Andrei POV
NAKASIMANGOT ako habang andito nakatayo sa labas nang condo ni Blaire. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at sya ang yayayain kong maging partner sa Tagaytay. Bakit kasi hindi pwede mga babae ko? Si Captain talaga kahit kelan bitter, good boy kasi tch.
May tao ba dito? Kanina pa ako doorbell nang doorbell wala naman nag bubukas nang pinto. Sisipain ko na ang pinto nang bumukas ito at niluwa non si Blaire na naka bathrobe lang. Ampu! Andrei bakla yan mag pigil ka.
"What the hell are you doing here?" Masungit nyang tanong.
-_-
Bakit nga ba ako nag punta dito? Bwisit naman oh. Dapat nag solo nalang ako tch. Pero wala eh andito na ako wala nang atrasan to. Tsaka three days ko lang naman makakasama ang baklang to kaya okay na.
"Kasi andito ako, Dahil wala ako doon." Pang aasar ko. HAHA. Ang cute nya kapag naiinis--- Teka...
O__O
Anong sabi ko? Cute? As in si Blaire? No no no. Erase erase. Balakadyan. Hindi sya cute hindi.
"Ano nga? You are wasting my time!"
-_-
Kahit kelan ang sungit nito ilang taon na ang nakakaraan tapos walang pag babago.
Huminga ako nang malalim bago mag salita. "Pupunta kasi kami nila Captain at ang Stallions kasama sina Audrey at ang mga anak nya pati mga kaibigan ni bad boy sa tagaytay. Gusto sana kitang yayain." Mainahon kong saad.
Nakita ko naman ang reaksyon nya. Nagulat ba sya? Pasalamat sya at swerte nya isang gwapong katulad ko ang nag yaya.
"Nakakasuka ka man kasama sige papayag ako."
-_-
Pigilan nyo ako hahampasin ko to nang tabo tong baklang to, lakas mang asar pero kapag sya inasar halos maging toro na ang ilong tch.
"Kelan alis natin?" Tanong nya.
Kumamot ako sa batok. "Ngayon na actually nasa byahe na ang iba." Sabi ko.
"ANO!? NGAYON NA PALA!? EH BAKIT HINDI MO PA SAKIN SINABI!!?"
-_-
Sigawan ba naman ako? Eh nasa harap lang naman nya ako! Bwiset na babae to. "Eh kung nag aayos at nag bibihis kana jan kesa ang mag dada nang mag dada edi bumabyahe na tayo! Bwisit kang bakla ka eh! Dami mong satsat! Mag bihis kana!" Sabi ko.
"Wow ha!? Ako pa ang madada dyan eh ikaw tong sobrang daldal!"
-_-
"MAG BIHIS KANA BAKLA! O IIWANAN KITA!?"
Bwisit tong baklang to, sinisira ang maganda kong araw!
"CHE!" Ayon ang bakla lumipad este nag tatakbo.
Pag palain ka Andrei. Hays.
-
Gabriel POV
ANDITO ako sa martinez mansion. Balita ko kasi kila Trevor sasabay ang baabeng sinisinta ko.
"Gabriel! Nag hihirap kana ba? At sasabay kapa samin?"
-_-
Ayos din mag tanong tong si Bea eh. Pasalamat sya talaga at mahal ko sya.
Napailing na lang ako. "Wala lang. Gusto ko lang maka close si Trevor eh." Sabi ko.
Hindi naman ako nag sisinungaling, gusto korin naman talaga maka close si Trevor eh. Tsaka oo aaminin ko gusto korin makasama si Beatrice sa sasakyan haha. Galawang torpe eh.
"What the hell are you doing here Gabriel Lee!?"
-_-
Kahit kelan napaka sungit nang taong to. Buti nalang hindi pinag sasawaan ni Kassy yan' sabagay jan din sya nainlove sa bad boy na yan.
"Makikisabay lang ako sa inyo." Sabi ko. Inirapan lang ako ni Samantha at kumawit na doon kay bad boy. Tch. Feeling nya talaga ang pagiging fiance nya.
"Ge." Matipid na sagot ni Trevor at nauna na sila kasama ang unggoy at kami nalang ni Bea ang naiwan dito sa may sala.
"Nasan sina Seth? Tsaka si bessy mo? Hindi kasama?" Tanong ko.
"Sina Seth nauna na, tapos si Beshy kila Lance sasabay alam mo naman ang dahilan diba?" Sabi nya.
Tumango tango ako. "Ah oo nga tara?" Sabi ko at hinila na sya palabas.
Mukhang mag eenjoy ako nito at makaka chansing kay crush wahahahaha.
-
Audrey POV
Tagaytay..
"HAHAHAHA! Dugo na ang ilong ni Damon kay Dwayne HAHAHAHA."
-_-
Mga baliw na ang stallions. Unang araw palang namin dito sa Tagaytay mukhang masaya na.
Andito kasi kami sa may isang malaking cottage ang iba nag swisiwming na katulad nila Andrei at Blaire. Nagulat din ako kanina dahil sabay silang dalawa, at sa kabilang side naman sina' Beatrice at Gabriel naman, hindi nako mag tataka jan kay Gabriel dahil may lihim na pag tingin sya kay Beatrice haha.
At ang kambal ko? Ayon nag gagawa sila nang sand castle samantala ang bunso ko nakasimangot dahil kinukulit sya ni Nathalie na matalino din katulad nang bunso ko.
At ang kuya ko? As usual may sariling mundo sya hindi man lang makisali samin dito buti nalang katabi ko si ate Kassy kaya hindi sya OP.
"Tatlong araw lang tayo dito kaya, sulitin nyo na ang mga araw natin dito sa tagaytay." Sabi nang asawa ko habang naka akbay sakin. Medyo bantay sarado ko lang si Lance kasi naka sando sya mamaya mag hubad eh.
"Duh! You are making us patay ba? To make sulit the tatlong araw here in tagaytay?" Masungit na tanong ni Ynna. Wala kasi Macky nya kaya nakasimangot sya haha plus ginugulo pa sya nila Nicolov at Jaydee.
"Manahimik ka sa kapilosopohan mo witch!" Saway ni Lance. kahit kelan talaga napaka sungit.
"Psh."
"Trevor brad! Baka matuyuan ka na nang laway jan! Uso mag salita oh!" Sigaw ni Jiro kay Kuya.
"Oo nga kuya! Kanina kapa tahimik jan--- Okay..."
-_-
"Nag walkout HAHAHAHA!" Tawa nang stallions.
Ano kaya problema nang kuya ko? Asa naman ako na si Samantha yun? Psh. Eh sya naman talaga ang problema naming lahat.
"Hayaan nyo muna sya. I will talk to him later just enjoy the three days guys." Sabi ni Lance.
Yan lang ang gusto ko kay Lance hindi lang sya maalalahanin sakin at sa mga anak nya pati kay kuya.
"Aye! Aye! Captain!"
Sigaw nang stallions.
This is our day 1 here para makapag bonding at pahinga narin, sana talaga walang gulo at walang away.
******
A/N: #TagaytayPart1
YOU ARE READING
CL 3: Always and Forever (Completed)
Teen FictionLance Lee & Audrey Lee stories before and after marriage CL 2 Second Chances (continuation)