin ko lang po ngayon ay parang napaka imposible. Kasi ngayon palang po, oh. Hindi ko na siya makalimutan. At tangang tanga na po ako sa kaniya."

"Hindi natin alam. Wala tayong alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Pero isa lang ang bagay na sigurado ako. Matatapos din 'yan. Kailan? Hindi natin alam, pero siguro kapag ayos na ang mga bagay-bagay. At nalaman mo na ang dapat mong malaman sa sarili mo at sa ibang tao. Saan? Sa lugar kung saan masaya ka. Na hindi mo na inaalala si Derrick. Paano? Sa isang paraan na hindi mo maiisip ngayon." Sabi ni manang sakin.

"May plano sa atin ang Diyos, Kylie. Maghintay ka lang. At magtiwala sa kaniya. Marami na akong napag daanan na ganyan, Kylie." Mahina siyang natawa.

"Pwede po ba kayo mag kwento?" Sabi ko habang nakangiti na.

"Nako, huwag na Kylie. Wala namang magandang nangyari sa buhay pag-ibig ko. Tignan mo, hanggang ngayon ay single pa rin ako."

Natawa naman ako sa sinabi niya. May "pa" so may plano siya na magkaroon ng kasintahan. Si manang luma love life na! Hahaha. Pero, okay lang naman 'yun. Kasi hindi pa naman ganoon katanda si manang.

"Pero, masaya po ba kayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo naman, kahit mag isa nalang ako sa buhay ay masaya ako. Kasi kontento ako sa kung anong meron ako ngayon. Maraming mga may edad na ang nandyan lang sa lansangan at walang makain at tirahan. Eh ako? Napaka swerte ko, dahil mayroon akong nakakain at natitirhan. Aircon pa. At may sahod pa ko. Kaya wala na akong dapat ikalungkot." 

"Buti po kayo, nakukuha niyo pong maging masaya. Samantalang ako, isang tao ang nawala sakin. Naging ganito ako kalungkot." Sabi ko kay manang.

Nabibilib ako sa kaniya dahil kahit mag isa nalang siya sa buhay ay masaya pa rin siya.

"Nalulungkot din naman ako minsan, Kylie. Pero, bakit ko pa pagtutuunan ng pansin ang mga bagay na wala? Dapat pagtuunan ko ng pansin ang mga bagay na nandyan at magpasalamat."

"Kasi po, ang hirap po kasi kapag tao ang nawala. Kung bagay naman po 'yan ay hinding hindi ako magiging ganoon kalungkot. Kaya lang po, tao po eh. Ang hirap po kapag tao po ang nawala, lalo na po kung napakahalaga sayo nung tao na yun."

"Mahirap talaga 'yan, Kylie. Naiintindihan kita, anak. Kasi pinagdaanan ko na din 'yan." Mahina ulit siyang natawa.

"Mag kwento na po kasi kayo, manang eh. Makikinig po ako."

Muli siyang natawa at napailing iling.

"Sige na po, manang. Please."

"O, sige na nga. Pero hindi ko i-isa isahin ah. Yung mga aral lang na nakuha ko kung paano makalimutan ang isang tao."

"Sige po, manang. Okay lang po 'yun. Maganda nga po iyan eh. Para po magawa ko. Hehehehe."

"O sya, sige. Ganito kasi yun. Marami na akong nakilalang tao. May mga panahon na ako ang iniiwan. At minsan ako din ang nang iiwan."

"Nang iiwan? So, meaning po nakasakit na po kayo? Nanloko na po kayo?"

Mahina siyang natawa sa tanong ko.

"Anak, hindi lahat ng nang iiwan ay nanloloko na. Minsan may mga mabibigat na dahilan ang tao kung bakit sila nang iiwan."

"Ah okay po. So, paano niyo po nalagpasan ang mga sakit na iyon? Kapag iniiwan po kayo?"

"Kapag iniiwan ako ng taong mahal ko, ay iniiyak ko nalang ang lahat. Sinasanay ko ang sarili ko sa sakit. Hanggang sa mawala na ito."

"Ganoon po?"

"Oo. Dahil kung mag pa-panggap ka na ayos ka lang. Na ayos ang lahat para sayo. Hindi lang ang ibang tao ang niloloko mo, kundi pati na rin ang sarili mo. Dapat ay nilalabas natin ang mga totoo nating damdamin. Para sa gayon, ay maging magaan ang pakiramdam natin. Pero, anak. Hindi dapat habang buhay ganoon ah? Umiyak ka ng umiyak, sanayin mo ang sarili mo sa sakit. At pagkatapos nuon, ay gamutin mo na ang mga sugat at bumangon ka ulit." Sabi niya sa akin.

Namangha ako sa mga salita ni manang. It inspires me a lot.

"Nakuha ko po, manang. Maraming salamat po. Ang dami ko pong natutunan sa inyo."

"Wala 'yon. O sya. Matulog ka na at gabi na."

"Okay po. Goodnight po manang, salamat po ulit." Sabi ko sa kaniya at niyakap siyang muli.

Siya naman ay tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama ko. At tumungo sa pinto.

"Sige. Goodnight din, Kylie. Anak."

Minsan tinatawag niya ako sa pangalan ko. At minsan tinatawag rin niya akong anak. Turing niya daw kasi sakin ay parang anak. Ayos lang 'yon. Dahil ang turing ko din sa kaniya ay nanay.

Naalala ko ang sinabi ni manang sakin.

"Sanayin ang sarili sa sakit, at bumangon ulit."

Sana, sana ay makaya kong bumangon ulit.

To be continued.

The 7 Steps to Move On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon