pagasa(tagalog)hope

1.5K 33 6
                                    

Kwentong pampalipas oras itoy may halong aral at katatawanan. Nawa'y maibigan ninyo ang handog kong regalo. All about hope love and faith. I wish you like it. Take time have fun while reading this. It's interesting and exciting.

Hope? Good morning. Thank you ginising mo ko. Ang sama ng panaginip ko. Nanganak daw ako ng hipon. Si mama kasi hipon yung ulam ko kahapon.

Ako nga pala si Osanna Rosemary madami akong libangan lahat sinusubukan ko. Magpinta. Magsulat. Tumula, at ang pinakapaborito ko ay kumain! Kumanta? Pero walang pag-asa ang boses ko na gumanda. Kaya nais kong hawakan ang mga pusong sugatan. Alam ko ang pakiramdam ng walang magawa. Yung tipong pinipilit mo pero nasasaktan ka lang kasi kahihiyan ka daw. Gusto ko maging proud sa akin ang aking ama na nasa langit (Hesus). Pati yung Father ko dito sa ibabaw ng lupa. Hindi sa ilalim ng lupa. Buhay pa siya. Wag ko daw sasayangin ang oras at pagkakataon. Mataas ang ambisyon niya sa akin noon dahil panganay ako. Isa itong Engineer. Gusto niya ako maging Architect. Ang mama ko ay nurse gusto niya akong maging Doctor. Ang kapatid ko ay model, gusto niya akong maging artista dahil maarte daw ako o madrama. Hope? Patawad kung hindi ko natupad ang gusto nila sa akin. Alam mong ikaw lang talaga ang may alam kung ano gusto ko. Tulungan mo naman akong mahanap yun. We are migrated in the USA. Dahil veterano ang lolo ko. Sumalangit na nga ang kaluluwa ng lolo kong sundalo. Mamahinga ka na marami ka ng pinatay. Mabuhay si lolo saludo ako sa tapang niya. Marami na siyang naitulong.

Hope! Tinatawag na ko ng mama ko. Kakain na daw. Thank you mama dahil sayo kaya masarap mabuhay. Kahit gusto niya kong tirisin noong bata dahil lumaki akong sutil.

Hope? Pano ba magbago? Para maging karapat dapat sayo? Magbago ng damit? Magbago ng ugali. Lagi naman eh. Minsan malungkot ako minsan masaya minsan pa nga umiiyak ako.

I'm hopeless. Ikaw lang ang Pagasa ko.

Ewan ko ba bakit malungkot ako. Di naman ako naghihirap. Ayaw kong hintayin na maghirap pa ko. Ohh heto na nga ohh. Naghahanap na ng trabaho. Madaling magtrabaho Hope! Kapag masaya ka. Lahat kaya mong gawin.

Hayan si Boss lagi kang pinupuri. Kay sarap sa pakiramdam dahil alam mong may tiwala sila sayo.

Wala akong pakialam sa pera importante sa akin may maibigay lang ako. Para may halaga naman ako.

Hope? Salamat minahal mo ko noong walang wala ako. Walang laman ang bulsa. Walang kwenta. Nang wala na kong maisip. Binigyan mo ko ng pagasa. Alam mong mahal kita kaya nga di mo ko natiis. Love is patient. Di ba? Ikaw yung doctor ko ako yung pasyente mo. Balang araw makikita mo magaling na ko.

Nagtake ako ng gamot. Hindi bawal na gamot. Kundi pampalakas ng loob.

Magbabakasyon kami sa perlas ng silanganan bayang sinilangan ko.

Holdap daw. Nakahawak ang kamay niya sa akin. Nasaan daw yung kwarta. Si uncle talaga nagbibiro. Wala akong perang dala. Pano ka nakarating dito. Siyempre nageroplano. Hay gutom lang yan. Tara kain tayo. Treat ko po. Siya si Uncle Boy. Close ko mula pagkabata ako ang paborito niyang pamangkin. Parehas kami mahilig sa adventure at action. Napapagalitan siya palagi ni lolo dahil pasaway ito. Lagi niya kong dinadala noong sanggol pa ko sa likod ng bag niya habang nagtatanim ng palay. Baka daw magkasakit ako. Nagaalala si lolo. Sabik na kong makita ang lolo kong masipag pa sa kalabaw. Mahaba ang buhay niya tulad sa bukid na sinasaka niya.

Aba kay gandang mga bata. Kutis Amerikana. Sabi ni lola. Kutis chocolate ang gusto ko. Nagpapainit ako sa araw para ma tan ang kutis ko. Naniniwala ako black is beauty. Mababait ang mga kaibigan ko sa amerika. Lalo na ang ibang lahi. Ibat iba man ang kulay namin nagkakaintindihan kami.

Sinalubong kami ng mga paputok dahil bagong taon na. Maraming firecrackers at fireworks. Sa bayan may nakabangga sa akin. Dahil hindi ko tinitignan ang dinaraanan ko. Nakabalot ang katawan niya ng kasuotan. Hindi ko makita ang kutis niya. Dahil nakatakip din ng panyo ang mukha niya. Tagaban! Tinawag siya ng mga lalaking kasama niya. Dalmatian sabay tawa nila. Nakita nilang nakatingin ako kay Tagaban. Tinanggal nila yung jacket niya. Nakita ko ang mga puting batik sa kutis niya. May Ann ann siya madami. Para daw dalmatian. Binatukan ni Tagaban ang mga kabarkada niya. Dahil inaasar siya ng mga ito. Akala ko kinakawawa siya ngunit malakas ang loob niya. Minamasdan niya ko ng maigi. Malalim na para bang kilala niya ang buong pagkatao ko. Matalino siya nag English pa nga siya akala niya foreigner ako. "Next time. Look at what you are going through so you do not get hurt. Are you okay." Tumango nalang ako. Nawala yung sakit ko ewan ko ba bakit natatawa ako.

Si Aunty Carmi Martin ko Captain ng baranggay. Pinapaganda at pinapasemento ang daan. Nasa road construction si Aunty. Pinuntahan ko siya wala kasi akong magawa sa bahay. Nagtinginan yung mga lalaking worker sa akin. Hala! Yung babae mahuhulugan ng kahoy sa puno! Di ko nakita. Buti nalang nakaalis na ko. Swerte daw ako.

Hope kung swerte ako dahil yun sayo. Lagi mo kong nililigtas. Kaya mahal na mahal kita. Ikaw lang kayang magtanggol sa akin. Wala nang iba. Sayo lang ako aasa.

Osanna! Paabot nga ng tissue. Osanna! Paabot nga ng charger. Osanna! Paabot nga ng bag ko. Osanna hanapin mo nawawala ang gamit ko! Osanna! Ayusin mo gamit mo burara! Good girl. Wag ka munang aalis maghintay ka. Osanna! Tubig nga. Pakiss nga thank you. Osanna! Pakikamot ang likod ko. Wag kang maingay naririnig ko ang hilik mo. Osanna! Doon ka matulog sa sala. Uminom ka na ng gamot mo. Osanna! Maligo ka na. Ayaw ko na ng amoy mo. Bawal sa akin ang pabango. Osanna! Ipag-init mo ko ng makakain. Bilisan mo. Wag ka ng mag make up. Osanna! Bakit ang landi mo. Hindi ako malandi! Kung malandi ako bakit kayo pa rin ang sinusunod ko. Gusto kong alagaan kayo ni mama papa at ikaw na kapatid ko. Lagi akong umaasa sa inyo na sana bigyan niyo ko ng kaunting pasensya. Dahil nagkakamali ako. Gagawin ko lahat magsisikap ako. Hinding hindi ko na iisipin ang sarili ko, magbibigay ako at susundin ang payo niyo. Dahil lagi niyo kong iniintindi. Salamat sa lahat dahil andiyan kayo para paalalahanan ako. Maswerte ako dahil naging parte ako ng pamilyang ito. Dama ko ang pagmamahal at presensya ninyo. May pakialam kayo sa akin. Hinding hindi ko kayo iiwan. Kahit na anong mangyari.

Kahit makakita pa ko ng poging lalaki o magandang babae. Hindi ko hahabulin. Yung aso hinahabol ako. Stop sit down Chihuahua. Pagmamayari ni Tagaban ang cute at maliit na aso. Hindi daw sa kaniya yung aso sa nanay niya. Bigay daw yun ng penpal ng nanay niyang amerikano. Ahh ganon ba? Ako nga pala si Osanna! Hindi naman niya tinatanong. Bakit daw ako nagpakilala. Bakit ang suplado na niya parang kailan lang nakakatawa siya. Umakyat na siya sa bahay nila. Bigla akong nagulat dahil sinisigawan siya ng nanay niya. Nagaaway sila. Hindi ko sinasadyang marinig ang paguusap nila. Tagaban anak, kung ayaw mong sumama sa amerika wag lang basta magpapakasal ako kay Roger. Sa ayaw at sa gusto mo.

Hindi pa ba ko sapat tayong dalawa nalang natitira sa bahay na ito iiwan mo pa ko! Dumungaw si Tagaban sa bintana nila nakita niya ko sa ibaba. Hindi pa umaalis. Sinarado niya ang bintana. Akala niya siguro tsismosa ako. Hindi kaya. Naaawa ako sa kaniya. Sinong magaalaga sa kaniya. Haha. Malaki na siya. At lalaki pa, kaya na niya ang sarili niya. Wala pa siyang sakit. Malakas ang loob niya.

Ilang kanto lang ang bahay nila mula sa amin. Gustong gusto ko ang nageehersisyo.

Madaming tumitingin sa akin kapag nagbibiseklata at nagjojogging ako. Ako ay bago sa kanilang paningin. Pero kapag binati ko na sila ng good morning. Nagugulat sila sa akin. At napapangiti. Malugod nila akong tinatanggap. Warm welcome ba!

May nagbubungkal sa ilalim ng lupa. Tinignan ko. Si Tagaban balak yata niyang ilibing ng buhay ang sarili. Ohhh. Wag naman.

Humingi ako ng saklolo sa ibang tao sinabi ko ang dahilan bakit siya magpapakamatay. Narinig ng taong bayan. Lahat sumama sa akin. At pinigilan si Tagaban. Ano ba kayo! Nagpapagawa lang ako ng septic tank para sa banyo. Sabi ni Capitan.

Ang sama ng tingin sa akin ng lalaki. Tagaban sorry. Ayaw niya tanggapin sorry ko. Hindi siya nakikinig sa akin. Hindi ko daw siya kilala. Bakit ako nakikialam sa buhay niya. Nasaktan ako. At umiyak. Hindi niya nais saktan ang puso ko. Ayaw niya ng may nakikitang umiiyak sa harapan niya. Tahana, dinamayan niya ko. At tinanggal ang kalungkutan nadarama ko. He make funny faces. Parang Mr. Bean. Di ko maintindihan ang mukha niya. Napatahan niya ko at napatawa.

Mula noon. Lagi na siyang umaaligid sa akin. Tuwing may gathering ang pamilya. Nakasilip siya sa sulok. Tinawag ko siya sa dilim. Nakita nila ang puting batik sa kutis ni Tagaban. Pero wala akong pakialam. Pinakilala ko siya bilang kaibigan. Hindi sila naniniwala na kaibigan ko lang si Tagaban. Hindi sila payag sa relasyon namin. Hindi ako umiibig sa kaniya.

Biglang lumayo si Tagaban ng narinig niya sinabi ko.

Tapos na maikling bakasyon ko sa Pilipinas. Sa 3 araw na yun. Parang kay bagal ng usad ng oras. Dahil may hinihintay ako. Akala ko magpapakita siya. Huling byahe at pamamaalam ko sa lupang hinirang ko hindi pa siya nagpaparamdam.

Hope? Hindi ko siya kinakahiya. Ewan ko ba bakit may pagaalinlangan sa puso ko. Takot ipahayag ang nararamdaman ko. Isa akong mahinhing tao hindi ako yung nauuna. At hindi ako sigurado kung mahal niya ko o may mas mahal pa siyang iba. Ayaw ko ng masaktan. Kasi palagi nalang. Alam mo Hope kung may pagasa pa ba kami. Gagawa at gagawa ka ng paraan para magtagpo ulit landas namin. Sa ngayon okay na ko at kontento sayo. Masaya na kong nagiisa. At kasama ang pamilya ko. Ikaw ang buhay ko. Hope.

Lesson Of Life(Learn To Change Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon